CHAPTER 20- TIME OF DEATH

439 34 5
                                        

"Give up on her case and I'll give you the antidote you need," a gruff voice says on the other line

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Give up on her case and I'll give you the antidote you need," a gruff voice says on the other line. I can feel the intense satisfaction dripping from every word it utters. 

Malinaw din sa aking pandinig ang voice changer na gamit nito kaya hindi ko matukoy kung babae o lalaki ba ito.

"Bakit mo pinatay si Dezzah?" tiim-bagang kong tanong. Kagaya nitong kausap ko ay may voice changer din akong gamit kahit na alam kong alam nito kung sino talaga ako.

"Ako? Hindi ako ang pumatay sa kanya," mahinahon nitong tugon at kahit na hindi ko nakikita ang pagmumukha nito ay alam kong nakangisi ito.

"Talaga ba? Kung hindi ikaw ang pumatay kay Dezzah at sa iba pang babaeng natatagpuang patay sa Z-sea, eh di sino ka? Huwag mong sabihing ikaw ang leader ng Black Floor?"

Isang nakakabinging katahimikan ang namayani. Makalipas ang dalawang minuto ay narinig ko ang pagkabasag ng kung anong bagay sa kabilang linya.

"Bitch! At anong alam mo tungkol sa Black Floor ha?"

Napangisi naman ako. Kumpirmadong ang may pakana ng lahat ng ito ay ang Black Floor. Marahil ay nagiging sagabal na kami sa kanila kaya lumalaban na sila sa maruming paraan.

Well, in this world, there are no straightforward or morally pure methods. What matters to us is winning the game.

"Anong alam ko? Secret. Pero isa lang ang masasabi ko, mamamatay ako kasabay ng pagkabuwag ng organisasyon ninyo. Antidote? Hindi ko kailangan iyan. Hindi mo ba alam na nasa organization namin ang apat sa pinakamahusay na doctor sa bansa ha?" pagsisinungaling ko pa para lang takutin ito. Bago pa ito makapagsalita ay pinatay ko na ang tawag.

"Hey, what the hell are you doing?" may diing sambit ni Harmonia.

"Agent Demeter is right. Ginagamit ako ng Black Floor para paluhurin ang Mycroft Detective Coalition, bagay na hindi mangyayari kahit na mamatay man ako ngayon."

Napasapo na lang ito sa noo habang nagpakawala naman ng buntong-hininga si Agent Demeter.

"Agent Persephone!" Pare-pareho kaming napatingin sa kakarating lang na si Nyx. Kasama nito sina Agent Hypnos at Tyche.

"We have good news here. Nahuli na ng SH Detectives ang pumatay kay Dezzah."

Napakurap-kurap ako dahil sa sinabing iyon ni Hypnos. Paglingon ko kay Harmonia ay napansin ko kaagad ang pamumutla nito.

"Good news? What did you just say?" Bakas sa boses nito ang takot at inis. Bigla namang nalito sina Agent Nyx at Hypnos dahil sa tinuran nito.

"Why? Something's wrong?" usisa ni Nyx.

"It's fine, Harmonia..."

"No, it's not, Agent Persephone," asik nito sa akin. "Nahuli niyo na ang pumatay kay Dezzah? Ah, kaya pala tumawag sa atin ang leader ng Black Floor. Naiintindihan ko na ngayon," sarkastikong sabi nito.

Murder On Call (Murder Case Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon