Psyche's pov
Inaayos ko yung mga binigay na delata ng baranggay para sa aming nasunogan. Nag simula kasi daw ang sunog sa poste na malapit sa may pagawaan ng uling kaya bumilis ang pag daloy ng apoy ag nakarating na nga sa may bahay namin.
Andito kami ngayon sa may gym ng baranggay dahil dito daw muna kami pansamantala habang chinecheck pa nila kung may mga gamit bang naisalba sa sunog.
"Ma, inom ka po muna ng gamot mo oh." Pag tawag ko kay Mama at inabot sa kaniya yung gamot niyang pang pakalma na binigay din ng baranggay.
Inatake kasi ng nervous si Mama dahil sa sunog na nangyari.
"Anak...patawarin mo talaga si Mama kung hindi ko nakuha ang lagayan mo ng pera. Lahat ng pera na naipon mo ay andun. Pati ang mga libro mo na gamit sa skwelahan at uniporme mo ay andun din. Hindi ko iyon naisalba." Pag hinge niya nanaman ng tawad.
Simula ng magising siya mula sa pag kakahimatay niya kahapon ay walang tigil na siya sa pag hinge ng tawad sa akin.
Yung lahat kasi ng sweldo ko at pera na iniipon ko para sa pampapagamot ni Mama ay nasa isang metal box lang na desusi. Hindi kasi ako marunong mag open ng bank account kaya puro cash ang pera ko at nakatago lang sa metal box na taguan.
"Ma, ayos lang po yun. Kaya ko naman pong kitain ulit yun eh." Tugon ko kay Mama at niyakap siya. "Wag mo na pong alalahanin yun. Ang importante ay ligtas po kayo."
Niyakap ako nito ng mahigpit at hinalikan sa pisnge. "Napakabuti mo talagang anak."
I smile at her. "Syempre po, nag mana ako sa inyo ni Papa eh."
Bahagya niya akong nginitian bago inabot ang baso na hawak ko at ang gamot niya. Ininom niya iyon at humiga na sa kama na ibinigay din ng baranggay.
Inayos ko naman ang mga damit na ipinamigay ng baranggay na nakakalat sa may kama para makapag pahinga nadin muna ako.
Kahapon pa kasi akong walang tulog gawa ng nangyari.
I was about to lie down when I heard someone call my name.
I squinted my eyes to see who it is.
Nag tatakbo naman palapit sa kung nasaan ako si Jewel at alalang alala ang mukha.
"Ayos lang ba kayo ni Tita? Sorry at ngayon lang ako nakadalaw. May inasikaso kasi ako at kakauwi ko lang sa bahay eh." Nag aalala nitong tanong.
"Ayos lang kami. Salamat sa pag dalaw." Sagot ko naman sa kaniya.
"Halika. May sasabihin ako sayo." She said and smile at my Mom bago ako marahang hinila papunta sa medyo malayo kay Mama.
"Psy, may pera pa akong naitabi. Gamitin mo muna yun pang upa ng apartment. Bayaran mo nalang kapag nakaipon kana ul--"
"Wag na. Diba itinabi mo iyon para pang lipat mo din ng bahay? Hayaan mo na. Mag dodouble shift nalang ako sa bar para makaipon agad ng pang upa namin." Putol kong tanggi sa kaniya.
"Kaya ko pa namang mag tiis dun sa dormitory na tinutuloyan ko eh. Ang hindi ko matitiis ay yung dito kayo natutulog. Baka kung ano pang mangyari sa inyo." Sagot nito sa akin.
"May guard naman Jewel eh. Pati ayaw kong ikaw ang mag tiis dun dahil pinahiram mo yung pera mo sa amin. Safe naman dito eh. Tsaka madali ko lang kikitain yung pang upa namin ng bahay."
"Psyche naman kasi eh ang tigas ng ul--"
"Psyche, anak. Andito daw yung mga kaklase mo." Rinig kong pang tawag ni Mama sa akin.
YOU ARE READING
Drown Me In Your Lustful Love
Romance"One Million for your whole week. No touching, no kissing and no sex, unless you're the one who will initiate. Just be with me for a week." Seryoso niyang saad bago huminga ng malalim at sumandal sa kinauupuan niya. She crossed her legs before look...