Psyche's pov
Nakaupo ako sa harap ng salamin at inaayusan ang sarili ko. Kakatapos ko lang kasing mag sayaw para sa opening night at kailangan ko ng mag palit ng damit na gagamitin ko para sa mga private dance naman ngayon.
"Bebs!" Pag sigaw naman ni Jewel ng makapasok siya sa may dressing room.
Hindi na ako nagulat dahil ganyan naman siya lagi, sanay na ako.
Lumapit siya sa'kin at nakipag beso beso bago inabot sa'kin ang paper bag na kulay pula.
Taka ko naman iyong tiningnan. "What is this?"
"Basta buksan mo." Sagot naman nito sa'kin at hinila ang upuan na nasa may kanan ko para ilapit sa upuan ko bago siya umupo.
Sinunod ko naman siya at binuksan na ang paper bag na binigay niya sa akin. Napangiti ako ng makita kong puro libro ang laman nito. Not just an ordinary book, libro ito na tungkol sa pagiging doctor.
"Nag abala ka pa. Mahal siguro ang mga ito, dapat inipon mo nalang yung pinambili mo nito." Turan ko sa kaniya at marahan pinisil ang kamay niyang nakapatong sa may hita ko.
"Mura lang yan. Yung kapit bahay ko kasi nakita kong binebenta yang mga libro niya na yan sa online dahil lilipat daw siya ng kurso. Naalala ko na gusto mo nga palang mag doctor kaya naisipan kong bilhin nalang at ibigay sayo, para naman kapag pumasok kana ulit eh may stock knowledge kana." Sagot naman niya kaya napangiti ako lalo.
"Maraming salamat. The best ka talaga." I said and pinch her nose. Tumawa lang naman siya at nag hair flip.
"Syempre, ako na 'to eh." Turan nito kaya napailig iling nalang ako.
"Hmm..Siya nga pala, kamusta yung nakadate mo kahapon na foreigner? Siya na ba ang hinahanap mo na mag aahon sayo kamo sa kahirapan?" Tanong ko sa kaniya.
Napasimangot naman siya at bumuntong hininga. "It was fine..."
"Really? Bakit parang mukhang hindi?" Tanong ko sa kaniya at muling humarap sa salamin para mag patuloy sa pag apply ng make up sa mukha ko dahil baka tawagin na ako ni Ma'am Scarlett para sa mga customers sa VIP.
"Eh kasi naman ang gulo niyang kausap. Tinanong niya ako kung anong love language ko, sinagot ko siya ng Italian. Kasi diba ang hot kapag nag sasalita ng italian tapos deep na husky pa yung voice? Kaso ayun si gago tinawanan ako, sabi sa akin dumb daw ako. Eh paano ako naging dumb eh hindi naman ako manhid, tsk." Pag rarant nito kaya napatigil ako sa ginagawa ko at napahagalpak ng tawa.
"What the fuck Jewel!? HAHAHAHAHA." Napamura kong sagot sa kaniya at humawak pa sa tiyan ko dahil sa kakatawa.
"Ay wow, tinawanan din ako ni gaga." Nakasimangot nitong saad at inirapan ako.
"S-sorry..." I said in between my laughs while wiping the tears from my eyes dahil sa sobrang pag tawa.
"Jusko, dapat talaga nag aaral kana ulit eh." Saad ko at napaiiling sa kaniya. Muli lang naman ako nitong inirapan.
Parehas kami ni Jewel na tumigil sa pag aaral. Siya kasi ay wala ng pambayad ng tuition kaya napilitan siyang mag trabaho pero nung tumagal ay tinamad na daw siyang mag aral kaya nag trabaho nalang siya.
Hanggang first year high school lang si Jewel kaya minsan ay may mga bagay bagay na hindi siya naiintindihan kapag english.
Pinisil ko nalang ang pisnge niya. "Hayaan mo na, mahal padin kita kahit dumb ka."
May kumatok sa pintuan ng dressing room kaya sabay kaming napatingin dun ni Jewel. "Well, I guess it's your time to shine."
Pumasok si Ma'am Scarlett ng may ngiti sa labi. "Mabuti at andito ka din Jewel, kanina pa din kitang hinahanap eh."
YOU ARE READING
Drown Me In Your Lustful Love
Romance"One Million for your whole week. No touching, no kissing and no sex, unless you're the one who will initiate. Just be with me for a week." Seryoso niyang saad bago huminga ng malalim at sumandal sa kinauupuan niya. She crossed her legs before look...