Passion 44

72K 1.4K 8
                                    


Clad in a versace dress and flat shoes, Amanda wanted to congratulate herself. She looked stunning. Ngiting-ngiti na tinitigan pa niya ang repleksyon sa salamin.

Ang ganda-ganda talaga niya! Di na kataka-takang nabihag niya ang puso ng isang Jacob Saavedra.

Sunod-sunod na katok sa pinto ang pumukaw sa pag-iisip niya.

"Hija, andito na ang nobyo mo at ang mag-asawang Saavedra. Bumaba kana." Anang yaya niya mula pagkabata matapos sumilip ng konti sa loob ng kwarto niya.

"Opo Ya..bababa na." Nginitian niya ang matanda na masuyong nakatitig at nakangiti sa kanya.

"Masaya ako para sayo,hija. Mabuti naman at may mabuting naidulot ang paglalayas mo." Anito na ikinatawa niya.

Niyakap niya ito ng mahigpit at nginitian ng pagkalaki-laki.

"Salamat din sa pag-aalaga sa akin, Yaya. Ang swerte-swerte ko dahil maraming nagmamahal sa akin." Naiiyak na sabi niya habang iginiya na siya ng matanda pababa.

"Huwag kang umiyak at baka pumangit ka, Amanda." Natatawa ng pakli nito na ikinatawa na rin niya. Her yaya is one of those persons she treasured the most. Mamimiss na naman niya ito kapag mangingibang bahay na siya.

Pagkababa nila ay ang gwapong mukha ng nobyo niya ang nabungaran niya. He's in his formal clothes and he looked dashing as ever.

"Hi pretty sweetheart." Nakangiting bati nito nang lumapit sa kanya. Dahan-dahang ipinulupot nito ang mga braso sa beywang niya. "How's your day,huh?" Malambing ang boses na dagdag nito.

"I slept well. I looked stunning,do I?" Pagbibiro niya na ikinatawa nito.

"Of course,sweetheart. You always looked stunning in my eyes."

"Sige, palakihin mo pa ang ulo ko." Natatawang sabat niya. "Where are your parents, sweetheart?" Naeexcite at kinakabahan na sabi niya. Ang dami kasing pumapasok sa isip niya. Kung matatanggap ba siyang manugang ng mga ito. Kung magiging mabuti ba siyang asawa. Kung magiging mabuti ba siyang ina.

"They're on the dining room already, sweetheart."

"Okay. Let's go then." Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ng nobyo na masuyong nakatitig sa kanya.

"Are you nervous,sweetheart?"

"I am." Nakangiwing saad niya. "I didn't know that meeting the parents could be this scary!" Palatak niya habang naglalakad sila patungong dining area. Parang siya pa ang bisita kung kabahan siya.

"I'm nervous too,sweetheart. It's your parents we're talking to. Damn! I couldn't believe I'm feeling this!" Natatawang saad nito nang malapit na sila sa kinaroroonan ng mga magulang niya.

Amanda couldn't believe what her eyes are seeing. Jacob's parents looked young with their age. No doubt on where her boyfriend got his undeniable good looks.

Tumayo ang mag-asawa nang makita silang papalapit. Syet! Ang ganda at ang gwapo. Nakakainsecure ang mga mukha ng mga ito.

Nahihiyang binati niya ang mga magulang nito pagkatapos humalik sa mama at papa niya.

"Ma..Pa."Anang Jacob pagkatapos batiin ang mga magulang niya. Humalik lang ito sa pisngi ng mama nito at nginitian ang ama nito. Magkatabing naupo sila habang kaharap ang mga magulang nila. Nakangiti ang dalawang babae samantalang seryoso ang ama niya.Nakangisi naman ang papa ng lalaking mahal niya. Alam na niya kung saan nagmana ang nobyo niya. Kuhang-kuha lahat sa ama nito eh! Halatang-halata. Parehong mukhang playboy.

Naiilang na nag-iwas siya ng tingin nang tinitigan siya ng mama ni Jacob.

"You have a very beautiful daughter, Alicia. Bagay na bagay sila ng anak ko." Ngiting-ngiti na sabi nito. Lumaki tuloy ang tenga niya. Feel na feel niyang iflip ang hair niya sabay ngisi sa katabi niyang si Jacob.

"Thank you,Lowella. And so is your son. May pinagmanahan." Sabat naman ng mama niya.

Jacob cleared his throat to catch their attention.

"Ma, Pa..Mr. and Mrs. Lopez." Pagsisimula nito nang nakatingin na lahat sa kanila ang mga ito. "Amanda and I are already engaged."

"What?" Sabay-sabay na reaksyon ng mga ito pagkatapos ng sinabi ng fiance niya.

Seryosong tumango lang ito at itinaas ang kamay niya na may nakalagay na singsing.

"Oh my God,Alicia! Oh my God! Magiging pamilya na tayo!" Maya-maya'y sigaw ng mama ni Jacob na tuwang-tuwa.

"Sa wakas Lowella, nagkatuluyan din ang dalawa." Tuwang-tuwa din na sabat ng mama niya.

"Since when?" Seryosong sabat naman ng ama niya na ikinatahimik ng dalawang babae.

"Nitong nakaraang araw lang,Pa." Nakangiwing sabat naman niya nang makitang walang reaksyon ang mukha nito.

"Come on, Roberto. Don't be a pussy." Natatawang pakli naman ng Papa ni Jacob na ikinalaki ng mga mata niya.

"Pa!" Di makapaniwalang sigaw naman ni Jacob na namumula ang mukha sa tabi niya. Mukhang nabigla sa sinambit ng Papa nito.

Natatawang pinalo lamang ni Mrs. Saavedra ang asawa nito dahil sa tinuran nito.

"What?" Natatawang pakli nito. "All of you should stop being coy. We're all adults here."

Napailing lamang ang ama niya bago napangiti na lang din.

"Congratulations mga anak!" Natatawang bati ng mga ito bago nagsimula ng kumain.

Nakangiting nagpasalamat lamang sila at kumain na rin.

"Are you okay, sweetheart? You wanna eat something?" Jacob whispered in her ear.

Napailing siya at ngumiti ng malaki dito.

"Thank you so much,Jacob!" Madamdaming saad niya sa fiance na masuyong nakatitig sa kanya.

"For what?"

"For making me this happy." Aniya at hinalikan ito sa labi na ginantihan naman nito.

Someone cleared his throat that made them stop what they are doing. Nahihiyang nagbaba siya ng tingin sa mga ito.

"How sweet. Ganyan din tayo noon diba,honey?" Anang Lowella sa asawang nakangiti lang dito.

"You need to get married as early as possible." Anang Papa naman niya na titig na titig sa kanila na parang may alam ito.

"I agree. May sasabihin pa kayo diba?" Nakangiting dugtong naman ng mama niya.

Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ang fiance na nakangiti na.

"Yes. By the way, You'll be grandmothers and grandfathers soon." Walang prenong sabi nito na nagpalaglag ng panga ng mag-asawang Saavedra.

Naunang humalakhak ang papa nito bago tumayo at niyakap ito ng mahigpit.

"I'm so proud of you son. You did great. I didn't know you'll be this serious with a girl. You're a changed man."

"Thank you Pa." Gumanti ito ng yakap sa ama nito na ikinatulo ng luha niya. She's truly happy. Naiiyak pa siya nang yakapin siya ng mga magulang niya.

"Ang baby ko magkakaroon na ng sariling baby." Naiiyak na natatawa na pakli ng mama niya.

"You'll be a great mother,Amanda. I'm happy for you." Nakangiting sabi ng ama niya pagkatapos halikan ang noo niya.

"Thank you Mama, Papa." Umiiyak na yumakap din siya sa mga ito before she mouthed I love you to his fiance na masayang nakatitig sa kanila.




His Passion(Billionaire Bachelor Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon