My mind is in chaos. Please be good to me work:)
OiBhabie
~~
Napatingin siya sa madilim nitong mukha na nakatitig sa kanya. Hindi maikakaila ang angking kagwapuhan nito kahit may konting kadiliman sa labas ng apartment niya.
Nagpatuloy siya sa paglakad at dinaanan lang ito bago binuksan ang pinto ng kanyang apartment.
"Why are you not talking to me, Amanda? I'm asking you your whereabouts just now." Nakaigting ang panga na nakasunod lang ito sa kanya. Nanatiling tahimik lang siya at dumiretso sa kanyang kwarto.
"Damn! Talk to me,Amanda!" Frustrated na saad nito.
Walang ganang binalingan niya ito ng tingin.
"I'm tired Boss..so would you mind to let me sleep for now?"
"Answer me first,Amanda!" Galit na sabi nito at hinaklit siya papalapit dito.
"Why would I? You're not my father,my husband nor my boyfriend so why bother?" Galit na binaklas niya ang braso nito sa kanya. Masakit yun ah! Gago talaga!
Napahilamos ito sa mukha nito. Padabog na naupo ito sa sofa na malapit sa kanya bago siya niyakap ng mahigpit.
"You are mine,Amanda! You got it? Just mine sweetheart.." He breathed deeply while still hugging her.
Pilit pinipigilan ang hikbi ay kumalas siya mula sa pagkakayakap nito at tumayo.
"What's wrong,sweetheart? Are you okay?" May pag-aalala na sabi nito at tumayo bago pinaharap ang mukha niya dito.
"I'm okay, Jacob. I'm just tired. I just want to sleep." Mahinang sabi niya nang nakangiti dito.
"Okay sweetheart..you'll sleep but I'm sleeping here also." Anito bago iginiya siya upang matulog. Wala siyang nagawa at parang puppet na naging sunod-sunuran lang dito.
Tumayo ito at dumiretso sa closet niya. Kumuha ito ng pantulog nilang dalawa.
"Hands up,sweetheart."
Walang kibong nagtaas siya ng kamay para maisuot nito ang damit niya. Pagkatapos niya ay ito naman ang nagbihis at tumabi na sa kanya. Saglit na hinalikan siya nito bago siya niyakap ng mahigpit.
"Sleep now, sweetheart. Goodnight!"
Tulog na ito sa tabi niya habang siya ay nananatiling gising pa at nakatitig lang sa mukha nito. Mahinang naghihilik ito sa tabi niya na ikinangiti niya. This feels like home. She feels happy and sad at the same time. Sleeping beside him made her happy but she was worried and sad on the depths of her love for him. Hindi niya alam kung hanggang saan at kailan niya kakayanin ang pagmamahal na nararamdaman niya para dito. It's too draining. And she's making it a habit of being a fool when it comes to him.
Napahikbi siya ngunit pilit pinipigilan ang tunog na lumalabas sa bibig niya. Ayaw niyang magising ito dahil sa pag-iyak at hindi niya alam ang isasagot dito kung saka-sakali. He can be persistent sometimes.
Maya-maya lang ay inabot na siya ng antok habang may luha pa siya sa pisngi. Stop with the pain please...She murmured before she succumbed into darkness.
Pasado alas sais na ng umaga nang magising siya kinabukasan. Napabuntong-hininga na lang siya nang madatnan na wala na sa tabi niya si Jacob. Baka umuwi na ito. Mapait na napangiti nalang siya bago bumangon at inayos ang higaan niya.
Pagkalabas niya ng kwarto niya ay nagulat nalang siya nang makita niya ito na nagluluto. Napalingon ito sa kanya. He droppped her his mega watt smile. Napahawak tuloy siya sa dibdib niya dahil sa mabilis na pagtibok niyon. Why? Jacob in the kitchen with an apron is a sight to behold! How lucky can she get? It's not everyday that she can get a chance to be cooked by him.
