Passion 6

109K 2.3K 20
                                    

Tayo ng matulog:)

~~

Seryoso lamang na nakatingin sa sariling repleksyon mula sa salamin sa kanyang kwarto si Amanda. Namamaga ang kanyang mga mata mula sa mahabang pag-iyak. Napapangitan na nga siya sa kanyang hitsura. Hindi naman siya gaanong maarte ngunit ayaw niya namang magmukhang pangit mamaya sa opisina lalo na kapag nasa harapan ng boss niya. Malungkot na napabuntong-hininga siya.

How can falling in love be this difficult,huh?

Napasinghap nalang siya nang masulyapan ang oras. Alas-siyete na ng umaga at kung hindi siya magmamadali ay siguradong male late na siya sa kanyang trabaho. Medyo may kalayuan pa naman ito at siguradong traffic pa.

Nagsuklay na lang siya ng buhok at dali-daling isinukbit sa balikat ang kanyang shoulder bag at ni lock na ang kanyang apartment.

Pagkarating niya sa Saavedra Corporation ay hingal- kabayo na siya dahil sa ginawang pagmamadali. Ni hindi na nga niya binati ang butihing guard at dumiretso na sa elevator.

"Are you okay, Amanda?" Anang isang kasamahan din nila sa marketing department.

"I think I'm going to faint.." Mahinang sagot naman niya dito habang sinusubukang habulin ang sariling hininga.

"What?" Napataas- boses na sagot nito at hinawakan siya. "Oh my God!" Natataranta pang sabi nito.

Napangiwi na lang siya dahil sa inasal nito. OA talagang mag react tong babaeng ito.

"What's happening in here?" A loud booming voice that she knew so much. Nanigas siya mula sa kinatatayuan.

"Why are you shouting, Miss?" Baling nito sa katabi niya na natulala na din ata kagaya niya. Namumula ito hindi lang siya sigurado kung dahil sa kaba o dahil sa gwapong boss nila na seryoso lamang na nakatitig dito.

"Why are you not answering me, Miss?" Irritation is already masked in his voice. Nagulat na lang siya at napasinghap nang siya naman ang balingan nito ng tingin.

His brows furrowed upon seeing her. He examined her face that made her blushed. Geez...hindi pa naman siya gaanong nakapag-ayos ng sarili at sigurado siyang ang pangit na niya. Namamaga pa naman ang mga mata niya.

Nanatili pa ring nakakunot ang noo at seryoso ang mukha nito nang binalingan ulit ang kasamahan niya.

"So you won't answer me? Do you wanna get fired, Miss...Krizzia?" Sabay sulyap sa nameplate ng babaeng katabi niya.

Namutla naman ito at natatarantang sumagot.

"Ah..Sorry po talaga sir kung medyo napalakas ang boses ko. Nataranta lang naman po ako dahil sinabi ni Amanda na mukhang hihimatayin siya." Mabilis na sagot nito.

"What?!" He shouted na nakapagpapitlag sa kanila. "Why didn't you tell me that first?" Hinawakan nito ang mukha niya.

"You okay now Amanda? I think we should go to the hospital." Mahigpit na hinawakan nito ang kamay niya at akmang kakaladkarin na siya nang magsalita siya.

"I'm okay, sir.. I just run out of breath kanina dahil sa pagmamadali papunta dito. I'm fine now." Kiming ngiti niya dito na dagli ring nawala nang masulyapan niya si Krizzia na nagtataka dahil sa nangyayari. Dahan- dahang kinalas niya dito ang kamay na hawak nito. "Mauuna na po kami, Sir." Paalam niya at lumakad na papasok sa nakabukas na elevator.

Katahimikan ang namayani sa loob ng elevator nang magsimulang umandar ito. Malakas na napabuntong- hininga siya na ikinalingon ng kasama.

"You sure you're okay, Amanda? Baka mahimatay ka dito at mataranta na naman ako ha!" Anito na may pagbibiro sa tono.

Natawa siya ng mahina dahil sa sinabi nito.

"I'm okay,really. Napagod lang talaga ako kanina dahil sa pagtakbo."

"Mabuti naman..baka sabunin ako ni boss pag nagkataon.." Saad nito sa mahinang boses. "You and Mr. Saavedra are kinda close, don't you think?" Dagdag pa nito. Ang magandang mukha nito ay puno ng kuryosidad habang nakatingin sa kaniya.

Nagulat siya dahil sa sinabi nito.Nahalata ba sila?

"Hindi naman.. Natakot lang din siguro siya dahil ayaw niyang may mahimatay na empleyado niya." Napapalunok na sagot niya dito habang pilit nilalabanan ang titig nito.

"I don't think so. Nahalata ko kaya." Sabay tawa ng mahina. "The way you stare at each other. May something eh.."

"I ..uhm." Walang maisagot na sabi nalang niya.

Nakangiti na ito nang bumaling sa kanya.

"Don't you worry, Amanda. I won't speak about it. Sa gwapo ba naman ng boss natin at sa ganda mong iyan? Imposibleng hindi kayo magkagustuhan na dalawa."

"Mahirap lang i explain eh." aniya sa malungkot na boses. "Ayoko namang pag-usapan kami."

"Ano ka ba naman,Amanda? Kung gusto mo talaga siya o mahal mo na magiging worth it naman ang lahat eh!" Masayang saad nito habang nakangiting nakatitig sa kanya.

Napangiti na rin lang siya dahil sa sinabi nito. Ang galing magpayo eh!

"Salamat talaga Krizzia."

"Walang problema. Pwede mo naman akong maging kaibigan."

Tumango na lang siya dito at sumunod ng lumabas sa elevator nang bumukas iyon sa kanilang floor.

"Amanda,good morning!" Nakangiting bati ni Elle na prenteng nakaupo na sa cubicle nito.

"Good morning too,Elle! You seemed happy huh?" Nginitian niya muna si Krizzia at nagpaalam na dito bago naupo sa cubicle niya.

"Not so..and you seemed tired." Sagot nito na nakangiti pa rin.

"Tired na tired talaga..haha! Tumakbo kasi ako kanina kaya ito pagod."

"Halata nga..you looked haggard." Puna nito. "Did you cry?"

"Hmm.." Napatango nalang siya at nagsimula ng mag- ayos ng sarili. Nagpolbo lang siya at naglagay ng lipstick. Bloody red.

"Whoah..Bloody red, huh?"

"Para maganda." Nakangiting saad niya habang nagsusuklay sa may kahabaan ng buhok. Magpagupit na kaya ako? Magpaikli kaya ako ng buhok? Matagal- tagal na rin naman akong hindi nakapagpagupit.

"Why?" Seryoso nang saad nito mayamaya.

"Why what, Elle?" Binalingan niya ito na seryoso pa rin na nakatingin sa kanya.

"Why did you cry?" She looked at her with concern on her face. "Again?" She added. "Was it because of your family? Or because of our boss?"

Gulat na napatitig siya dito.

"What did you mean by that, Elle? Bakit nasama ang pangalan ni Ja-cob
.. I mean ni boss dito?" Hinawakan niya ang kanyang nanlalamig na kamay.

Paano? Halata ba kami? Si Krizzia,si Elle? Sino pa kayang nakakaalam? Lahat ng empleyado ba alam? Oh my God! Ano nalang ang sasabihin nila..na nakikipagrelasyon ako sa boss at may-ari ng kompanya?

"Ella? How?..I mean why did you say that so?"

She looked at me with a faint smile on her face and a sad look on her eyes.

"I once saw you kissing each other outside his condo unit, Amanda. You and Jacob."

His Passion(Billionaire Bachelor Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon