27| Rain

51 9 0
                                    

!!!Errors Ahead!!!

___________________________




"Give us three days." Pause. Tiningnan ko lang siya sa labas ng sasakyan. "Then give us a day." The call ended and he went back inside the car. I still heard it since the window is open. We will go back to their house in tagaytay dahil yun lang daw ang pinaka malapit na bahay niya dito. So unfortunately hindi na kami makakapag paseo.

Ilang oras na biyahe muli ang nangyari at doon kinukuwento ko siya para hindi siya antukin. "We can see the sea." I said. "Yeah, what time is it?" Tanong niya.

I looked at my phone and it's already 1am. "One A.M." Sagot ko sa kaniya. "Malapit na tayo. We can rest now." After thirty minutes of driving nakarati g na rin kami. Actually nalalasing na ako sa antok. I badly want to sleep.

"Ang lamig." Sabi ko habang naglalakad kami papunta sa bahay, it's a mansion. What should I expect? Nakita ko ang ibang sasakyang nakaparada at may motor doon. Marunong siyang mag motor? Ang angas naman non. Hindi ko naiwasang mapangiti ng ma-imagine agad ang hitsura niya habang nakasakay sa motor at naka all black.

"Amy?" Natanggal ang antok ko sa gulat. "Yes?"

"Meet Azalina, my housekeeper and distant cousin from mother's side." Napangiti ako kay Azalina. "Nice to meet you, isang malamig na gabi po." Bati ko. She laughed and pinapasok na kami.

"Girlfriend mo?" Tanong niya kay Theon. Bahala ka na Theon sa sagot mo, hindi na ako mag e expect. "Yes." Ngumiti nalang ako para suportahan ang sinabi ni Theon, mapanakit talaga ang label namin, peke.

Lumingon ako kay Theon gamit ang mapupungay kong mata dahil inaantok na talaga ako. "Where's her room?" He asked. "I only prepared your room, not the guest's. Girlfriend mo naman yan dun nalang kayo matulog. Diba?" She asked me na tinanguan ko.

Actually wala nang pumapasok sa utak ko, nakalimutan ko nang umintindi ng mga salita. The effect of being sleepy. Parang lasing lang. "Look how sleepy she is." Huh? I can't really process everything now.

"Matulog na kayo, bakit ba kasi pinagod mo?" Azalina.

Nang lumakad na si Theon ay lumakad na rin ako paakyat ng hagdan. Humawak ako sa braso ni Theon dahil nauga yung hagdan. Tumigil muna ako sa paglalakad at dahan dahang umakyat ng hagdan.

I still remember when I got bruised because I stepped on a wrong step. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin at ang sunod ko nang natandaan ay ang pagtaklob ko sa sarili ko ng kumot.

*********

Nakangiti ako habang nagmulat ng mata. Bumangon na ako at napatingin sa gilid ng kama. Agad akong kinabahan. H-how?! Umiling ako, I'm still fully dressed. Pinagmasdan ko ang paligid at doon dumako sa malaking bintana na natatakluban ng mahabang kurtina ako napatingin.

It's blocking the sunlight from the outside. Puyat din si Theon kaya maliligo na lang muna ako. Aalis na sana ako ng maramdaman ang paghawak niya sa braso ko. I looked at his peaceful face. But got confused when he suddenly frowned and his grip tightened.

Kinabahan ako. "Theon." Tawag ko sa kaniya. "I tapped his face and tried to wake him up. Is this sleep paralysis? Is he having one?" I shake his shoulders while calling his name. "Amatheon."

"Theon." Hindi ko na alam ang gagawin. Napaiyak na ako ng magmulat siya ng mata. He massaged his forehead and prayed silently before gazing at me. "I'm sorry Mi Señora." I shook my head and wiped my teary eyes.

"I'm glad you're okay. I was so worried." Hindi ko na pinilit pang tanungin siya dahil alam ko na ang nangyari sa kanya na iyon. It's sleep paralysis. Ava often has it and she said that they will naturally wake up. "I'm sorry for doing that to you. I panicked."

De Silva Series 1: Shy to you [On-going]Where stories live. Discover now