CHAPTER 30- DESPERATION

520 32 0
                                        

"Anak," tawag sa akin ni Mama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Anak," tawag sa akin ni Mama. Napaayos naman ako ng upo bago ito sinagot.

"Po?" tipid kong sagot.

"Inumin mo muna itong herbal na ginawa ko para naman sumigla naman 'yang katawan mo kahit papaano."

"I wanna die... Aray!" hiyaw ko pa nang dumapo sa aking noo ang kamay ni Mama.

"Tigil-tigilan mo nga 'yang pagiging nega mo diyan. Inumin mo na ito."

Sinasabayan ko lang naman ang kanta ha?

Tinanggal ko ang earbuds kong suot at ininom na lang ang herbal na sinabi nito. Nararamdaman ko ang titig ng aking ina.

"Ano ba 'yon, Ma?" tanong ko na talaga. Agad naman itong naupo sa tabi ko at hinaplos-haplos ang aking lagpas balikat na buhok.

"Iyong Deimos na pumunta rito noong nakaraang buwan ay naging boyfriend mo ba?"

Tama, halos patapos na ang isang buwan simula nang mapadpad dito si Deimos. Malapit na ring matapos ang deal namin. Paniguradong kagaya nina Agent Demeter ay mabibigo lang siyang hanapan ng lunas ang pagkabulag ko.

"Ma naman! Hindi ha? Naging magkatrabaho lang kami. Author kasi iyon."

"Ganon ba?"

"Opo. Magpapahinga na po ako ha?"

"Sige 'nak."

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad sa kwarto ko. Bago pa man ako tuluyang makapasok ay umalingawngaw ang tunog ng doorbell sa kabuuan ng bahay namin.

"May bisita ka ba, Ma?" tanong ko pa.

"Wala naman, teka lang, buksan ko lang ang pinto."

Nanatili ako sa aking kinatatayuan hanggang sa narinig ko ang pagbukas ni Mama ng pintuan.

"Tita Eu! Kamusta po kayo."

Napakuyom na lang ako nang marinig ko ang boses ba iyon ni Harmonia.

"Hello po, Tita. Good evening po."

Lesia?

"Oh, Lesia, hija! Long time no see huh? Huli nating pagkikita ay graduation ninyo sa college."

"Opo, ganon na nga po. By the way, tita, si Lynn po ito. Kaibigan ko rin. Balita kasi naming simula na ng Rodeo Masbateño rito sa inyo kaya makiki-celebrate sana kami. Okay lang po ba?"

Rodeo Masbateño is a popular annual event and festival held here in Masbate. It is a celebration of this province's rich cowboy and ranching culture, showcasing various traditional Filipino rodeo events and activities.

The festival aims to promote and preserve the cowboy heritage of Masbate, which has a long history of cattle ranching and horsemanship.

Rodeo Masbateño has gained national and international recognition as one of the most prominent rodeo festivals in the Philippines.

Murder On Call (Murder Case Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon