"Ninang! Ninang! Si Ice inaway na naman ako." Pagsusumbong ng cute na cute na inaanak niya sa kanya. Humihikbi pa ito habang gulong-gulo na ang buhok na nakapigtails.
"Bakit ka niya inaway,baby girl? Did you do something bad, huh?" Nakangiting inayos niya ang pagkakatali ng buhok nito at iniharap ito sa kanya. She's really the spitting image of her mommy. Pati ugali nakuha din talaga nito. Naku! Naku! For sure tatanda ng maaga ang bestfriend niya.
"I -I didn't do anything bad, ninang. He's so mean and bad. He shouted at me." Nakapout na saad nito sa kanya. Binalingan naman niya ng tingin ang papadating na anak na nakasimangot ang mukha.
"Why did you make her cry,Ice?" Seryosong baling niya sa anak na tinitigan na ng masakit ang batang babae.
"She's so annoying,mom. I don't like her following me around."
"Why? I'm a good girl. Don't you like me?" Nakataas na ang kilay ng inaanak niya habang nakatingin kay Ice. Napailing nalang siya. Pati pagtaas ng kilay, kuhang-kuha din nito. Kawawa ang mapapangasawa nito paglaki nito.
"I don't like you! So stop following me,little girl!" Sigaw ng anak niya na ikinabigla niya. Piningot niya tuloy ito nang biglang mag-iiyak si Yna.
"Bad! Bad Ice! I hate you! Sumbong kita sa mommy ko!" Balik-sigaw nito at nagtatatakbo palabas ng bahay nila. Kampante naman siyang hindi ito mawawala. Magkatabi lang naman kasi ang bahay nila ng best friend niya.
"She's still a child, Ice. You both are. Don't be too hard on her." Pangaral niya sa anak na walang imik lang na nasa tabi niya.
"I don't like her, mom. Lagi nalang siyang nakasunod sa akin. How can I make friends when she's being a brat? Inaaway niya lahat ng gusto kong maging kaibigan."
"Fine. I'll just talk to your tita. Maybe she can do something about that."
Tinanguan lang siya ng kanyang anak at agad nginitian ang nakababatang kapatid nito na hawak-hawak niya. She smiled while staring at her two children. Parang kailan lang ng ipinanganak niya ang mga ito. Time really flies so fast.
Napaangat siya ng tingin nang marinig ang pagdating ng kotse ng asawa niya. Maya-maya lang ay iniluwa ito ng pinto at agad itong dumiretso sa kanila. He's on his suit while holding a bunch of food on his hand. Nilapitan siya nito at hinalikan sa labi. Ginulo nito ang buhok ni Ice at tinitigan ng masuyo si Iciana.
"How's your day, sweetheart?"
"Fine. Ciana is just so talkative at school. It reminds me of my good old days." Natatawang saad niya at niyakap ang asawa.
"How about you Ice? How's school?" Seryosong binalingan naman nito ang anak nilang lalaki na tahimik lang sa tabi.
"Fine, Daddy." Anito habang tinititigan ang ama nito. Napangiti siya. Magkamukhang-magkamukha talaga ang dalawa. Ang unfair. Mabuti nalang sa kanya nagmana ang baby girl nila.
"Good. Nakasalubong ko si Yna sa labasan. She's crying. Inaway mo naman ba siya?"
"No, Daddy. Pinagsabihan ko lang po siya."
"Huwag kang maniwala diyan, sweetheart. Sinigawan niya si Yna kaya nag-iiyak na naman." Taas-kilay na sabat niya habang pinandidilatan ang anak. Sinungaling!
Jacob's brows creased as he stared at their son who's now looking so guilty.
"Bakit mo siya sinigawan, Ice? That's bad. You should befriend Yna. She's a cute little girl."
"She's not cute, daddy! Ang sama ng ugali niya. She's always following me around and it's making me feel uncomfortable." Pagmamaktol nito habang magkasalubong ang dalawang kilay. Gusto niya tuloy matawa sa hitsura nito. Ang cute!
"Gusto lang niya ng kalaro, Ice. You're a snob that's why the two of you always fight."
"She has a younger brother. Yun nalang ang laruin niya."
"Ang bata pa kaya nun! Ni hindi pa nga iyon nakakalakad!" Hindi mapigilang sabat naman niya. Inayos niya ang pagkakahawak sa anak niyang babae nang biglang gumalaw ito.
"Basta ayaw ko sa kanya, mom and Dad! I just don't like her!"
"Sus. If I know, you just had a crush on her." Aniya habang natatawang inihilig ang kanyang ulo sa balikat ng kanyang asawa. He smiled at her as he kissed her temple.
Biglang nalukot ang mukha nito at padabog na tumayo at naglakad paalis. Kibit -balikat na tinitigan nalang nila ang papalayong likod ng anak.
"May pinagmanahan talaga ang anak mo, sweetheart. Ang sama ng ugali." Ismid niya sa asawa. He dropped a soft kiss on her lips as he gave her a small smile.
"I won't argue, sweetheart. He's my son. I knew him too well."
Napailing nalang siya at niyakap ng mahigpit ang asawa. She's truly happy having her own family. Sila ang dahilan kung bakit hindi niya sinusukuan ang kung anuman ang pinagdadaanan ng kanilang pamilya. Kaya lang mukhang tatanda siya ng maaga dahil sa mga anak niya.
~~
Yay! Finally! Last SC posted. See you on their own story! 😊
**
Click the 🌟 and hit comment.OiBhabie
BINABASA MO ANG
His Passion(Billionaire Bachelor Series 1)
RomansaA dayum hot Mr. CEO... and his unbridled passion for women. Welcome to Mr. Jacob Saavedra's life!