CHAPTER 28- CONSEQUENCES

205 23 0
                                    

Napapikit ako nang masagi ng aking kamay ang flower vase sa aking mesa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Napapikit ako nang masagi ng aking kamay ang flower vase sa aking mesa. Bumagsak ito sa sahig at lumikha ng malakas na ingay. Humigit ako nang malalim na hininga para pigilang sigawan na naman ang kaisa-isang taong may pakana nito.

"Agent Gaia," maya-maya ay may diin kong asik.

"Agent Gaia naman!" rinig ko ring bulyaw ni Calliope sa isang linya. "Sabi ng huwag mong lagyan ng vase sa mesa ni Agent Persephone, diba?"

"Sorry po, nakalimutan ko lang tanggalin kanina. Diyan ko pala nailagay."

"Signs of aging na 'yan, Agent Gaia," pang-aasar pa ni Agent Cronus sabay tawa.

Napabuntong-hininga na lang ako sabay iling. Madilim na nga ang mundo ko ay dinadagdagan pa ang paghihirap ko ng mga ito.

Kung alam ko lang na magiging ganito ang buhay ko pagkatapos ng gabing iyon eh di sana ay inayos ko ang desisyon ko sa buhay.

Tsk, Persephone. Huli na ang lahat para magsisisi. Tanggapin mo na lang ang kapalaran mo.

"Agent Persephone, we have received a code orange call from one of our ITC Agents," maya-maya ay anunsiyo ni Agent Cronus.

Kinapa ko naman ang telepono at kalmadong sinagot ang tawag. Tuloy pa rin ang buhay ko bilang agent kahit napakalayo na ng pagkakaiba ng buhay ko noon kaysa sa ngayon. Kahit na mag-iisang taon ng miserable ang buhay ko. Ganon na rin katagal simula nang manatili ako rito sa MDC-Masbate. Iniwan ko na rin ang showbiz life ko.

"Good day, this is Agent Persephone speaking. I understand from my colleague that your call is of the utmost urgency. Can you please briefly describe your current situation and let me know how I can assist you, Sir?"

"Tulungan ninyo ako! Papatayin ako ng kumpare ko!"

Napakunot-noo naman ako. Ngayon lang yata kami ulit nakatanggap ng ganitong klase ng prank call.

"Excuse me, Sir? Pwede niyo po bang sabihin sakin ang eksaktong lokasyon ninyo?"

Sinabi naman nito kaagad ang kanyang kinaroroonan. Bakas sa boses nito ang takot kaya sa palagay ko ay totoong gusto nga itong patayin ng kung sino.

"Maaari ko po bang malaman kung ano ang motibo ng kaibigan ninyo para patayin kayo?"

"N-ahuli niya kami."

"Pakiulit po, hindi ko po kayo masyadong marinig."

"Nahuli niya kami ng asawa niya!"

Aish, this jerk! Deserve naman pala.

Narinig ko pa ang tawa ng mga kasamahan ko.

"Maraming salamat, Sir. Tatawagan po namin kaagad ang pinakamalapit na police station sa lugar ninyo  para mapuntahan kayo."

Murder On Call (Murder Case Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon