CHAPTER 8- INVITATION

507 40 6
                                        

"Who's that girl?" nakakunot-noo kong tanong kay Ate Rej habang nakatitig sa babaeng kausap ni Deimos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Who's that girl?" nakakunot-noo kong tanong kay Ate Rej habang nakatitig sa babaeng kausap ni Deimos. Siguro ay wala pa namang 15 minutes simula nang dumating ito sa set namin. I think, she's a 4Ms. Maganda, matangkad, maputi at mabait.

"Hershey Lee, Deimos' girl best friend. Model 'yan ng isang sikat na clothing brand."

Or pwedeng more than friends sila?

Sa kilos ng babae ay parang ganon na nga. Kaya pala familiar ito sa akin. Tsaka mas maliwanag din ang mukha ni Deimos ngayon kumpara kanina na kulang na lang ay daragin ako.

"Ahh," tanging nasambit ko.

"Ang rinig ko ay nakakasama rin 'yan ni Ixx sa ilang photoshoot."

"Talaga? Wow," namamangha ko kunwaring tugon.

Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong papalapit sa gawi namin si Ixx. Agad kong inalis ang aking paningin kila Deimos at tinapunan ito kaagad ng tingin.

He's my style. Single pa kaya ito?

"Are you ready?" tanong pa nito.

Sa kissing scene? Medyo.

"Of course," nakangiti kong sabi.

"Do you want to use this transparent..."

"No, it's fine. Kissing isn't a big deal for me. You know, sa trabaho nating ito ay hindi maiwasan ang ganito. How about you? You're not comfortable, are you?"

"Okay lang sakin. Ikaw lang ang inaalala ko."

Gentleman.

"Are you single?" kaswal na tanong ko pa.

Pinanlakihan naman ako ng mga mata ni Ate Rej at para bang gusto ako nitong kurutin.

Masama bang magtanong?

"Excuse me?" usisa nito dahil biglang may ingay na pumaimbabaw. Mabuti na lang at mukhang hindi nito narinig ang tanong ko.

"Ah, nothing."

"Deimos isn't your boyfriend, right?"

"Hindi no!" agad kong tanggi sa may kalakasan na boses. Napalingon pa sa amin ang lalaking binanggit nito. "I mean, hindi. I'm single."

Tumawa naman ito na para bang tuwang-tuwa sa naging reaction ko. Tsaka palang ako nakaramdam ng hiya.

This is not me. Oh espirito na malandi, lubayan mo ako ngayon na. Hindi pwedeng magka-crush ako kay Ixx, okay? Not him...

"Eunsun Roosevelt!" Nahinto ang pagiging praning ko dahil sa pagtawag sa akin na iyon ni Deimos.

At mas lalo namang hindi ako pwede sa demon na ito 'no? Kung papapapiliin ako, mas okay na sa akin si Ixx...

Aish! Ano ba naman Eunsun! Tumigil ka nga sa ilusyon mong babaita ka! Kulang ka lang sa tulog.

"Yes?" Tumayo ako at nilapitan sila. Ngumiti ako kay Hershey Lee at ganon din ito sa akin.

Murder On Call (Murder Case Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon