"What?!"
Napatakip nalang siya bigla sa kaniyang mukha dahil sa sobrang hiya nang sumigaw talaga ang kaibigan niyang si Krizzia. Nasa loob pa naman sila ng restaurant.
Nakakahiya!
"Wag sobrang OA,okay?" Elle rolled her eyes on Krizzia then raised her brows on her. "Freaking explain."
Napalunok tuloy siya. Patay! Siguradong galit ang babaeng ito.
"Kasi-"
"Paanong nangyari iyon Amanda eh-"
"Could you please shut your mouth up, Krizz?! Ang ingay mo talaga.." Napapailing na ikinuros pa nito ang braso sa harapan nito. "Na iistress ako sa inyong dalawa."
"Eto naman..may sasabihin lang naman ako kay sister-in-law eh!"
"Noon may future pa yan. Ba't ngayon wala na,Krizz?" Aniya sa kaibigan.
"Ah..eh. Ahm. He he." Namumulang umiwas nalang ito ng tingin. Nahiya pa kuno.
"Huwag niyo akong isahan,okay? Akala mo makakalusot ka,Amanda?" Sabat ng isa na taas- kilay paring nakatutok ang tingin sa kanya.
"Wala naman akong planong iwala ang usapan ah!" Defensive na sagot niya.
"Come on..I already knew you so don't bother deny,okay? Just speak up."
"Tama." Anang isa na di talaga matahimik sa gilid.
She sighed deeply.
"Okay fine. I'll speak up."
"No one is stopping you." Anang Elle. So impatient, eh?
"Oo na! Sobrang atat ka naman," nakabusangot na sabi niya. "As you can see, Jacob and I are now okay..very okay actually."
"Why? Did he say sorry again and say sweet words to you?
"Oo nga friend.. Iiyak-iyak kapa. Pang best actress pa naman iyon tapos magbabati din pala kayo kinabukasan? Isn't it amazing?" Tawa pa ni Krizzia pagkatapos magsalita na nakatikim ng nanlilisik na mata ni Elle. Natahimik tuloy ito.
"Kaya nga.. We're in a relationship na eh!" Masayang bulalas niya.
"What do you mean by that?" Kunot-noong baling ng dalawa sa kanya.
"We are together already. A couple. Boyfriend and girlfriend,you know?" Aniya at sumipsip sa iniinom niyang pineapple juice.
Nabulunan tuloy si Krizzia na kasalukuyang sarap na sarap sa pagkain. Natatawang binigyan niya ito ng tubig.
"Dahan- dahan kasi sa pagkain,girl. Gutom na gutom ka ata. Akala ko ba nagdadiet ka?"
Napapaypay pa ito sa sarili dahil sa nangyari.
"Nagdadiet talaga ako sister-in-law," sabay hagikgik. "Mahirap ng maagawan." Nagpunas ito ng tissue sa bibig bago naman siya binalingan. "Pero totoo? Kayo na talaga? As in? Walang halong biro?" Nanlalaki pa ang mga mata nito habang nagsasalita. Mabuti nalang maganda pa rin ito. Mana sa kanya eh! Haha. Kapal!
"Bakit? Di ba kapani-paniwala? Sobrang gwapo niya at sobrang ganda ko. Destiny diba?" Pagbubuhat niya ng sariling bangko. Mabuti nalang at hindi bumagyo dahil sa pinagsasabi niya.
"Weh? Mas maganda kaya ako sa iyo." hindi papatalong saad ni Krizzia na nagpatawa kay Elle.
"Ah ganun! Mas maganda ka pala ha?" Taas kilay na nakatingin siya dito. "Eh kung siraan kaya kita sa pinsan ko?! Tingnan ko lang kung maging mas maganda ka pa sa akin!" Malditang aniya sa kaibigan.
Napalabi ito bago tumingin pabalik sa kanya.
"Ano ba naman iyan.. Sinabing ang ganda- ganda mo Amanda eh! Kaya bagay na bagay talaga kayo ni Sir Jacob! Di ba Elle sungit?"
"Ewan ko sa inyong dalawa. Kumain na nga lang tayo. You two are both over confident with your beauty. Good thing super typhoon is not on our way yet. Ang hahangin niyo."
"Aba't-" sabay pa na kontra nilang dalawa na tinawanan lang ni Elle. Kontrabida talaga palagi tong si Ella Eunice. Napaghahalataang bitter eh!
"Pwera biro Amanda.. You sure you're really into relationship now? Baka nananaginip kalang kagabi eh." Maya-maya'y saad ni Elle. Halatang hindi parin ito makapaniwala sa ibinunyag niya.
Sarap na sarap pa naman siya sa dessert nang sabihin nito iyon. Sumama tuloy ang timpla ng mukha niya."Mukha lang akong sinungaling pero hindi talaga ako sinungaling noh!" Ismid niya at nilibot ang paningin sa loob ng resto nang mamataan niya ang pinsan sa kabilang mesa na may kasamang hipon. Hehe. Joke. Super ganda pala. Pero mas maganda pa rin siya.
"Eh di okay. Wag kalang niyang paiiyakin ulit at makakatikim talaga sa akin iyon nang magtanda."
"Ang tapang mo naman Elle. Eh kung sa akin mangyari yun susuntukin mo rin ang lalaking mananakit sa akin?" Aniya Krizzia nang nakangiti na biglang nabura nang marinig ang sumunod na sinabi ni Elle.
"Oo naman. Kung gusto mo suntukin ko na ngayon sa kabilang table ang pinsan nitong kaibigan natin na gandang- ganda sa sarili eh!"
Napatuwid tuloy mula sa pagkakaupo ang kaibigan nila. Ni hindi alam kung lilingon o magpapatuloy sa pagkain ng strawberry cake na nasa harapan nito.
"Lingon kana friend pero huwag mabibigla ha?" aniya dito.
"Bakit naman?"
" May kasamang babae eh. Pero mas maganda ka pa rin naman,girl." Pampalubag loob niya sa kaibigan.
"Tama..magkakaibigan tayo eh. Wala kayang pangit sa atin." Pagsang- ayon naman ng isa sabay lingon sa mesa kung saan nakapwesto ang kaniyang pinsan na may kasamang maganda at seksing babae. The girl he's with is familiar. She must be a model or socialite. Hindi naman kasi nakikipagfling sa isang simpleng babae ang kaniyang pinsan. He has high standards when it comes to dating or even flirting.
She smiled sadly while looking at her friend. She knew that Krizzia had feelings for her cousin even from the start but she couldn't do anything or even tell Jeremy to stop being so pussy-whipped like her boyfriend Jacob.
Birds of the same feather really flock together. That's a fact people. Ang masakit na fact.
Kaya nga alam na niyang heartaches din ang kahahantungan ng kaibigan niya eh. Wag lang sanang maging mas malalim pa ang nararamdaman ng kaibigan niya para sa pinsan niya. Kilala niya ang pinsan niya kung gaano ito katinik sa babae and if he'll knew that Krizzia has feelings for him..
All hell will break lose. Sigurado siyang mapapabilang sa listahan ng napaiyak na mga babae ng pinsan niya ang kaibigan niya. At yun ang ayaw niyang mangyari.
They are not just friends. They are like sisters already. Wag lang mangyari ang kinatatakutan niya at siguradong kahit ito ang isa sa pinakapaborito at pinakamahalagang tao sa kanyang buhay ay hindi siya mangingiming kalabanin ito.
Wag lang sana...
Ipagdadasal pa niya.
BINABASA MO ANG
His Passion(Billionaire Bachelor Series 1)
Roman d'amourA dayum hot Mr. CEO... and his unbridled passion for women. Welcome to Mr. Jacob Saavedra's life!