Psyche's pov
Nag bow ako sa babaeng kausap ko bago siya bahagyang nginitian.
"Maraming salamat po ulit." Pag papasalamat ko bago tuloyang lumabas ng opisina niya.
Pag kalabas ko ay laglag balikat akong napabuntong hininga.
Nag babakasakali kasi ako na matatanggap ako sa call center dahil magaling naman akong mag english kaya sinubukan kong mag apply.
Pang apat na itong inaplayan ko at iisa lang ang sagot nila. Tatawagan nalang daw nila ako kapag natanggap ako.
Nag lakad na ako patungo sa exit ng building at bahagyang nginitian yung guard ng pag buksan niya ako ng glass door.
Nang makalabas ako at muli akong napabuntong hininga at kinuha ang cellphone ko sa bag kong dala para i-check kung saan pa ako mag aapply. Inilista ko kasi dito yung mga hiring na call center jobs na pwede kong pag applayan.
Kita kong may dalawa pa akong pag aapplayan kaya agad ko ng itinago ang cellphone sa bag ko after checking kung saang lugar iyon at tumawid sa tapat kung saan may sakayan ng jeep.
"Oh, shit!" Mura ko ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Luminga linga muna ako para humanap ng masasakyan pero kung minamalas nga naman eh walang nadaan na jeep.
Kaya wala akong choice kundi mag tatakbo sa malapit na botique store na nakita ko.
"Tsk. Kung minamalas ka nga naman." I mutter under my breath and sigh while looking at the dark clouds and heavy rain outside of the boutique.
Mukhang matagal tagal pa bago 'to humina ah.
Tiningnan ko ang relo ko at nakitang malapit ng mag alas sais. Kailangan kong umuwi bago mag alas otso dahil may duty si Jewel at walang maiiwan para mag bantay kay Mama. Sa kaniya ko muna kasi hinabilin si Mama para makapag apply ako habang wala pa siyang duty. Namasukan kasi ito bilang waitress dun sa malapit na restobar sa may amin.
Sabay kaming nag apply doon pero isa lang daw ang kailangan at si Jewel na ang natanggap. Gusto nga ni Jewel na ipaubaya nalang muna sa akin ang trabaho pero tumanggi ako. Kailangan niya din kasi ng pera ngayon dahil naubos na yung savings niya at may sinusustentuhan pa siyang pamilya sa probinsya nila.
"Excuse me, Miss." Pag kalabit sa akin ng isang babae na parang trabahante dito.
"Ahm...yes po?" Tanong ko sa kaniya.
"Wag po sana kayong magagalit sa akin. Napag utusan lang po ako nung head namin na palabasin kayo. Nababasa daw po kasi yung floor ng botique eh tsaka nakaka distract daw po kayo ng mga customer." She said with an apologetic smile.
"Oh...ahm...Hindi ba pwedeng mamaya nalang kapag medyo mahina na yung ulan? Sobrang lakas kasi at wala akong masisilungan eh." I said and look outside of the botique.
Sobrang lakas pa din talaga ng ulan at for sure kapag lumabas ako ay mababasa ako lalo at mas hindi makakasakay ng jeep.
"Hindi po e--"
"Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi ng assistant ko sayo Miss? Nakaka abala kana ng mga customers dito kaya kung pwede lang lumabas kana." Putol naman nung babae na sobrang kapal ng blush on at sobrang taas ng kilay.
"Uhm...Lalabas naman ako Miss, nag hihintay lang talaga ako na humina ng saglit yung ulan. Ako nalang mag pupunas ng mga natuluan k--"
"No. I want you to leave this instant. Wala akong pake kung mabasa ka diyan sa malakas na ulan." Putol nito sa akin at basta hinila ang damt ko papunta sa may exit.
YOU ARE READING
Drown Me In Your Lustful Love
Romance"One Million for your whole week. No touching, no kissing and no sex, unless you're the one who will initiate. Just be with me for a week." Seryoso niyang saad bago huminga ng malalim at sumandal sa kinauupuan niya. She crossed her legs before look...