Psyche's pov
"Wow naman. Bagay na bagay ang uniform mo ah." Jewel commented when she saw me walking down the stairs.
"Oo nga hija, bagay na bagay nga sa iyo. Ngayon lang kita nakitang naka uniporme ng ganyan ah. Nag bago na ba ang patakaran sa skwelahan mo?" Tanong naman ni Mama habang nakangiting pinapasadahan ako ng tingin.
"Ahm...o-opo. Nag iba na po dapat po nakaganito ng uniform." Alanganin kong sagot sa kaniya at tumingin kay Mystique.
Ngumiti naman ito sa akin bago yumakap kay Mama. "Mas bagay naman po ang ganyan sa kaniya diba?"
"Ay oo, bagay na bagay. Napakaganda ng uniporme niyo anak, para ka na talagang isang doktor sa suot mo."
My smile widens as I walk towards my mom. "Bagay sa akin Mama?"
"Oo naman syempre. Ang ganda ganda ng anak ko na yan eh. Our future doctor Psyche." Pag e-english pa nito kaya natawa ako ng bahagya.
I look at Mystique who's smiling at me and Mom. Yumakap ako sa kaniya.
"Thank you so much."
Marahan niyang hinaplos haplos ang likod ko. "Shh. It's no biggie, as long as you're happy hon."
"Hoy mamaya na bebetime. Late kana. Hindi ka nga pumasok kahapon mag papalate ka pa ngayon." Putol ng epal na si Jewel sa moment namin ni Mystique.
Kumalas ako sa yakap at sinamaan siya ng tingin.
"Ikaw ba Jewel ay hindi papasok? Bakit parang itong si Psyche lang ang nakabihis. Diba at mag kakaklase kayo?" Takang tanong ni Mama sa amin.
My body froze as I looked at them.
"Mystique, hatid mo na si Psyche. Ako na mag e-explain kay Tita." Pag sagip naman agad ni Miss Ruezella sa akin at marahan akong nginitian bago lumapit kay Mama.
"Ganito po kasi yun..." Rinig kong panimula nito bago ako hinila ni Mystique palabas ng bahay.
"We really should tell Tita the truth." She said as she opened the car door for me.
Inalalayan niya akong sumakay bago siya umikot sa kabila at sumakay din.
"Yeah...we should." Mahina kong sagot at napabuntong hininga.
"I know it's hard but now you don't have to lie anymore. You're studying already. I know she'll understand you hon." Saad nito at kinuha ang kamay ko. Hinaplos-haplos ang likod ng palad ko bago iyon marahang halikan. "I'll be here beside you when you're ready to tell her the truth, okay?"
I bit my lips as I slowly nodded at her.
Hinawakan niya ang mag kabila kong pisnge at hinalikan ako sa labi bago sa may noo ko.
"Ma'am, sa school po tayo ni Miss Psyche?" Rinig kong tanong nung driver na kinuha ni Mystique para sa akin.
Hinayaan ko nalang ang bodyguards na kinuha niya dahil wala naman din akong magagawa kahit umangal pa ako. For sure naman kasi ay ipipilit niya lang ang gusto niya at baka mag talo nanaman kami kapag ganun.
"I'll talk to your professor and the principal why you were absent yesterday," Mystique said.
"You don't need to do that. I can talk to them."
"I want to. I'm the reason why you were absent. It's your first day yesterday and I ruined i--"
"Shh, you didn't ruin everything. You made everything better. Thank you. You don't know how lucky I am to have you in my life." Putol ko sa kaniya at ginawaran ng munting halik ang labi niya.
YOU ARE READING
Drown Me In Your Lustful Love
Romance"One Million for your whole week. No touching, no kissing and no sex, unless you're the one who will initiate. Just be with me for a week." Seryoso niyang saad bago huminga ng malalim at sumandal sa kinauupuan niya. She crossed her legs before look...