"Good morning,sweetheart! How's your sleep?" Masayang saad nito bago hinalikan siya sa labi na ikinagulat niya.
"Oh my God!" Aniya at napatakip pa sa bibig niya.
"Why? What's wrong?" Anito at nilapitan pa siya.
"You kissed me!" Histerikal na saad niya.
"What's wrong with that?" Kunot-noong tanong nito pagkatapos patayin ang kalan.
"Eh hindi pa ako nag to toothbrush eh!" Hiyang-hiya na bumalik siya sa kwarto niya habang tawang-tawa naman ito na nakasunod sa likod niya.
"No worries,sweetheart.
You still taste and smell so good.""Grrr..nakakainis ka! Ang gwapo mo at ang bango bango pa! Asan ang hustisya?" Inis na saad niya bago pumasok sa banyo. Akmang susunod ito papasok nang pigilan niya ito. "Hep hep..diyan ka lang lalaki ka at maliligo muna ako."
"Let's bathe together sweetheart para tipid sa tubig." Ngiting-ngiti pa ito sa kanya.
Pinanlisikan niya ito ng mga mata. Ang landi talaga! Ang aga-aga. Ayaw niya muna itong patulan.
"Behave,Jacob." Aniya at pinagsarhan na ito ng pinto. Napangiti nalang siya dahil narinig niya pa ang pagrereklamo nito mula sa labas ng banyo.
Nakabihis na siya at lahat- lahat nang lumabas siya sa kwarto at madatnan na naghihintay na ito sa kanya sa mesa. He looked good to eat though compared to the foods on the table but plus points on him for the effort on the food he cooked. She was so happy that a billionaire and a handsome guy like him was able to cooked for her. She felt special all of a sudden. Sana lang magtuloy tuloy na itong kasiyahan niya.
Pagkakita nito sa kanya ay tumayo ito at ipinaghila siya ng upuan. Tumaas ang kanan niyang kilay. Ay nagpapakagentleman? May kasalanan na naman siguro.
Ikinuha din siya nito ng pagkain na pinigilan niya.
"Ako na,Jacob."
"No..let me sweetheart." He smiled at ipinagpatuloy na ang pagkuha ng pagkain niya. Pagkatapos niya ay ang pinggan naman nito ang nilagyan nito ng pagkain.
Tahimik lamang silang nagpapakiramdaman habang kumakain sila. Hindi siya sanay sa katahimikan ngunit nahihiya naman siyang maunang magsalita.
"Are you okay with the foods,sweetheart?" Basag nito sa katahimikan.
"Yes. Masarap nga ang pagkakaluto mo eh." Tipid na ngiti niya dito.
"Really?" Napatitig tuloy siya rito dahil sa kasiyahan na narinig niya sa boses nito.
Napatango nalang siya dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya habang nakatitig dito.
"So, you think I'm ready to be a husband, sweetheart?"
Bigla siyang nasamid dahil sa sinabi nito. Husband? May plano na ba itong mag settle down? Kanino? Sa isang socialite ba o sa isang modelo? Sino nga ba ang latest niyang fling? Biglang sumakit ang dibdib niya dahil sa naisip.
Binigyan siya nito ng tubig at dagling ininom niya iyon.
"Hey! You okay now,sweetheart?"
Tumango lang siya dahil hindi niya ata kayang magsalita at baka maiyak lang siya sa harapan nito.
"What I said, was it really shocking?" He asked while laughing. Hindi kaya yun nakakatawa!
"Hindi naman. I just didn't saw it coming." Seryosong sagot niya.
"Oh sweetheart. Hindi pa naman ngayon but in the near future." And he winked at her that gave her the chance.
Could it be her?
Oh! How she wish that when that time comes it will be her whom he'll bend his knees down.
So much for hoping Amanda Claire Lopez..
So much.
BINABASA MO ANG
His Passion(Billionaire Bachelor Series 1)
RomanceA dayum hot Mr. CEO... and his unbridled passion for women. Welcome to Mr. Jacob Saavedra's life!