29| Alone

29 8 0
                                    

!!!Errors Ahead!!!

________________________

Trigger Warning!


He's already in the middle of cooking at nag-gagayat ako ng gulay dito dahil ilalahok niya sa lulutuin niya. Napatingin naman ako sa pintuan ng may pumasok doong isang magandang babae.

Ang buhok niya ay naka mababang bun habang suot ang marangal na uniporme ng Silver Cruise Line at sinasaad ng epaulet niya. "I came here as you ordered. I am Cassyla Urriza, the Hotel Manager of this cruise. Please-"

"At ease," Tugon ni Theon na hindi man lang sinilip ang magandang Ate ko. Sa sobrang ganda ni Ate Cassy, makakatulog na ulit ako ng mahimbing. But why does she look gloomy today? Her posture seemed down and her complexion looks pale. Hey eyes is somewhat weary.

"You're summoned here because of something important." Ngumiti ako kay Ate Cassy at nginitian niya ako pabalik. "Oo nga pala, ikaw na bahala d'yan." Tinanguan niya ako habang nakangiti. Tumakbo ako papunta kay Ate Cassy at pinaupo siya sa tabi ko.

Agad naman siyang bumulong. "Nakakatakot ang Señorito, iba-iba talaga sila ng ugali. Pano mo pala naging boyfriend ang Señorito?" Mahina niyang simula. Ako naman itong napa-kunot noo dahil sa huling tanong niya.

"Bakit? Mali ba ang hula ko?" Napaisip naman ako habang nakatingin sa kaniya at inilingan iyon. "Oh, eh paano kayo nagkakilala? Haba ng hair ah, sa De Silva pumapatol." Pinatahimik ko siya. May pagka Ava ito pero medyo normal pa siya kaysa sa isa kong pinsang iyon.

"A-ano, pogi eh. S-syempre." Mahina kong saad sa kaniya kaya't nang makita ko ang nang-aasar niyang ekspresyon ay napa hinga ako ng malalim. Naalala ko naman na narito nga pala siya para sa isa naming pakay.

"Oo nga pala, Ate Cassy," Panimula ko. Nang makita naman niyang maging seryoso ang mukha at marinig ang pagbabago ng tono ng boses ko ay umayos na rin siya ng upo at ipinakita ang pagka-interes sa sasabihin ko.

"Dala mo ba yung locket na ibinigay sa iyo ni Tito?" Napangiti siya. "You mean this?" Kinuha niya ang locket na nakatago sa bulsa ng uniporme niya at binuklat iyon. Bumungad naman ang picture niya noong bata pa siya at ng ama niya. Agad naman akong napalingon kay Theon na busy sa pagluluto pero alam kong nagbibigay na rin siya ng atensyon sa usapan namin.

Tumango ako kay Ate Cassy at hiniram saglit iyon. "H-how did you know about the locket?" Tanong naman niya. I expected that the time will come that she will definitely ask something. But how come it's about the locket her father gave her?

"Alam kong nagtatakha ka ngayon, but to tell the truth, I found it in Sebastian's mansion." She added. Who? Agad akong napaisip kung sino ang tinutukoy niya. Inalala ko ang mga sinabi ni Tatay sa akin noon at sumakit ang ulo ng walang malaman doon.

"Sebastian Eztavez, the owner of the famous Italian Restaurants, and other restaurant branches. Basta marami pero siguro naman makikilala mo na siya." Tumango naman ako. I often hear about him from the news or often read some articles accidentally.

"Paano niyo pala napasok ang mansion-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ng makita ang blangkong ekspresyon mula sa mukha niya na nagpakaba sa akin. "I got this the moment I decided to explore the mansion by staying for days." Napataas ang kilay ko.

Sabagay, sa ganda ni Ate Cassy, hindi siya matatanggihan nang isang bilyonaryo. "Paano kayo nag meet?" Inilingan niya ako at mapait na ngumiti. "Pero may nais akong malaman, kung alam mo ba ang dahilan ng pagkamatay ng ama ko." Agad akong umiling. What I know is he died from his illness.

Hindi rin ba niya naaalala ang nangyari sa Ama niya? When I looked into her eyes, I saw the cluelessness and the eagerness to know about her father. But as much as I wanted to tell her anything. I didn't know about her father at all.

De Silva Series 1: Shy to you [On-going]Where stories live. Discover now