CHAPTER 27- FACE-OFF

218 21 0
                                    


"Agent Harmonia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Agent Harmonia."

"Agent?" usisa naman ni Liliane sa hindi makapaniwalang tono. Hindi ko na lang ito pinansin pa.

"Yes, Agent Persephone? Nahanap na namin ang entrance papunta sa second floor..."

"Hindi ito ambush." Puno ng kasiguraduhan ang aking tono. Hindi ako pwedeng magkamali. Malayong-malayo ito sa ambush na sinabi nila. Nililinlangan lang kami.

"Iyon din ang tingin ko." Nakita ko sa monitor na nakapasok na sila sa second floor. Kasama rin pala nila si Agent Calliope. "Walang bantay sa bawat exit door kaya nakakapang hinala lang. Hindi naman tayo ipinanganak kahapon para hindi alam kung ano at paano gawin ang ambush, diba?"

"Ang ground floor lang din ang sinakop nila pero siguradong may habol sila sa building na ito.  Sa dami nila sa ground floor ay paniguradong merong nagko-kontrol sa kanila dito sa loob."

It's more like a trap or a show? I don't know yet.

Ako o si Deimos lang ang kailangan nila. Nandito ang leader ng Black Floor at palabas lang nila ang lahat ng ito para bitagin ang isa sa amin.

"Tawagan mo si Deimos..."

"Hindi," agad kong sagot.

"Bakit?"

Dahil paniguradong siya ang unang lalapitan ng Black Floor leader bago ako.

"Shit!" usal ni Liliane nang magblack-out lahat ng monitor.

Pinutol na nila ang connection at paniguradong wala na ring signal ang buong isla. Alam na nilang nasa control room ako.

"Anong gagawin natin, Eunsun?"

"Anong susunod na hakbang natin, Agent Persephone?"

Napakagat-labi ako dahil sabay pang nagtanong si Liliane at Harmonia. Humigit naman ako ng malalim na hininga para ituwid ang aking isipan.

"Kumalma kayo, ako na ang bahala," may diin kong sagot.

Oras na para magharap tayo, leader ng Black Floor Gang.

"Ano ng gagawin natin?" muling tanong ni Liliane. Hindi ko na lang ito pinansin at ipinukos ang aking atensyon sa nangyayari.

"Harmonia, nasa kanang bahagi ng isla ang tower dito. I-restore ninyo ang connection at i-hack ang lahat ng CCTV dito. Agent Nyx, napasok niyo na ba ang bahay nina Deimos?"

Wala na kaming ibang pagpipilian kundi daanin sa dahas ang lahat. Kailangan naming malaman kung sino ba talaga ang pinoprotektahan ni Deimos laban sa Black Floor. Kung sinoman ang taong iyon ay siya lang din ang makakapagpahinto sa kaguluhan na ito.

"Nasa loob na sina Agent Tyche. I'll give you an update as soon as possible."

"Do that..." Hindi ko na naituloy pa ang aking lintanya nang may matanggap akong mensahe mula sa unknown number.

Murder On Call (Murder Case Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon