Psyche's pov
"Ilang oras ka pa bang tutulala at titingnan lang siya? Beh ang lq hindi pinapatagal, pinaguusapan agad ya--"
"Jewel, can we talk?" Sabat ng isang malambing na boses sa may likuran namin.
Sabay kaming napalingon doon at nakitang nakatayo si Miss Ruezella at nakatingin kay Jewel.
"Check ko muna pala si Tita, namiss ko bigla eh. See you later bes!" Agad namang paalam ng kaibigan kong baliw at walang pasabing umalis para pumunta sa kung saan.
Tsk. Dinamay pa si Mama na nag papahinga lang sa kwarto niya habang nanunuod ng mukbang sa tv na binili ni Mystique for her.
"And she said na hindi dapat pinapatagal ang lq." I heard Miss Ruezella mumbled before sighing. Sinundan niya kung saan nag punta ang kaibigan kong hindi marunong sumunod sa sarili niyang advice.
Napairap nalang ako at ibinaling muli ang tingin kay Mystique at nagulat ng makita ko siyang nakatingin sa akin.
Saglit kaming nag titigan bago siya umiwas ng tingin. Itinuon niya ang kaniyang atensyon sa laptop na nasa harapan niya at kumunot ang noo habang natango-tango sa kung anong sinasabi ng kausap niya sa teleponong nasa may tenga niya.
I sigh.
Simula kaninang umaga ay hindi pa kami nag uusap. Mukha naman kasing wala siyang balak makipag usap at ganun din ako.
Hindi ko naman din kasi alam kung anong sasabihin ko sa kaniya if ever na ako ang unang lumapit para makipag usap eh.
Ayaw ko din na maging weird or awkward ang pakikitungo niya sa akin kahit na parang dun din naman papunta yun kahit anong iwas ko.
I sigh again.
Bakit ko ba kasi sinabi yun? Baka hindi siya ready sa ganun? or baka...hindi pa siya ready sa akin? I mean, baka ano...wala siyang planong mag tagal sa buhay ko?
"Psyche," A voice calls my name.
Nag angat ako ng mukha para matingnan kung sino ang tumawag sa pangalan ko.
I saw Mystique standing in front of me with a serious face.
"Yes?" Mahinang sagot ko sa kaniya.
Malamig ang kaniyang mga habang nakatingin sa akin. Napapaisip tuloy ako kung mali ba talaga ang sinabi ko sa kaniya kahapon.
"Change. We're going somewhere." Saad nito bago ako nilampasan at pumasok sa bahay.
I sigh again. Pang ilang buntong hininga ko na ba 'to? Mauubusan na ba ako ng hininga kapag ganun?
Haish. Pati braincells ko sumusuko na din sa akin.
Walang gana akong tumayo para mag tungo sa kwarto para mag palot daw kasi aalis daw kami sabi ng kamahalan kong hindi namamansin.
"And you think what you're doing is right? Is okay?" Rinig kong turan ng kung sino.
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakitang nag uusap si Miss Ruezella at Mystique.
"Yeah," Tipid na sagot naman ni Mystique sa kaniya.
Nakatalikod si Mystique sa akin at nakaharap naman si Miss Ruezella sa may gawi ko kaya kita ko ang reaksyon niya.
She's looking at Mystique in disbelief dahil sa naging sagot nito.
"Oh come on, Myst. You're acting like it's your first fucking time." May inis sa kaniyang tono ng sinabi niya yun.
Kunot noo lang naman akong nakatingin sa kanila at nakikinig kahit na alam kong masama ang ginagawa ko.
I'm curious sa kung anong pinaguusapan nila.
YOU ARE READING
Drown Me In Your Lustful Love
Romance"One Million for your whole week. No touching, no kissing and no sex, unless you're the one who will initiate. Just be with me for a week." Seryoso niyang saad bago huminga ng malalim at sumandal sa kinauupuan niya. She crossed her legs before look...