Chapter Twenty One

4.5K 170 9
                                    

Psyche's pov



"Ma, pasok na po ako." Paalam ko kay Mama at humalik sa pisnge niya. 

Nag lakad ako palabas ng bahay at nagulat ng may bumusina sa may harap ko. 

"Oh, good morning Myst--"

"Did I tell you to call me Mystique? Your punishment is not done yet." Putol niya sa akin kaya napabuntong hininga ako. 

"Good morrning...Mommy." Pag uulit kong bati. 

She smirks at me. "That's better."

I subconsciously rolled my eyes at her. 

"Sige po alis na po ak--"

"Hop in, I'll help you look for a job even though I don't want you to work." She cuts me off. 

Napakunot naman ang noo ko. "It's okay po. I can manage on my own nama--"

"Are you rejecting my offer?" Putol niya ulit sa akin kaya agad akong napailing iling. 

"Good. Now hop in, we need to go to the nearest atm machine to withdraw some money. I don't have cash anymore." 

Hindi nalang ako umimik at sumakay nalang sa kotse niya. 

Nakalabas na kami ng subdivision at may nakita kaming atm machine kaya ipinarada niya doon ang kotse niya bago siya bumaba. 

Bumaba din ako at sinamahan siya pero hindi pumasok sa may loob ng booth. Dito lang ako sa may labas at nakasandal sa may pader katabi ng glass na nakapalibot sa mismong atm machine at iniintay siya. 

 "Psyche, why are you there outside?" Tanong niya habang nakasilip sa akin mula sa atm booth.

"Dito nalang po ako mag iintay sa inyo." Sagot ko sa kaniya. 

Napasimangot naman siya. 

"No. Come in here, baka tumakas ka at pumunta sa mercury drug store." Malamig nitong putol sa akin bago ako inirapan. 

Hala siya oh. 

Napabuntong hininga naman ako. "Hindi po ako tatakas at hindi mo ako sa drug store pupunta. Kita niyo naman po ako kapag tumakas ako eh tsaka may binili lang po talaga ako dun kahapo--"

"Yeah and bonus nalang ang pag silay mo sa kaniya." Muli niyang putol sa akin. 

Napataas naman ang kilay ko. "Pag silay?"

"Yeah. That means, a glimpse...right?" Kunot noo niyang tanong. 

I slowly nod at her. "Yeah. Pero medyo malalim yun na tagalog eh. I'm just surprised that you know that word."

"Well, I've been taking a Filipino language class and I aced my last test." Proud nitong turan at ngumiti sa akin kaya napangiti na din ako. 

"Good job then. Congrats." Pag puri ko sa kaniya. 

Nawala naman ang ngiti niya at napasimangot sa akin. 

"Congrats? Good job? That's it?" Parang dismayado nitong tanong. 

"Ahm...yeah?" Takang sagot ko naman sa kaniya. 

She scoffed and crossed her arms before looking away. "I did my very best to ace that test and all I received from you is a good job and a congrats? Damn it."

Ehh? Ano pa bang gusto niya? A reward? Anong reward naman?

I took a deep breath. "Sorry, do you want me to buy you some ice cream as your reward?"

Drown Me In Your Lustful LoveWhere stories live. Discover now