CHAPTER 2- LEAD

760 44 17
                                        

"Action!" rinig kong sigaw ni Direct

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Action!" rinig kong sigaw ni Direct. JZ. Malinaw din sa paningin ko ang pagsugod ng limang lalaki sa gawi ko.

Humigpit ang aking hawak sa pekeng kutsilyong nasa kamay ko. Hindi ako gumalaw mula sa aking kinatatayuan. Hinintay ko lang na umatake sila.

Ang unang sipa ng isa ay nasalo ko, ginamit ko ang aking lakas para hilain ang paa nito at mabilis pa sa hangin na itinulak papalayo sa akin. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko rin kung paano ito humandusay sa sahig. 

Ang dalawang sabay na sumugod ay binigyan ko ng suntok at sipa habang pare-pareho kaming umiikot sa limitadong espasyo na ibinigay sa akin ng direktor. Pareho rin itong tumimbuwang at mukhang totoong nasindak sa naging galaw ko.

Hindi namin napagpraktisan ang ganitong fight scene kanina kaya malamang sa malamang ay nagugulat ang mga ito sa mga naging atake ko.

Aish! This is quite boring huh? Ganito ba talaga ang masterpiece ng isang most sought-after author?

Ang huling dalawang lalaki ang siyang humabol sa akin papunta sa kunwaring rooftop. Ang sabi ay kailangan kong tumalon para takasan ang mga ito.

The story description portrays the female protagonist as powerful and unafraid. However, the current scenario poses a challenge as she must leap from the rooftop to evade two relatively feeble men. This situation strikes as comical since the rooftop's height is not significant enough to inspire awe or excitement in the audience.

Tsk. The heroine can just kill these two, right?

Anong silbi nitong hawak kong kutsilyo kung hindi ko naman pala magagamit? May kadiliman na rin naman ang paligid. This is the perfect timing to kill these jerks.

If all they want me to do is jump, they might as well have me do it from the iconic lighthouse at Z-sea. That was the original setting during the script reading, so why did they change it?

Did they doubt my competence and think I couldn't handle it?

Gusto kong tumawa sabay iling pero hindi ko magawa. Baka masigawan na naman kami ng bruhang direktor namin.  Sa huli ay wala akong ibang nagawa kundi ang tumalon na lang din.

"Cut! Great job, everyone!"

Pasimple akong natawa nang namayani ang palakpakan. Wala namang nakaka-impress sa scene na iyon pero bakit ganito ang reaksyon nila?

Ganito ba kababa ang standards nila sa fighting scenes?  O sadyang wala pa silang nakitang action star na kasing galing ko?

Agad na nilapitan ako ni Ate Rej at inalalayan papuntang standby room namin. Ngiting-ngiti ito na akala mo ay nakabinggwit ng yayamaning afam.

"What's with your bright smile po?" nakangiti kong tanong. Mas lumapad pa ang ngiti nito.

Sa tingin niya ba ay natutuwa ako ngayon? Inalis lang naman nila ang paboritong scene ko. Iyon pa naman ang isa sa dahilan kung bakit nagustuhan ko ang script.

Murder On Call (Murder Case Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon