CHAPTER 25- LOSING GAME

228 26 0
                                    

"Eunsun!" malakas din na tawag sa akin ni Liliane na siyang naging dahilan para mapalingon sa aking kinaroroonan ang mga taong nakarinig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Eunsun!" malakas din na tawag sa akin ni Liliane na siyang naging dahilan para mapalingon sa aking kinaroroonan ang mga taong nakarinig.

"Eunsun and Liliane, right?" rinig ko pang pangungumpirma ng isa sa kasama nito.

"Yes. Nandito rin pala sina Deimos Brionnes at Hershey Lee," tugon naman ng isa.

"Aish, these bitches," tanging nasambit ko nang mapansin kong kumukuha na ng litrato ang ilan sa mga nandidito. Gamit ang isa kong kamay ay tinakpan ko ang aking mukha para protektahan ang aking sarili laban sa kislap ng camera.

"Hey, folks! No posting of pictures on social media, please? Gusto naming magbakasyon ng mapayapa, hmmm? Pwedeng kapag nakauwi na lang kami pare-pareho?" pakiusap pa ng babaitang Liliane sabay ngiti sa lahat.

Mabuti na lang at mukhang naintindihan naman nila ang pakiusap nito. May staff din ng Helley Skyscraper na lumabas at kinausap ang mga kumuha ng litrato.  Nakahinga ako ng maluwag nang mukhang na settle na kaagad ang lahat.

"Bar tayo mamaya?" yaya na naman sa akin ng babae. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko pa rin sina Deimos.

"Sure."

"How about dinner? Sasabay ka ba kina Deimos?"

"No," agad kong sagot. Napakuyom ako nang mamataan ko si Deiwo na papalapit sa amin.

"Hey, girls. Gusto niyo bang sumabay sa dinner namin?" nakangiti nitong bati.

"Girls?" pagsusungit naman ng kasama ko.

"Bakit?" usisa naman ng lalaki. Kahit nakangiti ito ay halata na ang pagkairita nito sa isa.

"We're not your girls, Deiwo Brionnes. Lumayo-layo ka sa amin."

Oh, mukhang magkakilala sila ha?

"C'mon, Liliane! Hindi naman talaga ikaw ang gusto kong yayain eh."

"Alam kong si Eunsun ang pakay mo. Huwag kang papadala sa katarantaduhan ng isang ito, Eunsun," baling na sabi sakin ng babae.

As if.

Napansin ko ang pagkuyom ng lalaki at halatang pigil na pigil na saktan ang isa. Pasimple akong napasinghap.

"Anong problema mo?" asik na talaga ni Deiwo.

"Enough," tipid kong sabi. "Kung gusto niyong magpatayan, huwag sa harap ko," malamig kong sabi at iniwan na sila. Kung may isa man sa kanilang mamamatay sa gabing ito ay isa lang din sa kanila ang magiging culprit.

Sakto namang madadaanan ko ang kinatatayuan nina Deimos at Hershey. Mukhang nag-e-enjoy pa sila sa sunset.

"Eunsun," bati sakin ng dalaga. Ni hindi ko man lang kayang makipagplastikan pa rito.

Ibinaling ko ang aking paningin kay Deimos na  halata namang umiiwas din na tapunan ako ng tingin.

"Let's talk," walang emosyon kong sabi.

Murder On Call (Murder Case Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon