Psyche's pov
Humalik ako sa pisnge ni Mama.
"Pasok na po ako Ma." Paalam ko dito at nag mano din sa kaniya.
"Mag iingat ka ha." Paalala naman nito sa akin na siyang ikinatango ko.
Kinuha ko na ang bag ko na nakapatong sa upuan at nag lakad palabas ng bahay. Binuksan ko ang gate at napamura ng makita kong nakatayo si Mystique doon.
"Nagulat lang po ako. Sorry po." Pag hinge ko nalang nng paumanhin sa kaniya dahil baka akalain niya ay siya ang minumura ko.
"Good evening to you too." Sarkastiko naman nitong turan bago pasadahan ang suot ko.
"Where are you going and why are you dressed like that?" She asked and raised her eyebrows at me.
"Ahm...duduty na po ako. Tatlong araw na leave lang naman po ang hinge ko kay Miss Scarlett at tsaka po kailangan ko na din po mag simula ulit mag trabaho para makaipon ulit." Sagot ko sa kaniya bago nilakihan ang pag kakabukas ng pintuan para maipasok niya yung sasakyan niya sa may garahe.
"You don't have to work Psyche. I gave you my card for a reason." She responds.
Napakamot naman ako sa ulo ko. "Eh kasi po ano...ayaw ko pong galawin yung card na ibinigay niyo sa akin. Tsaka nalang po kapag emergency na talaga yung pag gagamitan at wala na po akong choice."
"Then hindi kita bibigyan ng choice kundi gamitin ang card na ibinigay ko sayo. It's not for display purposes." She said and crossed her arms.
"Eh kasi po Msytique, ayaw nakakahiya naman po kung lahat ay iaasa ko sayo. Pinatira mo na nga po kami ng libre dito at binilhan ng maraming pag kain tapos pati ba naman po sa ibang gastusin ay ikaw padin ang gagastos? Sobra sobra nanaman po ata yu--"
She cuts me off using her lips.
Gulat lang akong nakatingin sa kaniya habang nakalapat ang labi niya sa labi ko at nakapikit ang kaniyang mga mata. Naramdaman kong marahan niyang iginalaw ang labi niya sa labi ko kaya napapikit ako.
I was about to kiss back when she bit my lips and pull away from me.
Napahawak naman ako sa labi ko habang nakasimangot na nakatingin sa kaniya. Shuta kasi eh, mahapdi pa yung labi ko dahil sa nangyari kahapon.
Aangal na sana ako pero may tumawag sa amin kaya sabay kaming napalingon doon.
"Mga anak, kung mag hahalikan lang din naman kayo ay bakit diyan pa sa labas? Malamig at mahamog diyan, pumasok kayo ditong mag nobya."
Namula naman ang pisnge ko at nanlalaki ang matang nakatingin kay Mama na nakangiti sa amin habang nakaway kaway sa amin.
"You heard your Mom, let's go inside and kiss some more Hon. Come on, don't work." Mystique said before teasingly brushing her lips to mine.
Napalunok naman ako at namumulang nag iwas ng tingin sa kaniya.
"I..ahm...I need to work. Hindi ako mayaman na katulad mo. And please, tell my Mother na hindi tayo mag nobya."
Napataas naman ang kilay niya. "Why? Do you not want to be my nobya?"
Medyo nabigla naman ako sa itinanong niya. Hindi ko kasi ineexpect na itatanong niya yun eh. Parang ang normal lang ng tanong niya pucha.
"Ahm...I uh...ahm..." Hindi ko alam ang isasagot ko kaya todo iwas ako ng tingin sa kaniya.
I heard her laugh before her fingertips touch my chin. Ipinaharap niya ang mukha ko sa kaniya at sumalubong sa akin ang maganda niyang ngiti.
YOU ARE READING
Drown Me In Your Lustful Love
Romantik"One Million for your whole week. No touching, no kissing and no sex, unless you're the one who will initiate. Just be with me for a week." Seryoso niyang saad bago huminga ng malalim at sumandal sa kinauupuan niya. She crossed her legs before look...