Thank you Mary for this wonderful cover
\(-ㅂ-)/ ♥ ♥ ♥!!!Errors Ahead!!!
o(〃^▽^〃)o
Crush
It's been a month since hindi na namin nakikita ang isa't isa, although we kept each other's promise, na magsusulat kami ng story na nag fe -feature ng iba't ibang love story.
Dali-dali akong pumunta sa babaeng hinimatay dahil sa takot, malakas kasi ang alon na pati ako ay bumibilis ang tibok ang puso sa kaba. Dahan-dahan akong lumuhod at hinawakan sa balikat ang babae. She's in a panic.
"We'll do this Ms. Amethyst." Napatingin naman agad ako sa epaulet niya na may red and gold stripes. I nodded at him as soon as I confirmed that he's from medical department.
Dumating ang ibang kasamahan niya at dinala na nila ang babae sa deck 2 kung nasaan ang medical facility. Pinagpag ko naman ang tuhod ko at inayos ang uniform. I am the Casino Manager here, I not only look after the machines or any cheaters but also the people inside this arcade.
People like her needs to be taken care of. May anxiety kase.
Kaunting alon lang natakot na agad.
After an hour of doing our jobs, finally I am home. Pabagsak akong humiga sa higaan ko, nasa bahay na ulit ako ni Ava pero wala pa siya dito sa apartment. Alam kong ginagawa lang non ang trabaho niya. Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa sobrang pagod.
Napapitlag ang buong katawan ko at ramdam ang pagbilis ng tibok ng puso ko kasabay ng pagmulat ng mata ko ng biglang bumukas ang pintuan sa kabila. "Yes po, Ma'am and Sir. This is the house that I designed. Dinala ko po kayo dito para malaman niyo na ganito din ang magiging hitsura ng bahay niyo pero mas maganda pa po iyon kaysa dito. Dahil mas improved na rin po ang designs."
"Kung ganoon, pwede ba naming tingnan ang paligid ng bahay na ito?" Napatingin ako sa may pintuan ng kuwarto at dali-dali akong bumangon. Tinawid ko ang bathroom ng kuwarto at doon pumasok para mabilis na maligo.
Si Ava, pati client dinadala na sa bahay eh. Baka mamaya ipakita pa niya ang mga kuwarto dito eh makita ako ng clients niyang mukhang dugyot. Haggard na haggard na ako tapos gabing gabi na, nagpapasok siya ng kliyente niya.
Natapos akong maligo na halos kalahating oras at hindi naman sila pumasok sa loob ng kuwartong ito. Nakahinga ako ng maluwag at sinuot ang bathrobe.
Ilang days bago ulit ako pumasok sa Silver Cruise Line dahil Treasure of the seas ang lumalayag ngayon. Silver Cruise Line owns 22 cruise ships and Treasure of the seas is the biggest. Nasa Heart of the seas ako kanina at isa ito sa pangalawa sa malaking cruise na kayang magsakay ng 3,028 passengers.
Nagbihis ako ng pajama at gumamit ng blower para patuyuin ang aking buhok. Kanina pa siguro umalis ang mga client ni Ava dahil nadinig ko na kanina ang sasakyan nilang umalis na. Matapos kong patuyuin ang buhok ko ay ginawa ko na ang skincare routine ko at lumabas ng kuwarto.
"Ohh??" Boses pa lang ay si Ava na iyon. Nilingon ko siyang kakalabas lang sa kuwarto niya at naka pajama din. Halata ang pagod sa mukha niya at ang kita na ang eyebags. Her shoulders were down.
"Kanina ka pa?" Tanong naman niya sa akin. "Oo." Bumaba na ako ng hagdan at sumunod naman siya sa akin. Nagbabalak akong magluto kaya dumeretso ako sa ref niya.
Saktong pagbukas ko naman ng pintuan ng ref ay may nag doorbell sa bahay ni Ava. Napalingon ako doon at napangiwi ng si Ate Jade iyon na katulad din ni Ava. Ano namang nangyare?
YOU ARE READING
De Silva Series 1: Shy to you [On-going]
RomanceTAG-LISH STORY ________________ Amethyst and Amatheon's Love story ________________ Amethyst was living her life normally and peacefully. Just when she thought nothing's wrong, her life changed drastically by a piece of bullet that scarred her back...