Murder On Call (Mycroft Detective Coalition Series 1)
|Collaboration Series|
Murder Case Series #3
A lingering sense of unease fills the air. Was it a misdialed number or a deadly call? As the details of the situation emerge, it becomes chillingly a...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kasalukuyan kaming nasa standby room para pag-usapan ang dating issue namin ni Deimos. Postponed din muna ang shooting ngayong araw dahil sa mga paparazzi na umaligid sa set namin.
"Eunsun," untag sa akin ni Ate Rej.
Prente lang akong nakaupo habang nakahalukipkip at nakapikit ang mga mata. Iniisip ko kung paano ko buburahin ang lalaking kugtong sa mundong ito.
Ang bilis lang kasi nilang maglinis ng kalat porke't wala ni isa mang alagad ng batas ang nagkaroon ng interes sa kaso ni Dezzah.
Napaayos ako ng upo at iminulat ang aking mga mata. Sinalubong ko rin ang tingin ni Deimos na kanina ko pa nararamdaman.
"Anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Kuya Aires.
Napakamot naman ako sa aking noo sabay kibit-balikat. Hindi ko rin namang ugaling mag-aksaya ng oras para linisin ang isyu na hindi naman ako ang nagsimula. Wala akong mapapala at wala rin saking mawawala.
"Ano pa nga ba? Just deny the rumor," direktang tugon ni Deimos.
Iyon ba talaga ang gusto mong mangyari? Since mabubura ka lang din naman sa mundong ito ay pagbibigyan ko na ang gusto mo, Deimos Brionnes.
"Why deny?" singit ko. Pare-pareho naman silang napatingin sa akin. "I mean, hayaan na lang natin sila kung anong gusto nilang isipan."
Kinuha ko ang aking cellphone at nag-browse ng Twitter. Trending kaagad ang #EunDei. It is simply a combination of my name and Deimos' name.
Noong Day 1 palang ay aware na ako sa ship na ito. Ngayon ang tamang panahon para gamitin ito.
I intend to betray him, leading up to his ultimate demise. With ten hours remaining, I have ample time to seduce this man. I will do to him what he did to Dezzah.
"The movie's success will skyrocket with such a scandalous rumor spreading across the internet. While some may disapprove, a vast majority will eagerly embrace it, just as they are doing now."
Ipinakita ko ang ang fast-growing fansclub ng EunDei. Napanganga naman sila pare-pareho.
"Ohh, mukhang may fansclub na kaagad kayo. Maging sa Instagram ay verified na kaagad ang fan account ninyo."
Napatingin ako sa walang imik na Deimos. Nang tumingin ito sa akin ay mas pinalamlam ko pa ang aking mga mata. Halatang may epekto naman iyon sa kanya dahil agad siyang napaiwas ng tingin.
"Tama naman si Eunsun, hayaan na lang muna nating humupa ang isyu na ito. Mukhang mas advantage pa nga ito sa kanilang dalawa eh," sang-ayon na saad ni Kuya Aires.
Sa huli ay walang nagawa si Ate Rej kundi ang sundin na lang ang suhestiyon namin.
"Magsiuwi muna tayo dahil postponed naman ang filming. Fix your things, Eunsun," utos sa akin ni Ate Rej. Sinunod ko naman kaagad ito.