Chapter Eighteen

4.7K 192 16
                                    

Psyche's pov




Nakatulala ako habang umiinom ng iced coffee.

"You're awefully quite. What's wrong?" Putol ng katabing si Mystique sa pag katulala ako.

"Nothing...just hungry. I guess." Saad ko at bahagya siyang nginitian.

"You're hungry, yet you haven't touched your food since it arrived." She said and raised her eyebrows at me.

"Sorry." I said and sigh. Kinuha ko yung burger na inorder ko at kumagat doon.

Walang gana ko iyong nginuya nguya bago bumalik sa pag katulala.

"Hey, hon. Tell me what's wrong, what's bothering you?" I heard Mystique asked again kasabay ng pag hawak ng malambot niyang kamay sa mukha ko at marahan akong pinaharap sa kaniya.

"Kanina ka pang tahimik simula ng dumating tayo dito. Is there something wrong with the place? Or did I perhaps said something wrong earlier?" Dagdag niyang tanong. Makikita ang pag aalala sa kaniyang mga mata.

Agad naman akong umiling iling sa kaniya at ibinaba yung burger na hawak hawak ko.

"Nothing is wrong po and wala ka pong nasabi na mali." Sagot ko bago siya bahagyang nginitian.

"Are you sure? Maybe I was out of line earlier. Hindi ko gustong pakealaman ang desisyon mo or pangunahan ka. I just want to help." She said before softly caressingy cheeks.

"I know Mystique and I appreciate it so much...it's just...ahm. Pinag iisipan ko yung offer mo and to be honest, it's really tempting. Pero kasi...hindi kaya ng pride ko na basta basta nalang tumanggap ng tulong sayo pag dating sa pag aaral ko. Yung about naman sa ipang papagamot ni Mama, I'm slightly considering it. Ibababa ko ang pride ko para maipagamot na agad si Mama, pero babayaran ko din iyon kapag nakahanap na ako ng trabaho at nakapag ipon na ako. As I said earlier, ayaw kong iasa lahat sayo." Sagot ko sa kaniya.

Ngumiti naman siya ng bahagya. "Okay then. If that's what you want, but just in case you changed your mind, I want you to know that the offer will never close."

Tumango tango ako sa kaniya. "Thank you so much Mystique, for everything. Sa totoo lang, kulang ang salitang salamat sa lahat ng itinutulong mo sa amin."

"Nah, that's enough for me. Seeing you smile and knowing that you're happy is enough for me." She responds while looking at me in those eyes.

Yung tipo ng tingin na parang napaka espesyal kong tao. Yung tipo ng tingin na nakakatunaw.

"Stop looking at me with those eyes." Saad ko at namumulang nag iwas ng tingin sa kaniya.

"What eyes?" Tanong naman ni Mystique.

Napailing iling nalang ako at palihim na napangiti.

Bwiset na yan. Delikado na 'to jusmiyo marimar.

*~*~*

"Oh, bakit ang aga niyo naman umuwi? Tapos na ba agad ang klase niyo or wala kayong pasok?" Tanong ni Mama ng pag buksan niya kami ng pintuan.

Napahigpit naman ang pag kakahawak ko sa kamay ni Mystique ng mag simula na akong kabahan.

Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kaniya ang totoo. Alam kong magagalit siya at ayaw kong mangyari yun.

"Ahm...ano po...uh..." Tumigil ako sa pag sasalita at nilingon si Mystique para manghinge ng tulong kahit na hindi niya naman ako matutulongan.

Nginitian niya lang naman ako at hinaplos haplos ang likod ko na parang sinasabi na kaya ko 'to.

Drown Me In Your Lustful LoveWhere stories live. Discover now