28| Cruise

33 8 0
                                    

Errors Ahead!
ლ(◕ω◕ლ)

"You can go with us in finding the chip's other half." Finally. Tumingin ako sa kaniya na busy pang mag drive. "May clue na ba kayo kung saan mahahanap?" I asked, and he shook his head.

"I have a clue." Sabi ko, I have no plan on keeping it a secret so sasabihin ko nalang sa kaniya. "We know, that's why isasama ka namin kahit ayaw ko." Sabi niya na parang sinasabing tumanggi ako sa plano ng organization niya.

"Oo nga naman, may point." Sagot ko nalang. "Clue lang din ang alam ko at hindi ko pa kilala kung sino pero alam ko na connected si Ava don at kilala niya kung sino iyon." Sabi ko pa.

"Palagi na lang siyang involved." Sabi ni Theon na hindi ko naintindihan kaya sumang-ayon na lang ako. I stayed silent for the whole travel at napatingin sa isang lugar na tinigilan niya, at napamganga ako. Halos hindi ko na makilala, ang bahay ni Ava.

"W-what-" Nang makababa ako sa sasakyan ay napatakip ako ng bibig. "It's gone!" Sumuot ako sa dilaw na harang at lalapit na sana sa bahay na abo at sunog na ng pigilan ako ni Theon.

"Bakit pala nandito tayo?" I asked him and he pointed at the woman who's crying. "My books! Yung pina book sign ko," Napahagulgol na siya. May hawak hawak siyang mga sunog na papel. "Pano na yun! Patay na yung author nito" She cried even more. I can feel her, as a book worm. I will cry either.

"ISINUAUMPA KO! MAGTATAE FOREVER ANG NAGPASABOG NG BAHAY KO! T*NGINAAAAA MOO G*G* KAAAA!" Napahagulgol na siya. Napaluha naman ako, buti pa yung libro ko nasa bahay namin.

"She's not even worried about her house." Hindi makapaniwalang sabi ni Theon. "Why are you crying too!" Tanong niya sakin. "Naimagine ko kase kung sakin nangyari yon. I'd rather die than experience that." Pinahid ko ang luha ko.

"Mag pinsan nga." Napalingon ako sa kaniya dahil hindi ko naintindihan ang binulong niya. "Nothing." Nang sabihin niya iyon ay sumigaw na ako. "SAVANNAH!" She looked at my direction and she ran to me.

"AMETHYST! HUHUHUH!" Para siyang bata na nanakbo papunta sa akin. "So this is Ate Ava's cute side." I heard Theon. "You find it cute?" Tanong ko. "Nathaniel told me." He answered with his hands halfway up.

"Yung libro kooo!" I sighed. "Papahiramin nalang kita. "Hindeee! It's not the same anymore! I'd rather die! I can't live without my books." Parang nung kailan lang napagalitan pa siya ng asawa niyang Doctor tapos ngayon gumaganito na naman siya.

"Libro lang yun-" Ooopss! "Hindeee! Those are precious books that others can't find on the National Book Store or even by onlineee! Kahit magkaron ako ng replica it'll never feel the same!" She cried.

"Edi mag move on ka nalang." Sabi ko sa kaniya na inilingan niya. "No! I'll never move on! I'll forever mourn for my books!" Napahawak naman siya sa dibdib niya. "Careful ate, Nathaniel will get mad again if he saw you like this." Napairap si Ava sa sinabi ni Theon.

"Edi magalit siya," Napairap ako sa sinabi niya. "Bakit pala kayo nandito?" She asked kaya tiningnan ko si Theon. "We're here to search for clues about someone who holds the other half of the chip." I stepped forward.

"I have no idea what you're talking about." Sabi ni Ava habang hawak ang dibdib niya. "My father told me before, na kakilala mo raw ang anak ng lawyer na may hawak na locket kung saan nakalagay ang kalahati ng chip."

"Kakilala ko? Lawyer? Wala akong kakilala na may lawyer na tatay." Sagot niya. "But he told me she has the same birthdate as you." Kumunot ang noo niya at inalala. "Pinsan daw natin." Dagdag ko pa.

"Why is she involved?" Tanong niya at takhang takha pa sa nangyayari. "Kilala mo na?" She nodded. "Pero hindi pa ako sure kung lawyer ba ang Tatay niya eh, wala siyamg binabanggit tungkol sa Tatay niya."

"Then that makes it even more connected," Theon. "Maybe the lawyer that's friends with her father and mine. Made sure that everything is kept as secret and even his family." Tumango ako sa sinabi ni Theon.

"I don't know kung paako ba mai involved si Cassy sa problema ninyong dalawa pero siya lang ang pumapasok sa utak ko. Cassyla Urriza." Sabi ni Ava at tumingin sa kaniyang relo. "Sige na, aalis na ako, may susuyuin pa ako eh. Babush!" Sabi ni Ava at kumaway sa amin.

