"Really? Hindi kaya ay sinundan ka nila?" puno ng dudang saad ni Harmonia mula sa kabilang linya.
Agad na ipinaalam ko sa kanila na alam na ni Deimos na ako ang bumaril sa kanya nang gabing iyon. Duda akong baka mamaya o bukas ay basta-basta na lang susulpot ang babaitang ito dito sa isla. Sa lahat ng agent na hawak ko ay ito lang din ang hindi ko makontrol ng husto.
"Hindi rin. Mas nauna silang nakapag-check in dito. Hindi niyo ba na hack ang lahat ng CCTV cameras na malapit sa LC Bar?"
"Ang alam ko ay wala tayong iniwang ebidensiya na pwedeng gamitin ng kalaban laban sa atin. Alam mo naman kung paano tayo magtrabaho."
"So, paano nalaman ni Deimos na ako ang bumaril sa kanya?"
"Iyan din ang ipinagtataka ko. Nasa kay Deimos ang kasagutan ng lahat ng misteryong ito. I mean, maliban kay Dezzah Diaz ay si Deimos lang ang may malakas na koneksyon sa Black Floor."
Napaisip naman ako. Alam ng Black Floor ang tungkol sa MDC. Ang lahat din ng culprit sa mga murder cases na may kaugnayan sa mga nobela ni Deimos ay miyembro ng BF.
Malinaw na walang kinalaman si Deimos sa mga krimen pero bilang manunulat ng mga libro ay nasa frame pa rin siya ng mga kaso na kagagawan ng nasabing organisasyon.
Isang simpleng tanong lang ang meron ako ngayon pero napakahirap namang sagutin.
Ano ang koneksyon ni Deimos sa Black Floor?
"Paniguradong mas nag-iingat na ngayon ang BF dahil sila na rin ang target ng SH Detectives. Nahuli na rin natin ang mga culprit ng murder cases na related sa MC Series ni Deimos."
"About that, anong current status ng pakikipagtulungan natin sa SH Detectives Station? Nakausap mo na ba si Lesia?"
"Kagaya ng ipinag-uutos mo ay sumang-ayon din sila na resolbahin sa tahimik na paraan ang kasong ito. Public figure pa rin si Deimos Brionnes kaya hindi pwedeng malaman ng kanyang mga reader ang misteryong bumabalot sa kanyang mga libro. Makakagulo lang silang lahat sa misyon nating ito."
Napatango-tango naman ako. Mas makakabuting talagang kami na lang ang nakakaalam patungkol sa nangyayaring ito.
"Ang librong dapat na ilalabas ni Deimos ngayong buwan ay kumpirmadong part ng Murder Case Series niya."
"Kung gayon ay aware na si Deimos sa nangyayari, diba?" pangungumpirma ko naman.
"Probably. Napanuod ko rin sa isang interview niya na ang huling series ang pinakamahalaga sa kanya dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may happy ending diumano ang librong iyon. Iyon din ang dahilan kung bakit lahat ay nakaabang na. Kung ganon ay bakit niya ikinansela ang publication ng libro?"
BINABASA MO ANG
Murder On Call (Murder Case Series #3)
Mistério / SuspenseMurder On Call (Mycroft Detective Coalition Series 1) |Collaboration Series| Murder Case Series #3 A lingering sense of unease fills the air. Was it a misdialed number or a deadly call? As the details of the situation emerge, it becomes chillingly a...