Psyche's pov
"Bakit parang hindi ka mapakali diyan anak?" Tanong ni Mama kaya napatigil ako sa pag lakad lakad at nginitian siya ng alanganin bago humigop sa kape na hawak ko.
"Wala po Ma. Naiihi lang po siguro ako." Sagot ko sa kaniya.
"Aba'y edi umihi ka para hindi ka palakad lakad diyan. Nakakahilo ka anak." Turan ni Mama kaya napatawa ako.
"Mamaya po pag kaubos ng kape ko." I respond and smile at her.
"Kung ganun ay umupo ka muna ng hindi sumakit ang ulo ko sa kakauli mo." Utos nito sa akin at hinawakan ang kamay ko para paupuin ako sa tabi niya.
"Andito kami sa sala ni Mama at nakatambay. Si Mama ay nag tatahi habang ako naman ay nag mumuni muni lang at balak lang sanang mag relax pero naalala ko yung sinabi ni Mystique kanina. Kaya ayan kabado bente, inatay talaga.
Bakit kasi siya mag sasabi ng ganun tapos aalis siya at hahayaan akong kabahan, maexcit-- I mean kabahan lang. Diba? Fudge.
"Anak hanggang kailan ka nga inexcuse sa klase mo?" Rinig kong tanong ni Mama.
"Ahm...hanggang bukas lang po." Sagot ko sa kaniya at nag iwas ng tingin.
Sinabi ko nga pala sa kaniya na naexcuse ako sa klase ko dahil sa sunog na nangyari. Totoo naman na naexcuse ako pero hindi sa klase kundi sa trabaho. Sinabi ko kay Miss Scarlett na baka hindi pa ako makapasok agad sa trabaho dahil kailangan ko munang siguraduhin na ayos lang si Mama lalo na't wala siyang iniinom na gamot na inireseta ng doctor para sa sakit niya.
Nasama kasi iyon nung nasunog ang bahay kasama ng pera na pampagamot ko sa kaniya. As in lahat ng pera na naipon ko kasama yung isang milyon na cheke na binigay sa akin ni Mystique. Kaya kailangan ko na agad mag trabaho para mabawi ang mga nawala at makapag ipon na agad ng pampagamot ni Mama.
Siguro ay itutuloy ko nalang yung binabalak ko na pag payag sa mga gustong makitable sa akin at makipag date sa aking na customer dahil sabi ni Jewel ay malaki laki din naman ang kinikita niya doon.
"I hope I'm the one you're thinking about." A cold voice said.
Napalingon ako sa nag salita at sakto namang hahalikan niya ata ako sa pisnge kaya imbes na sa pisnge ko tumama ang labi niya ay sa labi ko ito lumapat.
Namumula naman akong lumayo sa kaniya at tumikhim. "Ahm...andito ka na pala po."
"Yeah. Unless this is your imagination and you're imagining me kissing you." She said before she chuckle.
Nag iwas naman ako ng tingin sa kaniya at tumingin kay Mama para tingnan kung nakikinig siya pero wala na siya sa tabi ko.
"Where's Mom?"
"I don't know. She was not here when I arrived. Hmm...gaano mo ba ako katagal na iniisip at hindi mo napansin na wala na si Tita sa tabi mo?" Mapang asar nitong sagot sa akin.
Sinamaan ko naman siya ng tingin at tumayo. "Hahanapin ko lang si Ma--"
"Andito na pala ang nobya mo Psyche, baka hindi pa yan nakain. May tinabi akong ulam para sa kaniya, ipag hain mo muna." Pag sulpot ni Mama kaya naputol ang sinasabi ko.
Kita ko namang tumayo si Mystique at lumapit kay Mama at nag mano dito. "Kaawaan ka ng diyos. Sige na, pumunta kana sa kusina at mag hapunan."
Tumango tango naman ito kay Mama at nauna ng pumunta sa may kusina. Sumunod naman ako sa kaniya at naabutan ko siyang nakasandal sa may lamesa.
YOU ARE READING
Drown Me In Your Lustful Love
Romance"One Million for your whole week. No touching, no kissing and no sex, unless you're the one who will initiate. Just be with me for a week." Seryoso niyang saad bago huminga ng malalim at sumandal sa kinauupuan niya. She crossed her legs before look...