Chapter Thirty Three

1.4K 49 14
                                    

Psyche's pov

"Sana wag na pumasok yung Instructor natin sa Biochemistry. Kakasakit sa ulo yun eh." Pag rereklamo ng katabi ko ng makalabas kami ng classroom namin.

"Pano mo naman nalaman na nakakasakit ng ulo kung hindi pa nga natin nasisimulan? Mag iisang linggo na pero hindi padin siya napasok." Sagot ko naman dito.

She rolled her eyes at me. "Teh, natapos ko na lahat ng subjects na 'to. Umulit lang ako kasi lumipat ako ng ibang school eh hindi ko makuha yung papers ko sa last school ko kaya nag start nalang ulit ako sa umpisa kaya alam ko ng nakakasakit ng ulo yung Biochemistry na yan."

"Wait...so you mean, tapos mo na yung first year college?"

"Yup! Sayang nga eh sana arts and designs nalang kinuha ko." Sagot nito bago bumuntong hininga.

"Eh bakit nga ba hindi iyon ang kinuha mo? Eh yun din naman ang hilig mo, diba?" Takang tanong ko dito habang nag lalakad kami papunta sa last class namin which is ang Biochemistry na halos mag iisang linggo na ay hindi padin pumapasok ang Instructor namin.

"Mahabang kwentuhan kapag sinabi ko sayo kakailangan ang alak." She said before laughing that made me shook my head.

"Puro ka nanaman alak." Saad ko nalang.

Sa halos isang linggo kasi naming mag kasama eh palagi ako nitong niyayayang mag inom dahil stress daw siya sa buhay at gusto niyang mag unwind.
Todo tanggi lang naman ako at gawa ng excuses dahil kailangan kong umuwi agad para hindi mag alala si Mama at isa pa, inaantay kong umuwi si Mystique.

Simula kasi nung hinatid niya ako ay hindi ko na siya nakita ulit. Hindi naman siya umalis ng walang paalam dahil nag message naman siya sa akin na mawawala siya ng ilang araw dahil meron siyang kailangan asikasuhin sa isang boutique niya sa France na nag karoon ng problema.

Ang sabi niya ay madali lang siya pero mag iisang linggo na siya doon ay hindi padin siya nauwi.

"Diba teh!?" Pag sigaw ni Camille kaya napatingin ako sa kaniya.

"Huh? Ano?"

"Wala. Sabi ko may hot Mamey na dumaan. Kung saan saan ka kasi nakatingin kaya hindi mo nakita." She said and shook her head at me.

"It's okay. Wala naman din akong pake kahit dumaan pa siya sa harapan ko mismo." Sagot ko at naunang pumasok sa loob ng classrom ng aming last subject ngayong araw.

"Tsk. May paganun si Anteh porket meron na siyang asukal de Mama." Rinig kong pag rereklamo ni Camille na nakasunod sa akin.

I decided to ignore her and sat down on my seat.
Sana naman andito na yung Instructor namin para hindi sayang ang nilakad ko papunta sa building na 'to.

Medyo malayo kasi ito mula sa unang klase ko bago ito kaya nakakapagod. Tapos lagi namang wala yung instructor.

"Beh, five minutes na. Alis na tayo, wala na ulit yun." Pag bulong sa akin ni Camille na nasa may tabi lang ng inuupuan ko.

One seat a part and pagitan namin pero dahil pasaway siya ay malimit niyang iisod patabi sa akin ang kaniyang upuan.

"Five minutes mo mukha mo eh kakaupo palang natin."

Bumungisngis naman ito. "Kakaupo lang ba?" Natatawa pa nitong tanong. "Pero mukha namang wala na naman siya eh. Pustahan pa tayo."

"Ayoko. Wala akong pera." Pag tanggi ko sa kaniya.

"Speaking of pera. Nakausap mo na ba yung boss mo kung pwede akong mag part time?" Tanong ko dito at umupo ng ayos para makaharap siya.

Nabanggit niya kasi na ang pinagtatrabahoan niya ngayon ay merong bar na laging kulang sa tao kaya sinabihan ko siya na baka pwede niya akong ipasok dun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Drown Me In Your Lustful LoveWhere stories live. Discover now