CHAPTER 3- SAME FEATHER

439 43 16
                                    

"Si Deimos Brionnes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Si Deimos Brionnes."

Napako ang aking tingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Nagkasalubong pa ang aming mga mata.

Ang lalaking sinasabi mo ay nasa harapan ko na, Agent Aeolus.

"He's the most sought-after and best-selling author for nine consecutive years already. His readers often call him the master of killers."

Kill Them All is a movie adaptation of one of his popular novels. Kung itong movie na ito ang pagbabasehan, naiintindihan ko kung bakit ganon ang naging titulo niya. 

His hit mystery-thriller novels might be based on reality, right? 

"Ganon ba?" sambit ko sabay ngiti para alisin ang tensiyon na aking nararamdaman dahil sa presensiya ng manager ko at ng lalaki.

Hindi alam ng manager ko ang tungkol sa MDC agency. Ni wala rin itong ideya sa pagiging agent ko kaya ingat na ingat ako na malaman nito ang tungkol doon.

"Ganon ba? Ganon lang?" litong ulit ni Agent Aeolus sa tinuran ko. Nakukulangan yata sa naging tugon ko.

"I have a VVIP visitor here, I'll call you back later," kaswal kong sabi at agad na pinatay ang tawag.

Maingat ko na ibinalik sa aking bag ang MDC phone bago hinarap ulit ang dalawa. 

"Ohh. Hello, Mr. Demon."

Gusto ko mang ngumiti pero hindi ko na magawa pa. Sa pagkakataong ito ay hindi ko kayang makipagplastikan sa isang potential killer.

It's either he's the killer or the real culprit is somehow connected to him. When it comes to murder cases, the assigned agent or detective needs to think outside the box.

Naramdaman ko ang pagsiko ni Ate Rej sa akin sabay bulong. "It's Deimos, not Demon."

"Ahh," usal ko at nagpakawala ng mahinang tawa. "I'm sorry, I'm just having a hard time memorizing such a weird name."

Hinintay ko na magbago ang blangkong ekspresyon ng mukha nito. Sigurado akong ang pagiging ganito niya ang mas minahal sa kanya ng kanyang mga reader.

Handsome. Mysterious. And maybe, a psychopath.

"Maiwan ko muna kayong dalawa," paalam ni Ate Rej sabay labas na.

"Have a seat," kaswal kong sabi sabay upo sa orihinal kong pwesto.

Bahagya akong nakatalikod sa kanya. Kitang-kita ko rin naman ang kanyang reflection sa malaking salamin na nasa harapan ko ngayon.

"How's the shooting?" Ito ang pinaka-unang tanong na aking narinig mula sa kanya.

Kahit noong script reading ay si Ate Rej lang din ang kinakausap nito. Ni hindi man lang ito nag-abala na alamin kung sino ako.

Marahil ay kilala niya ako sa pangalan dahil sikat din naman ako kagaya niya pero sana man lang ay nagpanggap siyang interesado sa existence ko, diba?

Murder On Call (Murder Case Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon