Murder On Call (Mycroft Detective Coalition Series 1)
|Collaboration Series|
Murder Case Series #3
A lingering sense of unease fills the air. Was it a misdialed number or a deadly call? As the details of the situation emerge, it becomes chillingly a...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Thank you for joining us tonight, hija. Sana sa susunod kong kaarawan ay makapunta ka pa rin."
Natawa naman ako sa tinuran ng ginang. Hindi pa nga tapos ang gabi ng kaarawan nito ay next birthday na naman ang nasa isip.
Tsk. Masiyahin naman ito pero bakit ang anak ay hindi? Kanino kaya nagmana ang Deimos na 'yon? Sa ama kaya?
Speaking of Deimo's father, nasa business trip daw pala kaya wala rito.
"Hershey, hija!" tawag nito sa babae. Agad namang lumapit ang dalaga.
"Tita?"
"Where's Deimos?"
"I don't know. Baka nasa kwarto niya po? Puntahan ko po muna."
"Yes, please. Kailangan ng makauwi ni Eunsun at may photoshoot pa ang batang ito bukas. Naku! Mapapagalitan tayo nito ni Rejinna."
Inilibot ko ang aking paningin. Hindi na mahagip ng aking mga mata sina Deiwo at ang mga kaibigan nito.
Habang nag-aasikaso si Madam Diana sa kanyang mga bisita na papauwi na rin ay tumakas na rin ako para hanapin ang mga ito.
Dalawa ang nakikita kong hagdan. Nasa kanan at nasa kaliwang bahagi ng malawak na espasyo na kinaroroonan namin ngayon.
Ang kanang hagdan ang tinahak ni Hershey. Kanina habang kumakain ay nakita kong sa kaliwang hagdan naman bumaba ang isa sa kasamahan nina Deiwo.
Walang alinlangang inakyat ko ang kaliwang hagdan. Ang unang palapag ay wala naman akong nakita. Napakatahimik. Dumiretso ako sa pangalawa pero kagaya ng nauna ay katahimikan lang ang sumalubong sa akin.
May narinig akong kalabog na nagmumula sa taas kaya naman mabilis pa sa hangin na nakaakyat ako sa ika-tatlong palapag.
Nanlaki ang aking mga mata nang makitang nanghihinang nakasandal si Deimos sa pader habang dumudugo ang kilay at bibig. Agad ko itong tinakbo.
"Hey! Deimos, what happened huh?" tanong ko sabay yugyog dito. Sinikap nitong abutin ang kamay ko at hinigpitan ang kapit dito. Mukhang sinusubukan niyang tumayo.
"Don't move, okay? Hindi maganda ang lagay mo, Deimos. Sinong may gawa nito sayo ha? Sa pamamahay mo pa talaga?" Bakas na sa pananalita ko ang inis.
"I-hahatid na kita..."
"Shut up your mouth or if you want to say something, just tell me who did this to you."
Umiling naman ito. Marahas kong binawi ang aking kamay para hindi na nito pilitin ang sariling makatayo.
Damn you, Deiwo! Alam kong ikaw ang may kagagawan nito. Wala ka talagang sinasanto 'no?
Paniguradong kung hindi lang pinsan ng tarantadong iyon si Deimos ay baka hindi ko na ito naabutan pang buhay.