17| Triggered Memory

40 8 11
                                    

!!!ERRORS AHEAD!!!

(┛❍ᴥ❍)┛彡┻━┻

Nakatulala ako sa kisame habang ina absorb pa ang nangyayari. Oldma kept her words that she would keep an eye on us. I stepped out of my comfort zone and I was now lying on bed beside this man, who will melt me with his stares.

"U-uhh, C-cariño. C-can I sleep?" He just nodded while smiling. Napapatanong na tuloy ako kung totoo ba ang mga ngiti niya, is that real or fake?

"G-good Night na." Sabi ko nalang at tinakpan ng kumot ang kalahating mukha, ngayon ay mata nalang ang nakikita niya sa akin at ipinikit ko na iyon.

⚜️

"AMETHYST!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at kumaway ako sa kaniya.

"MATTHEW!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kaniya. "Woah! Ano yan?" Itinuro ko ang hawak niyang bagay na ngayon ko lamang nakita. Kulay asul at kahel iyon.

"Ahhh, ano to. Baril." Tinatakot ako minsan ni Mama na babarilin ako ng pulis kapag makulit ako, pulis ba siya?

"B-baril? P-pulis ka ba?" Tumawa lang siya kaya napakunot ang noo ko.

"Hindi, pero gusto kong maging pulis balang araw." Sagot niya.

"Yun ba yung nanghuhuli ng mga makukulit at bad guys at nagliligtas ng mga people?" Tumango siya.

"Waaahh! Ang cool non!" Umupo ako sa tabi niya ng umupo rin siya. "Edi pwede mo palang hulihin si Mr. Dengue at ikulong para maligtas na ako?"

"Sino naman yung Mr. Dengue?" Takhang tanong niya. "Ahh, 'yan yung bad guy na nagpadala ng lamok sa loob ng kulambo ko tapos kinagat ako. Sabi ni Mama gawa raw 'yon ni Mr. Dengue."

"'Wag kang mag-alala Amethyst, babarilin ko si Mr. Dengue para mawala na ang sakit mo." Nakangiti niyang sabi sa akin. Napanganga lang ako sa sobrang hanga.

"Pwede mo rin ba akong protektahan hindi lang kay Mr. Dengue? Pwede bang pati rin sa mga bad guys?" Tanong ko at ngumiti lang siya sa akin.

"Oo naman, kaming mga pulis ang magtatanggol sa inyo mula sa kanila kaya, I promise! I will protect you from bad guys!" Napangiti ako sa sinabi niya.

"Mag pinky promise ka muna Matthew!" Ihinarap ko sa kaniya ang hinliliit ko at bago kami mag pinky promise ay may sinabi pa siya.

"Oo nga pala, My name is Amatheon. Not Matthew." Nakipag pinky swear siya sa akin matapos sabihin iyon.

"A-amatheon? Ang haba naman! Matthew nalang!" Tumayo na siya kaya tumayo na rin ako. "Sige, edi tatawagin nalang kitang Ame. Para maikli at para fair." Binigyan niya ako ng pat sa ulo at sumaludo sa akin.

"Babye Matthew! Don't break your promise!" Sigaw ko.

"I WON'T!" Nag babye na siya at tumakbo paalis.

*********

"M-matthew? A-asan ka n-na? It's so dark in here! M-may bad guys ditoo." Hindi na ako makahinga sa sobrang sikip at dilim. Nandito naman na ako para magtago sa bad guys! B-bakit p-parang may sumasakal sa akin?

Pumikit ako at tahimik na umiyak sa loob ng cabinet, ng biglang lumiwanag sa labas at uminit ang buong paligid, umuusok? Hindi ko nagustuhan ang amoy nito kaya iniubo ko ito at nagsumikap na hindi malanghap ang usok. "M-mama, m-may m-mga bad g-guys!" Bulong ko gamit ang garalgal na boses dahil sa kakaiyak.

Narinig ko ang mga papalapit na yabag dito sa akin kaya tinakpan ko na ang bibig ko at pinigilan ang iyak. Sinubukan ko ring huminga pero usok lang ang nalalanghap ko kaya nakaramdam ako ng panghihina. "H-help m-me."

De Silva Series 1: Shy to you [On-going]Where stories live. Discover now