Psyche's pov
Pupungay pungay ang aking mata na bumangon sa kama. Humikab ako at saglit na inilibot ang aking mata sa buong kwarto.
Nakakapanibago kasi talaga lalo na't isang beses palang akong nakakatulog dito. Yung kahoy naming pader at bubong ngayon ay semento na at may pang mayaman na desenyo. Konti pa nga lang ang gamit pero kapag nakaipon na ako ay madadagdagan ko na din ito at mababayaran ko din si Miss Mystique sa pinambili niya ng bahay na ito kahit hindi niya naman sinabi na bayaran ko.
Nag kusot kusot ako ng mata bago pumasok sa banyo na nasa loob din ng aking kwarto. Kung dati ay iisa lang ang banyo namin ni Mama ngayon naman ay tag isa na kami ng banyo at meron pang pang kalahatan sa may baba.
Sobrang laki talaga nitong binili na bahay ni Miss Mystique. Kasya dito ang sampong tao na titira if ever.
It's a two storey house na may limang kwarto sa itaas at isa sa baba bukod pa yun sa mga silid na hindi tulogan, meron kasing theater room, dining room, laundry room, mini gym at isang silid na hindi ko pa nabubuksan dahil sabi ni Miss Mystique ay nakalimutan niya daw sa bahay yung susi ng kwarto na iyon. May mga banyo sa loob ng kwarto at may isang banyo sa may baba na pangkalahatan.
May malaking swimming pool din sa may back yard at may mini garden.
Natapos na ako sa morning routine ko at lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa kwarto ni Mama at sinilip siya pero wala na siya doon kaya bumaba nalang ako para hanapin siya.
Una kong sinilip ang kusina dahil alam kong pag nagigising siya ay nag luluto agad siya ng almusal namin.
May narinig akong parang nag piprito kaya napangiti ako at pumasok sa may kusina. Nakita kong may nakatayo sa may harap ng stove at nag luluto kaya nakangiti akong lumapit at yumakap sa may likod nito at akmang hahalikan ito sa pisnge ng maamoy ko ang pamilyar na pabango nito at napagtanto na hindi ito si Mama.
"If this is the greeting that I received every morning, I'll live here." She said before smiling at me.
"Good morning Hon." Bati nito at hinapit ako sa bewang para dampian ng halik sa labi. "I cooked breakfast."
Namula naman ang mag kabila kong pisnge at nag iwas ng tingin sa kaniya. "Ahm...sorry po. Akala ko po si Mama, parehas kasi kayo ng height."
"No biggie, you should do it often." Sagot naman nito bago ako kinindatan at bumalik sa pag luluto niya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakatingin sa nakatalikod niyang pigura.
"Do you like coffee? Milk? Chocolate? Ipagtitimpla kita." Tanong nito kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya at tumikhim bago lumayo at tumalikod sa kaniya.
"Ahm...ako na po mag titimpla. Salamat po." Sagot ko at huminga ng malalim.
Nakatingin ako sa malaking salamin na makikita ang garden at napakunot ang noo ng makita ko si Mama na may kausap na lalaki.
"What is she doing?" Mahina kong tanong sa sarili ko
"She's planting. She kinda scolded me earlier when I bought some flowers. Sabi niya mahal daw ang mga bulaklak at mas makakatipid daw kapag nag tanim at dun nalang kukuha ng bulaklak kapag tumubo na, so I hired someone to plant some flowers but, I guess Tita didn't like that either." Miss Mystique said and giggle. Si Mama kasi ay parang pinapaalis yung lalaki na nag tatanim at inaagaw yung pantanim dito.
Napatingin ako sa kaniya at napakamot sa batok. "She's right din naman po Mistre--"
"Mystique. Just call me Mystique. You'll me Mistress kapag nasa loob lang tayo ng kwarto or kapag sinabi ko. Am I clear?" She said and I nod at her.
YOU ARE READING
Drown Me In Your Lustful Love
Romance"One Million for your whole week. No touching, no kissing and no sex, unless you're the one who will initiate. Just be with me for a week." Seryoso niyang saad bago huminga ng malalim at sumandal sa kinauupuan niya. She crossed her legs before look...