"Babye!" Kumaway kami ni Theon pabalik. Sinuot na niya ang jacket niyang itim at pumunta sa motor niya. "Is it okay to let her drive like that?" Tanong ni Theon sa akin na kinakibit balikat ko na lamang.

"Bayaan mo siyang mapagalitan ng asawa niya." Natatawa kong sabi. "Do you know Cassyla?" I nodded. "She's Ava's best friend and our cousin, distant man pero Urriza parin siya." Theon nodded. "I'll call her to know where she is." I said and followed him dahil umalis na rin siya.

As I tried to call the number that was saved on my contacts after several times of ringin, she finally answered. "Hello?" The voice answered from my phone. I can already tell that she was running. "Good Morning po Ate Cassy, this is Amethyst. I just wanted to ask kung nasaan na po kayo." I started.

"Oh my, beh. I am in the middle of hurrying dahil I woke up late and I am trying to get on the Silver Cruise Line in time. You? Why aren't you working? It's been a month." Napatingin ako kay Theon, since the call was on speaker. He can definitely hear us lalo na't nasa loob kami ng kotse.

"I-if that's the case, someone wants to talk to you po if it's alright." Dali-dali kong ibinigay kay Theon ang cellphone ko at napaturo siya sa sarili niya. 'Me?' He mouthed and I just nodded. I gave him the look of urgency. 'Sagutin mo!' I also mouthed at him kaya napabuntong hininga na siya at sinagot ang tawag.

"Hello, Ms. Cassy. I am Amatheon De Silva, what is the name of the cruise?" He asked in a serious tone. Pati ako nanibago, he's not like that to me. "Sea of peace." The new cruise? Inilagay siguro nila ang mga experienced na managers doon for a better experience.

"Okay." Maikli niyang sagot at pinatay ang tawag. Ibinalik na niya sa akin ang cellphone ko at itinabi ko na iyon sa aking bag. As quiet as usual nakarating kami sa Silver Cruise Line at napangiti ako. I kinda miss working here.

Pinagsuot niya ako ng mask at ganoon rin ang ginawa niya bago kami pumasok sa loob. Ipinakita niya sa mga guwardiya ang kaniyang card at magmula non ay dere-deretso na kami papuntang sea of peace. Ang pangalan ng cruise.

Isa ito sa pinakamalaking cruise na maglalakbay sa pinakamalapit na lugar. Papuntang Palawan if tama ang nasagap ko sa mga ka trabaho ko. Habang tahimik kaming naglalakad papunta sa nasabing cruise. Hindi ko maiwasang mapansin ang mga tao na matigilan at mag bow sa kaniya.

Oo nga pala, isa nga pala siyang De Silva. Ofcourse makapangyarihang tao sila. Sila ang may ari ng cruise line na ito. Hindi ko na namalayang naiwanan na pala niya ako dahil nag loading na ang utak ko. Naramdaman ko naman na may humawak sa kamay ko at napatingin kay Theon na binalikan na pala ako.

Sumunod ako sa kaniya papuntang sea of peace at pumasok kami deretso sa pinaka-exclusive na kuwarto. Halos lahat ng mga employee dito ay nag bow na naman sa kaniya at binabati naman siya na hindi niya pinapansin. Pati tuloy ako natatakot na. Nang makapasok kami sa nasabing room. Gosh ang laki ng room.

Syempre bilang Casino Manager ay na miss ko nang utusan ang mga staffs ko. Syempre I'll take the blame if something wrong happened. Napatingin naman ako sa isang lalaki na butler. Oh my gosh! Si accla! Mag ha hi na sana ako ng tanungin niya ako gamit ng ekspresyon. Inalis ko ang mask ko.

'Mabait yan! Gaga!' Tumaas ang kilay ko.

'Eh ano bang ginagawa mo at kasama mo si Señorito Amatheon De Silva?!' He mouthed na binigyan ko ng shrug. 'Malay ko rin!' Sumunod na ako kay Theon. Bago pa ako matanong ng sunod-sunod.

"Tell Cassyla that I request her presence in this room." Malamig niyang utos. Napanguso ako sa likod ng face mask. "Right away, Señorito." Paatras siyang umalis habang naka bow at matapos ang tatlong step backwards at lumakad na siya paalis.

"Do you want something, Mi señora Amethyst?" Oo nga naman, sinong hindi maguguton sa hindi nag-umagahan at deretso alis na. "Kahit anong breakfast nalang. Pwede namang ako na ang kumuha." Umiling siya. Tinanggal na niya ang facemask niya kaya ganon rin ang ginawa ko.

"I don't allow that. I'll make our breakfast here." Oh my gosh, baka mamaya sabihin ng mga makakita ay inaalipin ko na ang isang De Silva dito!

( T_T)\(^-^ )
Note Edited!

De Silva Series 1: Shy to you [On-going]Where stories live. Discover now