Murder On Call (Mycroft Detective Coalition Series 1)
|Collaboration Series|
Murder Case Series #3
A lingering sense of unease fills the air. Was it a misdialed number or a deadly call? As the details of the situation emerge, it becomes chillingly a...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ok, cut!" sigaw ni Direct JZ. Awtomatikong napalayo ako kay Ixx. Dama ko ang tensyon sa pagitan namin kahit na tapos na ang kissing scene namin.
"Great job, Eunsun," puri pa ng lalaki sa akin sabay tapik ng aking balikat.
"Great job too," nakangiti kong sambit. Para bang dama ko pa rin ang lambot ng bibig nito sa bibig ko.
Agad akong napaiwas ng tingin para lang makasalubong ang titig ni Deimos at Hershey sa akin. Alanganin akong kumaway sa babae at pilit na ngumiti.
Anong problema ng dalawang ito sa akin at bakit parang gusto nila akong lamunin ng buhay ngayon?
Muli kong ibinaling ang aking tingin kay Ixx at nakita ko kung paano ito umiwas ng tingin sa kinaroroonan din ng dalawa
What's going on? Something is off, I can feel it.
"Tara na sa standby room, Eunsun," untag sa akin ni Ate Rej. Agad naman akong kumilos. Sabay na kaming umalis sa set ng manager ko.
Ramdam kong nakasunod din sa amin sina Deimos pero mas pinili kong balewalain ang kanilang presensiya.
"Ano ulit ang gusto mong sabihin sakin, Aires?" tanong ni Ate Rej sa lalaki nang nasa loob na kami.
Marahan akong umupo sa harap ng salamin at pasimpleng nakikinig sa kanila. Lumapit naman sa akin si Ate Sab para alisin na ang special effect makeup ko.
"Isang oras lang ang pwedeng itagal doon ni Eunsun dahil maaga pa ang photoshoot nila ni Ixx. Pagkatapos ay may shoot naman para sa last two scenes ng movie."
"Pwede na, sabihan ko na si Madam Diana na pumayag na kayo."
Pinigilan ko namang mapabuntong-hininga. Kung ako lang ang masusunod ay hindi na ako pupunta pa. Mas gusto kong dumalaw sa MDC headquarter namin kaysa sa ang maki-party at makipagplastikan.
"Pagpahingahin ko muna ang alaga ko bago pumunta sa inyo, Deimos."
Saktong natapos na ni Ate Sab ng pagtanggal ng make-up nang magpaalam silang mauuna na pero nang mapadapo ang tingin sa akin ni Kuya Aires ay naudlot na naman ang pag-alis ng mga ito.
"Oh my God, so that's your bare face huh?" puri pa sa akin ni Kuya Aires. "Mas maganda at mas bumata ka pa ng limang taon. I mean, you look more mature with make up on than your actual look."
"Thank you, Kuya Ai at kinumpirma mo 'yan. Akala ko ay nagha-hallucinate lang ako kaya mas gumaganda ako sa aking paningin kapag walang make-up," pabiro kong sabi.
Tumawa naman ito sabay tapik ng aking balikat. "I like how you praise others but I love how you compliment yourself too."
Bago pa man ako nakapagsalita ay pumaimbabaw ang tunog ng phone na nasa shoulder bag ko. Sa tunog nito ay alam kong galing sa MDC ang tawag.