CHAPTER 12- EARLY BIRD

266 31 10
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock. Pasado alas-kwatro ng umaga na pala. Nakatulog din ako ng apat na oras. Ito na yata ang pinakamatagal kong tulog sa buwang ito.

"Good morning, Philippines! Sana naman wala akong makasalubong na mga kugtong ngayong araw dahil masyadong maganda ang gising ko para sirain lang!" Um-echo pa ang aking boses sa loob ng kwarto ko.

Pagpihit ko ay kamuntik na akong malaglag sa kama dahil sa gulat. Halos makalimutan ko ng may itim na pusa nga pala akong alaga. Nabili ko ito noong nakaraang taon. Sobrang stress ako nang araw na iyon at hindi ko alam kung bakit at paano ako napadpad sa isang pet shop.

Nakita ko ito na nakatitig sakin kaya binili ko na. Mukha kasing pareho kaming malaki ang problema ng mga oras na iyon. Akala ko ay maiintindihan namin ang isa't-isa. Huli ko na nalaman na ganito pala talaga ang ganitong klase ng pusa. Parang araw-araw ay pasan ang langit at lupa.

She's a Black British Shorthair cat. She's calm and not talkative either. Ni hindi man lang ito natitinag kapag sinisigawan ko eh. She's a good listener tho.

Parang may sariling utak din ito. Alam niya kung kelan siya magpapasaway sakin at kung kelan hindi. Kapag pakanta-kanta akong pumapasok ng unit ko ay sinasalubong kaagad ako pero kapag bad mood naman ako ay ni hindi ako nito malapitan katulad na lang kagabi.

Dahil busy ako ay minsan ko lang din naman ito maka-bonding.  Introvert itong si Yongkie kaya hindi rin alam ng lahat ng kakilala ko ang existence niya sa teritoryo ko. Kapag nasa Masbate o may trip abroad ako ay iniiwan ko siya sa cat sitter kong kakilala. 

"Please, be good to me kahit paminsan-minsan lang." Nakatitig lang talaga ito sa akin na para bang hindi rin ako kilala.

Pumasok muna ako ng CR para maghilamos at mag-toothbrush. Pagkatapos ko ay nadatnan ko pa rin ang pusa na mahimbing na naman ang tulog.

This is unfair, Yongkie. So, unfair! Magtatrabaho na ako't lahat tapos ikaw ay patulog-tulog lang? Ha! Mas mahal pa nga ang pagkain at accessories mo kaysa sa akin eh.

"Bumaba ka na ng kama, Yongkie!"

Nagising naman ito nang hinila ko ng bahagya ang bedsheet. Dinampot ko na ito at karga-kargang lumabas ng kwarto. Sa kusina kaagad ang diretso namin. Ipinatong ko sa mesa at pinakain ito.

"Kumain ka ng marami at gagabihin na naman ako ng uwi." Napatigil naman ito sa pagkain at napatingin sa akin.

Ang talino mo talagang bobwet ka. Kaya hindi kita magawang ipaampon o ipamigay eh.

"Huwag kang mag-alala, dating gawi lang. Iiwanan na kita ng sandamakmak na pagkain at maiinom. Iiwan ko ring bukas ang CR para doon ka na lang ulit dumumi o umihi. Sasakalin kita kapag may maamoy akong mabaho mula sa kung saan-saang sulok ng pamamahay ko, Yongkie. Naiintindihan mo ba... Ay kabayo!"

Sapo ko pa ang aking dibdib dahil sa biglaang pagtunog ng doorbell ko. Masama ang tingin na ibinigay ko sa main door. Imposibleng nandito na kaagad si Ate Rej. Mamayang 8:00 a.m pa ang photoshoot ko. Malamang sa malamang ay 6:00 a.m o 7:00 a.m ako niyon susunduin.

Murder On Call (Murder Case Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon