Chapter Twenty Two

4.8K 152 20
                                    

Psyche's pov




Nakangiti akong kumaway kaway kay Mama habang pinapasok na siya ng mga nurse sa isang silid kung saan siya i-chechemotherapy. 

Ngayon kasi yung naka schedule na chemotherapy niya kaya hinatid na namin siya dito sa hospital. 

Medyo nagulat pa nga ako nung tinawagan ako ng doctor ni Mama eh. Hindi ko kasi alam na nag pa apointment na pala si Msytique at nabayaran na niya lahat ng kailangan bayaran. 

Hinahanap ko siya kanina para kausapin tungkol dito pero hindi ko siya makita. Hindi ko din siya macontact dahil unatended ang number niya. I guess I have to wait for her to come home.

"Besh mag kape ka muna oh." Jewel said before handing the coffee cup to me. 

Sinamahan ako ni Jewel dito sa hospital dahil wala naman daw siyang kasama dun sa bahay. 

Doon ko na kasi pinatira itong si Jewel para naman makaalis na talaga siya dun sa inuupahan niya. Nung una ay ayaw niyang pumyag pero nung nag offer si Miss Ruezella na bibilhan niya daw ng condo si Jewel ay pumayag na itong sa amin muna tumira. Ayaw niya daw kasing gastusan siya ni Miss Ruezella eh.

"Thanks." Tipid kong pasasalamat at huminga ng malalim bago ibinalik ang tingin ko sa pintuan kung saan pinasok si Mama. 

Kinakabahan kasi ako na ewan eh. Hindi ako mapakali.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatingin sa may pintuan at nag dadasal na sana walang mangyaring masama kay Mama. Nag sisimula ng mag luha ang mata ko kaya pilit kong inalis ang paningin ko sa pintuan ng kwarto. 

Saktong napalingon ako kay Jewel at kitang nakatingin siya sa akin.

"Hey, are you okay?" Tanong sa akin ni Jewel. 

Tinanguan ko lang naman siya. 

"Tita will be fine Psy, she's strong kaya niya yun." Jewel said before caressing my back. 

I look at her and smile. "Yeah, Mama is strong. Thank you besh."

"Uh-huh. So btw, kamusta nga pala ang pag punta mo kay Kapitan? Natanong mo ba yung about sa pera niyo?" She asked. 

I sigh before nodding my head. "Yeah. He showed me all of the pictures before and after nila makuha yung mga gamit and my safety box was nowhere to be seen."

"Sigurado ka bang lahat talaga ipinakita sayo? Baka naman may pinutol na mga parts." Paninigurado nito.  

"I'm sure Jewel, yung mismong video na kuha ng mga taong nag tingin ng mga gamit ang ipinakita sa akin. Tsaka mabait naman si Kapitan eh, I don't think he will do something na ikasisira ng pangalan niya. Plus, I think he likes my Mom." I said and laugh a little at the last part of what I said. 

Kita ko ang pag ngiwi ni Jewel. "Medyo kadire yung last part besh. I mean, yes maganda si Tita pero heck, bakit sa lahat pa ng nag kagusto sa kaniya eh yung Kapitan niyo pa? Jusko."

Napatawa naman ako at nag kibit balikat. "Lakas ng charm ng nanay ko kaya kahit masamang elemento naakit sa kaniya."

"Hooooyyy ang bad! Pero true!" Pananaway pa ni Jewel pero sasang ayon din naman pala kaya mas lalo akong natawa. 

Napatigil ang pag tatawanan namin ng lumabas yung doctor mula sa room kung nasaan si Mama. 

Napatayo ako agad at lumapit sa kaniya. 

"Hello po Doc, ako po yung anak nung pasyente niyo. Si Emelda Alfonso po. Ayos lang po ba siya?" 

"Yes, she's fine. Ililipat nalang siya sa room niya para makapag pahinga. The first treatment is succesful." Sagot naman sa akin nung Doctor kaya nakahinga ako ng maluwag. 

Drown Me In Your Lustful LoveWhere stories live. Discover now