Chapter Nine

4.1K 195 31
                                    

Psyche's pov





"Ouch." Daing ko ng matusok ako ng karayom nung babae na nag tatahi sa suot kong gown.

Ito yung pinagawa ni Miss Mystique na isusuot ko daw sa event na pupuntahan namin. It was so gorgeous and so perfect kaso medyo clumsy ako kaya sumabit iyon sa may kung ano at napunit ng kaonti kaya ngayon ay inaayos nila.

"Ouch, that one really hurt." Daing ko nanaman ng maramdaman ko nanaman ang pag tusok ng karayom sa may likod ko.

"Sorry." Rinig kong pag hinge ng paumanhin nung babae ata na nakatusok sa'kin.

Tatlo kasi silang nag aayos.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinigilan ang sarili ko na umirap sa pag sosorry niya.

Para kasing hindi na aksidente ang nangyari eh. Parang sinasadya niya talaga akong tusokin ng karayom.

"Aray ko tangin--"

"What happened? Are you okay?" Sulpot ni Miss Mystique at agad na lumapit sa akin.

"What's wrong?" Nag aalala nitong tanong sa akin.

"Ito kasing designer mo, hindi ko alam kung nananadya or sadyang duling lang." Hindi ko na napigilang sumbong sa kaniya.

Feel ko kasi butas butas na yung likod ko sa kakatusok ng karayom eh.

Hinawakan niya naman ang balikat ko at marahan akong hinila palapit sa kaniya kaya napatigil yung mga nag aayos.

"Christine, what did you do again?" Malamig niyang tanong dun sa babae ata na nakatusok sa akin.

"Nothing, I was just fixing her gown." Sagot naman nung babae na may malanding boses.

Hindi ko alam kung sinasadya niyang landian ang boses niya or ganyan talaga. Kasi kanina parang hindi naman ganyan eh, nakakairita lang pero hindi ganyan ka landi.

"Oh really?" Parang hindi naniniwala na tanong ni Miss Mystique at hinaplos ang exposed kong likod.

"Yes, what else did I do?" Pag sagot ulit nung babae kaya napairap ako.

Kita kong humawak yung babae sa may balikat ni Miss Mystique at ngumiti sa kaniya.

What the fuck?

Tinabig naman ni Miss Mystique yung kamay ng babae at malamig lang siyang tiningnan. "I'm not doing this with you again. Leave, all of you."

Nag tataka akong nag palipat lipat ng tingin kay Miss Mystique at dun kay Christine na kumindat kay Miss Mystique bago ako inirapan at tsaka lumabas.

"I'm sorry about that. She kinda hates me." Pag hinge naman ng paumanhin ni Miss Mystique at nag lakad papunta sa may likod ko.

"Hates you? Ganun siya kapag hate niya yung tao? Ang astig naman parang nilalandi niya yung hate niyang tao." I respond and rolled my eyes.

"Well yeah, she's like that when she hates someone." Rinig kong turan ni Miss Mystique at may dinambi sa may likod ko na namumula sa kakatusok ng karayom.

Baka naman ang pangarap talaga nung Christine ay maging tattoo artist at hindi designer. Parang tanga kasi eh.

"Liar." Biglang sabat ng kung sino.

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Miss Ruezella na naka pamewang sa may pintuan.

"Christine doesn't hate Mystique, she loves her and she hates you." Miss Ruezella said before completely walking inside the room.

"Why does she hate me? I didn't do anything wrong." Taka kong tanong.

"Hmm...bakit nga ba Mystique?" Miss Ruezella asked Miss Mystique instead of answering me directly.

Drown Me In Your Lustful LoveWhere stories live. Discover now