!!!Errors Ahead!!!
(ノಥ,_」ಥ)ノ彡┻━┻
Fake Girlfriend?
Those words ate my whole system even after he left the room to give me some time to think. Am I willing to be his fake girlfriend for my own protection? Ayoko pang mamatay. Napahawak ako sa ulo ko na nabagsakan ng malaking board sign. Sinilip ko rin ang daplis ng bala na kung tutuusin ay mababaw lang naman.
Masyado paring komplikado at hindi naman puso ang nasusunod kundi ang isipan, even me. I would rather follow my brain than my heart.
Buti na nga lang at prepared ang puso ko dahil sa expectation na ayaw ni Theon na idamay ako kahit nadadamay na ako in the first place. Alam kong tinatarget na ako ng mga kalaban ngayon, isa ba ito sa mga dahilan kung bakit ayaw ni Ava na palabasing isa siyang De Silva? Na asawa niya si Dr. Nathaniel Aeson De Silva?
Hindi ko pa gustong lumabas ng kuwarto kaya dito na muna ako sa kuwartong kasing laki na ng salas ng bahay ni Ava. Pumunta na muna ako sa computer at nagulat ng napakaraming app na naka install doon, nag play nalang ako ng laro at bakit naman panay horror games ito?
Sabi naman ni Theon eh ayos lang daw na kung ano ang galawin ko sa loob ng kuwartong ito at hindi na rin daw nagagamit ang computers at tv at bathroom dito kaya gamitin ko nalang daw. Si Hazel daw ang malimit na gumamit dito dahil inuutusan, pero bakit naman kaya panay horror games na ang narito?
Nakakita naman ako ng hindi yata masyado nakakatakot na laro. Five nights at freddy's? Nagulat naman ako ng may nag-glitch glitch pa sa screen. Sure ka ba sa ginagawa mo Amethyst? Sige nabuksan na eh.
Pinisa ko ang new game at dahil Five nights at freddy's 2 ito ay mukha pa atang mahirap, kung 1 pa siguro ay mabilis. Kung ano ano lang ang pinipisa ko at mukha namang mabilis, kampante pa ang loob kong nakaabot sa night 3 at napakunot ang noo sa nangyayari sa screen.
"Hala! A-ano yon?!" Dali dali akong nagparinig ng boses sa ibang room at inayos ang system controls, kinabahan ako ng may nakita ako sa camera 2! "Hala! Bakit nanjan ka naaa?!" Sigaw ko. Ibinaba ko na ang camera at halos liparan ng kalukuwa ng may nanggulat.
"Gag*!" Sigaw ko at napatakip ng bibig. "I'm sorry." Pagsasalita ko kahit walang nakakarinig sa akin. Manood nalang ako ng K-drama imbes na matulog, tutal nakatulog ako ng ilang days. Sawa na ako sa pagtulog at hindi naman ako si Aurora.
Agad kong pinatay ang computer at saktong pagkatayo ko ay ang pagkagulat ko na naman ng makita si Theon na kanina pa ata ako pinapanood. "T-theon?" I asked. Pinaghawak ko agad ang kamay ko sa unahan at hindi na namalayang doon ko itinoon sa kamay ko ang aking mga tingin na nakapag patungo sa akin.
"Mi señora hermosa," Pinanood ko ang mga daliri kong kalabanin ang isa't isa habang nagsasalita siya. Bakit ba ako nahihiya sa kaniya? Lalo pa ngang lumala nung sinabi niya yon. "Do you want to meet them now?" Marahas ko siyang binalingan ng tingin. "H-haa?!" Gulat kong sigaw. Napaiwas naman ako sa hiyang naramdaman.
I have a bad feeling about this. Why is everything happening so fast?! Sabagay, hindi ba dapat ay sinasakyan ko nalang ang kagustuhan niya, just go with the flow, nang maramdaman ko naman ang nararamdaman ni Ava. "Uhm, if you want to- I-I can meet them?" Bahagya niyang ginalaw patagilid ang ulo niya at bumukas ang mga labi niya bago nagsalita.
"It doesn't sound assuring. Are you sure you want to meet them now!" Marahas akong tumango at nakadulat na para lang makita niyang sure ako, narinig ko naman ang pagtawa niya at ang pagtakip niya ng braso sa kaniyang bibig. Bakit baga ang pogi niya? Hindi ko na namalayang nakangiti na pala ako kaya nawala agad ang ngiti ko ng bumaling ang tingin niya sa akin at tumigil ang pagtawa.
YOU ARE READING
De Silva Series 1: Shy to you [On-going]
RomanceTAG-LISH STORY ________________ Amethyst and Amatheon's Love story ________________ Amethyst was living her life normally and peacefully. Just when she thought nothing's wrong, her life changed drastically by a piece of bullet that scarred her back...