14| Unwelcomed

45 8 4
                                    

!!!Errors Ahead!!!

(´ ▽`).。o♡

"I liked you ever since I saw you, I see a beautiful soul, just be who you are, sigurado akong magugustuhan ka rin nila once na makita ka nila." Tumango ako at naramdaman ang paghawak niya sa kamay ko bago kami lumabas ng pintuan.

Itinago ko nalang ang aking kilig na nararamdaman sa pamamagitan ng pagyuko sa gilid at alam kong mukha na akong tanga ngayon pero kasalanan niya ito na napakahilig ba namang magpakilig tapos ako pa ang napag tripan niya na pakiligin, ayan tuloy nahulog ako. Yung walang experience na tinatawag lang nila noong rockhearted.

Pero sinong magaakala na sa isang misteryosong poging hot na lalaki ako nagkagusto hindi ba? Not my fault, siya ang may kasalanan non eh. Kung bakit ba naman ako nakakilala ng isang De Silva na nagtatago pa ata sa mundo. Napahinga ako ng malalim habang pinagmamasdan and naglalakihang pillars at naglalakihang portraits ng mga ninuno pa ata nila. Mukhang mahilig ang pamilyang ito sa classical style na bahay.

Mukha tuloy kaharian ito imbes na masyon. Napalunok naman ako ng biglang mahagilap ng mata ko ang mga naglalakihang lalaki na naka itim na tuxedo sa di kalayuan na may hawak na baril. naramdaman ko naman ang pag-pisil ni Theon sa kamay ko kaya hindi na ako kinabahan. Nagulat nga lang ako ng yumuko ang mga ito ng tuluyan kaming makadaan.

Matagal pa baga bago kami makapunta sa salas nila? Masyado talagang malaki ang bahay nila. Kasing laki ata nung pinag birthdayan ni Abri na mansion, sa sobrang distracted ko nga sa buong lugar ay napalitan ang lugar ng mga seryosong tingin sa akin. Naroon si Ava kasama sa isang upuan si Dr. Nathaniel at siya ang ang nagiisang nakangiti sa kanilang lahat. Malamang kilala na niya ako.

Sa tinginan naman ng mga De Silva na nasa harapan ko ay nahirapan akong huminga, sinong hindi magkakaganito aber? Aba! Ay para akong pinapatay sa tingin nila at sobrang tahimik ng paligid. Nakakadagdag sa kaba at mas lalong lumalamig ang atmosphere. Nang tumikhim naman si Theon ay napatingin kaming lahat sa kaniya. Hindi ko naman naiwasang mapagmasdan ang pogi niyang mukha na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Agad kong nakita ang seryoso at walang emosyon niyang mukha na pinapakita niya lang kanina kay Sir Vision. Ang gwapo talaga niya pero at the same time natatakot ako sa aura na binibigay  niya sa ka pamilya niya. "I want you to officially meet my girlfriend Amethyst Dela Fuego Urriza." Nang sabihin niya iyon ay lumapit sa akin si Anthriah na akarating lang kasama si Virrion na umupo sa tabi ng hindi ko kilalang lalaki na kasing edad niiya lang siguro.

Napatingin naman ako kay ate Anthriah na nakangiti. "Welcome to De Silva family, sister in law." Nakangiti niyang sabi at napatingin sa kuwintas ko. "Oh my!" Gulat niyang sabi na ikinakaba ko naman. Okay? Why do I feel like the necklace is a big deal to her sa sobrang gulat ng reaksyon nya na parang nakakita ng multo. Sunod naman niyang tiningnan ang kamay ko na hiahawakan ni Theon. Sunod naman niyang tiningnan si Theon na seryoso sa tabi ko at parang tinamad magsalita. 

Mukhang hindi ko pa nga kilala si Theon dahil sa ugali niyang hindi niya masyado ipinapakita sa akin. Katulad ng ugali niyang ganito. "B-brother, until now hindi parin ako makapaniwala. Well, ayos lang naman sa akin 'yan. Pero may rules dito na bawal ang pda." Tumingin ulit siya sa kamay namin na magkahawak. "I-is that so? T-then." Pasimple ko na sanang aalisisn ang kamay ko sa pagkakahawak ni Theon kaso ayaw niya akong bitawan.

"There's no such rule. Please drop the act, mi señora is getting pressured." Napatungo nalang ako. Nahihiya ako sa nangyayari dahil ang akward ng katahimikan nila. Nasaan na ba ang kaingayan ng pinsan kong si Ava? Sinilip ko naman siya at pinakiusapan gamit ang tingin. Agad naman siyang huminga ng malalim at tiningnan si Virrion na nasa kabilang upuan. NApakunot ako ng noo at nagulat ng may sumabog na confetti at may lumabas na mga bata sa paligid.

De Silva Series 1: Shy to you [On-going]Where stories live. Discover now