CHAPTER 26- CODE ORANGE

410 30 0
                                        

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ilang minuto na akong nakatitig kay Deimos habang nasa veranda at nakatanaw lang sa buwan na siyang nagsisilbing ilaw sa karagatan. Simula nang kumalas siya mula sa pagkakayakap sa akin ay hindi man lang siya nagsalita. Para bang mas malalim pa sa dagat ang kanyang iniisip.

"Hey, demon!" malakas kong tawag sa kanya. Marahan niya naman akong nilingon. Wala pa ring ng emosyon ang kanyang mga mata.

Ano bang nangyayari sayo, Deimos?

"Ano bang problema mo? Bakit parang hindi ka na humihinga pa?" muli kong untag sa kanya.

Tumayo ako at nilapitan na siya. Nakatitig lang siya sa akin na para bang kinakabisa ang bawat anggulo ng aking mukha.

"You are driving me crazy," aniya pa sabay iwas ng tingin. 

Nanliit naman ang aking mga mata. "Hindi na ako madadala pa sa mga ganyang linyahan mo, Deimos Brionnes. Stop playing with me already."

"As if naman nadala ka sa mga sinabi ko noon sayo."

"What if naniwala ako sa mga sinabi mo sakin? What if naniwala akong ako ang gusto mong makasama habang buhay at hindi siya. May magbabago ba sa nararamdaman mo? I mean..."

Pipiliin mo na ba ako kaysa kay Hershey?

"Nevermind," tanging naidugtong ko.

Bakit ba palagi na lang sumisikip ang aking dibdib tuwing ang lalaking ito ang kausap ko?

Nasaan na ang Eunsun Roosevelt na walang pakialam sa isang lalaki? Nasaan na si Agent Persephone na walang puso kung ilarawan ng lahat? Hindi na ako ito. Hindi ko na kilala pa ang sarili ko sa mga oras na ito.

"I'm listening. Continue what you're saying."

"Mas magiging mahalaga na ba ako sayo kaysa kay Hershey?" Napalunok ako nang muli niya akong titigan. "Gosh, ano ba 'tong sinasabi ko? Hershey na 'yon eh. Matatalo ko siya sa lahat ng bagay maliban na lang pagdating sayo."

Nginitian ko siya bagay na pinagsisihan ko rin  naman dahil alam kong nabigo akong itago ang emosyon sa aking sistema na hindi niya dapat makita pa. Sanay naman akong maging two-faced sa harap ng kahit na sino pero bakit pagdating sa lalaking ito ay nabubuwag ang pader ko? 

What's wrong with me huh?

"May lagnat ka ba?" biglang liko niya sa usapan. Napaawang na lang ang aking bibig at hindi makapaniwalang tinapunan siya ulit ng tingin. 

"Are you kidding me? Alam kong wala ka naman talagang pakialam sa akin pero sana man lang ay magpanggap kang meron dahil ako ang kasama mo, diba? Kung wala ka ng sasabihin pa ay makakaalis ka na," pagtatabuyan ko pa sa kanya pero hindi naman siya nagpatinag. 

Napapalatak naman siya at naglakad na papuntang sala. Tahimik naman ako sumunod.

"I want to ask you to be my girlfriend, but I must admit that I can be quite intense. My secrets run deep, and it may be challenging for you to fully understand them."

Murder On Call (Murder Case Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon