Passion 48

72.5K 1.4K 13
                                    


Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay pulos puti ang kanyang nabungaran. Kunot-noong nilibot niya ang paningin sa loob ng kwarto.

Is she on the hospital?

Ano namang ginagawa niya dito?

Nanganak na ba siya?

Pilit inalala niya ang nangyari na naging dahilan ng panlalaki ng kanyang mga mata.

Ang pagdating ni Lizzy,ang  pagsasagutan nila at ang pagputok ng baril bago siya nawalan ng malay.

Akmang babangon na siya nang magkasabay na pumasok sa kwarto niya ang kanyang mga magulang kasunod ang mga in-laws niya na nag-uusap. Nahinto lamang ang pag-uusap ng mga ito nang mapansin siya ng kanyang mama na gising na at nakatingin sa mga ito.

"Thank God you're awake,Princess!" Dali-daling lumapit ito kasunod ang iba na pumwesto sa harapan niya.

"Are you okay now hija?" Anang mama ni Jacob na nakasalamin pa rin ang pag-aalala sa mukha.

"I'm fine now,Tita. Is my baby fine?" Aniya habang hinihimas ang may umbok ng tiyan.

"Yes,princess. Mabuti nalang daw at naabutan kayo ni Jacob." Anang Papa niya na nakangiti na sa kanya."Magpahinga kang mabuti,okay?"

"But I heard a gunshot,Papa. Sinong tinamaan?"

Walang nagsalita sa mga ito na nagpakaba sa kanya.

"Don't tell me it's Jacob?" Naiiyak na sabi niya. "Si Jacob ba ang tinamaan ng baril Ma? Papa? Sino?"

"Come down,hija. It's not good for you and the baby." Anang Mrs. Saavedra.

"Bakit ayaw niyong sabihin sa akin?" Sigaw niya na ikinapitlag pa ng mga ito. Her tears fell. Her heart clenched in pain thinking that he's hurt.

"Don't shout,Amanda. He's fine,okay?" Sabat ng Papa niya. "Natamaan lang siya sa balikat but he's now okay."

"Nasaan na siya kung ganun?" Nakanguso na saad niya habang pinapalis ang luha na dumaloy sa kaniyang pisngi.

Tamang-tama naman na humahangos na dumating ang fiance niya.

"Sweetheart!" Dali-daling lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit na nagpaiyak na naman sa kanya.

"Hey! Why are you crying? Are you hurt?" Sinipat pa nito ang buong katawan niya.
Puno ng pag-aalala ang buong mukha nito.

Tinampal niya ang kamay nito at dinampian ito ng halik sa labi bago niyakap.

"Akala ko kung napano kana,sweetheart.Mapapatay ko talaga ang babaeng iyon dahil sa ginawa niya." Galit na asik niya habang nakayakap pa rin ng mahigpit dito.

"Don't stress yourself sweetheart. Lizzy is already on the prison. We'll be okay now."

"Mabuti naman sa babaeng iyon! She's a psycho and a killer." Napahalukipkip siya at nakaismid na nakatitig kay Jacob na kiming nakangiti na sa kanya. "Why are you smiling?"

"I'm just so happy that you are really okay now sweetheart. You don't know how scared I am after seeing you with a gun pointed at you." Malamlam ang matang nakatitig sa kanya si Jacob habang hagod-hagod ang kanyang mahabang buhok. Inayos pa nito iyon at ipininid sa likod ng kaniyang tenga.

Napaiyak nalang tuloy siya dahil sa takot at pag-alala na nababanaag niya kay Jacob. She's so lucky he's inlove with her. Her tears and sleepless nights really paid off. Hindi siya makapaniwala na mamahalin talaga siya nito dahil  nagsimula siyang maging bedwarmer nito.

Naudlot lamang ang pagdadrama niya nang  pumasok si Elle kasunod si Krizzia at ang pinsan niya. Napansin pa niya ang pag-aalalang nakamaskara sa pinsan niya nang tumatakbong pumunta si Krizzia sa harapan niya ngunit ipinagkibit-balikat niya lang iyon. It's not her story to tell anyway.

"Goodness! Are you okay now,Amanda?" Elle with a frantic voice asked as she held her hand.

Akmang sasagot na siya nang maagaw ng sigaw ni Krizzia ang pansin niya.

"Waah! Anong ginawa sa iyo ng babaeng iyon ha? Makakalbo ko iyon kung makikita ko!" Sinipat pa nito ang mukha at katawan niya para masiguradong hindi nga siya nasaktan.

"Tone down your voice,Krizz. We are not on a club,okay?" Saway ni Elle dito na ikinatawa lang niya. They never changed.

"I'm fine girls. Thank you talaga sa pag-aalala ninyo. Nasa kulungan na si Lizzy so hindi mo na siya makakalbo,Krizz."

Napaismid lang ang kaibigan niya at napaatras ng konti nang lumapit ang pinsan niya na madilim ang mukha.

"Next time,make sure you have with you your bodyguards,Clarey. We are not sure that Lizzy is the only one capable of hurting you." Sermon nito at pasimpleng tiningnan ng masakit si Jacob na nasa gilid niya.

Napairap siya dito at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng fiance niya. Suplado tong pinsan niya! Hmmp. Sana lang matagalan ka ng kaibigan ko.

"I'm sorry about that,Jeremy. It's my fault." Anang Jacob sa seryosong boses habang hinahawakan din ng mahigpit ang kamay niya.

"Good that you accept your fault. It's my cousin and her baby's at stake here! Huwag kang maging kampante sa seguridad ng magiging pamilya mo." Nakaigting ang panga na asik ng pinsan niya. She felt the tension in the air. Alam niyang nagpipigil lang si Jacob dahil sa mga taong nasa loob ng kwartong iyon. Mabuti nalang at kanina pa lumabas ang mama at papa niya kasama ang mga magulang ni Jacob.

"I'm not. I just didn't expect that Lizzy will do that!"Jacob barked at his cousin.

"Stop it, will you? You see I'm fine now!" Galit na sabat niya sa dalawang nagpapatayan na sa tingin. "Kung mag-aaway lang kayo sa harapan ko ay lumabas nalang kayo! You are stressing me out!"

"Calm down,Amanda. It's not good for you and the baby." Mahinang anas ni Elle na nasa gilid na niya at inalalayan siyang mahiga.

"Tss. Pabayaan mo pa ang mag-iina mo at sisiguraduhin kong walang kasalang magaganap." Hindi papipigil na asik ng pinsan niya na ikinadilim ng mukha ni Jacob.

Jacob is freaking mad. His muscles clenched and his knuckles turned white. Kinakabahang tinitigan niya ang nobyo at pilit pinapakalma ito ngunit nanatiling nasa pinsan niya ang nagbabagang tingin nito.

Nagmamadaling lumapit naman si Krizzia at pinigilan ang pinsan niyang nakakatakot ding tingnan. Demonyo yan eh!

"Jeremy,halika na!" Pilit pa nitong hinawakan ang kamay ng pinsan niya ngunit itinaboy lang ito ng pinsan niya. Nagpumilit pa ring lumapit ang kaibigan at sinaway ang pinsan niya ngunit pati siya ay tinakasan ng kulay sa mukha pagkatapos marinig ang sinabi ng pinsan niya.

Poor Krizzia! Na inlove sa isang demonyo.

Namumutlang napaatras ang kaibigan niya at napailing-iling bago tumalikod at umalis. Naiwang naguguluhan ang pinsan niya habang napasabunot sa sariling buhok.

"That's harsh." Komento ni Jacob habang napailing-iling sa tabi niya.

Galit naman na nakatitig si Elle sa pinsan niya.

"Hala ka,Je! Ang sama-sama mo! Kaibigan ko iyon eh!" Anas niya at galit ding binulyawan ito.

"Shit!" He cursed and walked out of the door.

Buti nga sa kanya. Sana lang pahirapan ng kaibigan niya. Demonyo kasi eh. Magtanda sana ito.









His Passion(Billionaire Bachelor Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon