Passion 20

86.8K 2K 68
                                    

I'm trying to scare myself..😂

Jeepers Creepers gave me creeps.

I 😍 horror movies!

~~


"What the hell! What's the meaning of this?" Malakas na ibinagsak ni Jacob ang resignation letter ni Amanda na ibinigay ng assistant niya na ngayon ay namumutla na dahil sa pagkakasigaw niya.

"Resignation Letter po Boss .." Parang tanga na sagot naman ng isa na nanginginig na ata sa takot.

"The fvck! Are you an idiot? I know that it's a resignation letter. I'm asking what's with this?!" Nangangalaiti na asik niya.

"Ibinigay lang naman kanina ni Ms. Amanda Boss." Naluluha na sagot nito sa kanya.

"Call my sweetheart to come in here now!" Malakas pa rin ang boses na sabi niya.

Kumunot naman ang noo nito pagkarinig sa sinabi niya.

"Sinong sweetheart,Boss? Wala namang sweetheart na nagtatrabaho dito ah." Naguguluhan na sagot nito pabalik.

Napahilamos na lang siya sa kanyang mukha sa sobrang inis.

"Sh!t! I mean Amanda..call Amanda now!".

Natatarantang tumalilis ito at hindi man lang nakapagpaalam sa kanya.

"Damn! Why did I hire that kind of people?" Frustrated na napasabunot na naman siya sa kanyang buhok.


Amanda was in deep thoughts while in a cab. She felt numb all of a sudden. Nakita nga naman ng sariling mga mata niya ang pakikipaghalikan nito sa isang modelo kahapon lang ngunit ang makita at malaman din ng ibang tao ang ganoong bagay patungkol sa lalaking minamahal ay nagdulot ng panibagong sakit sa dibdib niya. Mabuti sana kung isa lang ang involve eh ngunit dalawa pa talaga at parehong may sinasabi sa lipunan.

Hindi niya alam kung bakit parang manhid na siya. Gusto niyang umiyak ngunit wala na ata siyang iluluha at nananatiling tuyo ang pisngi niya. O baka naman napuno na talaga ng sakit at pighati ang buong katawan niya kaya't parang zombie nalang siya. So much for the start of the day. Ikaw ba naman ang makabasa ng ganoong balita.

Billionaire Bachelor Jacob Saavedra spotted kissing with socialite Lizzy Valmonte!

And the worst is:

Billionaire Bachelor Jacob Saavedra caught making out with model Alyssa in broad daylight!

What an asshole! I hate him to the core!

Kaya nga nang pumasok siya sa opisina ay hindi na niya pinansin ang naaawang tingin na ibinigay ng mga kaibigan niya. Kipkip ang resignation letter ay dumiretso siya agad sa 15th floor at ibinigay ang letter sa natutulalang sekretarya at assistant nito.Good thing at hindi pa ito dumarating kung kaya't nakahinga siya ng maluwag. Ayaw niya itong makita. Ayaw niyang umiyak sa harapan nito at magmumukha lang siyang kawawa.

Napakurap siya sa iniisip nang may tumayo sa harapan niya. Napaangat siya ng tingin dito at natitigan niya ang sekretarya into na namumula ang mata at halatang kagagaling lang sa pag-iyak.

"Miss Amanda.." Simula nito at suminghot.

"Yes?Are you okay?"

Tumango-tango lang ito sa kanya na napapalunok na parang kinakabahan.

"What is it? Do you need anything?"

"Ipinapatawag ka ni Boss."

Napaayos siya ng upo dahil sa narinig. So, nabasa na pala nito ang letter niya. Good. But is she ready to face him?

"Now?" Pilit pinapatatag ang boses na tanong niya.

"Yes,Miss."

Huminga siya ng malalim at inayos ang suot na uniform at tumayo na nang biglang napahawak siya sa gilid ng mesa dahil nanghina ang mga tuhod niya. She's damn scared. Para siyang bibitayin sa nararamdamang kaba.

Nadaanan niya pa ang dalawang kaibigan na may pinag-uusapan na mukhang importante dahil sa ekspresyon ng mga mukha ng mga ito.

"Saan ka pupunta,Amanda?" Anang Krizzia na nasa gilid na niya.

"Kay Boss." Mahinang sagot niya pabalik.

"Will you be okay then?" Tanong naman ni Elle na may pag-aalala sa mukha.

"I will be girls. Don't you worry. I will survive this. You will be there for me right?" Hope on her voice while she's smiling at them. Ayaw niyang mag-alala pa ang mga ito sa kanya kung kaya't pilit na ngumiti siya.

"Oo naman. Andito lang kami future sister." Nakangiting sagot ni Krizzia at niyakap pa siya.

Nakangiting tumango na lamang si Elle. Nginitian niya lang ang mga ito at tumalikod na para sumunod sa sekretarya ni Jacob.

"Pumasok kana Miss."

"Salamat." Ngumiti siya dito bago lumapit sa pinto. She sighed deeply before knocking on the door.

"Come in." Boses mula sa loob.

Dahan-dahang pinihit niya ang pinto at pumasok na. Nadatnan niya itong nakayuko sa mesa nito at mukhang busy sa ginagawa.

Lumapit siya dito bago nagsalita.

"Good Afternoon,Boss. Pinapatawag niyo daw po ako." Pilit pinapatatag ang boses na nagsalita siya.

"Explain."

One word but enough to send shivers on her body. It's full of emotions she failed to name.

"What should I explain,boss?" Mahina ang boses na sagot niya.

Nag- angat ito ng tingin mula sa binabasa at tinitigan siya. Napasinghap siya dahil sa samu't saring nararamdaman niya. She can't deny it to herself.She missed him so bad.

"Why resign,sweetheart?" His words are laced with pain or is it? O baka guniguni niya lang.

"I'm Amanda. Don't call me that,Boss." Matapang na sagot niya.Pilit niyang pinipigilan ang luha na nagbabanta ng tumulo sa mukha niya.

"You can't do that,sweetheart!Is this about the news? I'm sorry. I didn't know that..

"You didn't know that reporters are everywhere? Cut the crap,Boss! That's a joke." Sarkastikong saad niya.

"Stop with the Boss sweetheart." Imbes ay sabi nito.

"You're my Boss..oh! Will be ex-Boss before the day ends."

Tumayo ito at akmang lalapitan siya nang pigilan niya ito.

"Just stop right there.. I'm resigning. Sign that damn letter and I'm through with this."

"No." He plainly answered in a cold voice then rip her resignation letter.

"What the hell! You can't let me stay in here and let myself drown in self-pity and hurt. I hate you so much!" And with a last straw, her tears fell down her cheeks.

"Sh!t! Sweetheart..don't cry." Lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit kahit nagpupumiglas siya.

"Get your hands off me. I really hate you damn much,Jacob."

"No. Don't say that sweetheart. I'm so sorry." Malungkot ang mukha na tinititigan siya nito ngunit nag-iwas lang siya ng tingin at kumawala dito.

Napaatras siya dito at umiling iling. She's tired of this heartache.She's done with him.

"Goodbye,Jacob.." Umiiyak na saad niya sa mahinang boses at tinalikuran na ito at dagling lumabas sa opisina nito.

I guess this is goodbye for the both of them then...

Since there's no Amanda and Jacob from the beginning and there's still no Amanda and Jacob till the end.

His Passion(Billionaire Bachelor Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon