Murder On Call (Mycroft Detective Coalition Series 1)
|Collaboration Series|
Murder Case Series #3
A lingering sense of unease fills the air. Was it a misdialed number or a deadly call? As the details of the situation emerge, it becomes chillingly a...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Agent Persephone," may halong gulat na sambit ni Agent Nyx nang makita ako. Hindi ko sinabi rito na pupunta ako dito sa headquarters ng MDC-Manila.
"What's with the silence? Don't you have any missions yet?"
Pagak naman itong natawa sabay iling. "Mission mo lang ay baka ikaw na ang sumuko. Nasa training field pa ngayon ang Senior Agents kasama ang mga trainee."
"I see. How about your boyfriend?" patukoy ko sa kay Agent Hypnos.
"Ah, he's still in the control room, working with Agent Aeolus. May orange call sa Masbate kanina kaya kinailangan nila ang tulong dito."
Napatango naman ako. Nagpaalam lang ako saglit kay Ate Rej para kunwari'y may kukunin sa condo ko pero dito na ako dumiretso.
"You have to do me a favor," seryoso kong sabi. It doesn't sound like a request but a command.
Napalunok naman ito habang sinusubukang basahin ang nasa isipan ko. Akala naman siguro nito ay magagawa niya ang bagay na iyon.
"That isn't going to be an illegal request, right?"
Napangiwi naman ako. Nagpatulong kasi sa akin ang kaibigan kong detective na si Lesia Abellana. Kailangan kong makuha ang record ng Saint Angel Orphanage na tanging ang MDC agency lang ang may hawak.
"I need the whole record of Saint Angel Orphanage."
" SAO? Ang alam ko ay nasa MDC Main ang lahat ng record ng lahat ng naging misyon ng pioneers natin, hindi ba?"
"That's why I am asking for your help. May buhay na nakataya sa record na iyon. Kung hindi natin makuha ang SAO record ay baka tuluyang makulong ang kaibigan ko sa kasalanang hindi niya naman ginawa."
Detective Lesia Abellana is now an accused prime suspect in a murder case. Mukhang ang record ng SAO ang kaisa-isang susi para mapatunayan nitong inosente ito sa akusasyon.
Si Lesia ang pinakamatagal ko ng kaibigan. She knows everything about me. From my pain, regrets, affection, success, and failure up to my real self. She keeps my secrets as much as she can.
I am a bitch. Others surely think that I am a wicked woman but I do have loyalty. I'll do everything to return her love and kindness toward me.
"Kung meron mang makakagawa niyan ay ikaw lang din, Agent Persephone. You're one of the high-ranking agents in our organization. You know what I meant, right?"
Napabuga naman ako ng hangin. "Let's go to my office. I still need your help."
Tumango naman ito at agad na sumunod. Bago pa ako nakarating ng opisina ko ay tumunog ang aking business phone.
Napakunot-noo ako dahil isang unknown number na naman ang tumatawag. Agad ko itong sinagot.