Murder On Call (Mycroft Detective Coalition Series 1)
|Collaboration Series|
Murder Case Series #3
A lingering sense of unease fills the air. Was it a misdialed number or a deadly call? As the details of the situation emerge, it becomes chillingly a...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Am I pretty?" pabiro kong tanong para lang basagin ang katahimikan sa pagitan namin ni Deimos.
"No."
"So, sino lang ang maganda sa paningin mo? Si Hershey?"
"Huwag mong isali sa walang kwentang usapan ang mga inosenteng tao."
Napapalatak naman ako at tinapunan siya ng tingin. Wala akong ibang malanghap kundi ang pabango niyang ginagamit.
Mula sa front seat na kinauupuan ko ngayon ay lutang na lutang din ang makapal nitong pilik-mata at matangos na ilong.
Eh di ikaw na ang gwapo. Wala akong pakialam.
"Nililigawan mo ba si Hershey?"
"She's my best friend."
"Maraming mag-best friend na nagkakatuluyan."
"You're really something, Miss Roosevelt. Wala ka bang kaibigan? Mukhang hindi mo alam ang halaga ng friendship eh."
Hindi naman ako nakasagot. Meron akong kaibigan at alam ko ang halaga ng friendship. It's just that wala akong boy best friend kaya hindi ako maka-relate sa sinasabi nito.
Amoy defensive naman ang demon na 'to. Oo at hindi lang naman ang sagot.
"Wala bang pagkakataon na naisip mo na hindi mo lang best friend si Hershey..." Natigil ako sa pagsasalita dahil sa paghagis niya ng libro na siya mismo ang nagsulat.
"Itigil mo ang kakabasa ng mga romance story. Mas may thrill pa rin kapag mystery-thriller ang genre. Tinanong mo sakin kung kilala ko si Dezzah, hindi ba?" Natigilan naman ako dahil sa pangalang kanyang binanggit. "Basahin mo ang librong iyan at diyan mo rin siya makikilala."
Napalunok naman ako at sinubukang ilayo ang usapan sa nangyari ng gabing iyon. Hindi pa ito ang tamang oras para malaman niyang ako ang kontra-bidang bumaril sa kanya.
Siyempre, kwento niya 'yon kaya kontra-bida talaga ako.
"Mukha naman kasing may something sa inyo ni Hershey eh, diba?"
"Ikaw ang may something at hindi kami."
Napahalukipkip naman ako at masama ang tingin na ipinukol sa kanya. "May psycho bang walang something?" sarkastikong tanong ko naman.
"See?" aniya at nagpakawala ng mahinang tawa. "Sa tingin ko hindi ka psycho, may split personality ka lang."
Hindi ko naman alam kung paano sasalungatin ang kanyang sinabi. Wala naman kasi akong makitang good point doon. Psycho o may split personality ay pareho akong lugi.
"Kasi mabait ka naman sa lahat. Mahal ka ng lahat hindi lang dahil sa pagiging magaling na action star mo kundi dahil sa kabaitan mo. Kaya hindi ko lang lubos na maisip kung bakit iba ang pakikitungo mo sa akin."