CHAPTER 23- HELLEY ISLAND

247 26 4
                                    

"Tama lang ang desisyon mong magbakasyon muna," nakangiting saad ni Harmonia sa akin habang karga-karga si Yongkie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Tama lang ang desisyon mong magbakasyon muna," nakangiting saad ni Harmonia sa akin habang karga-karga si Yongkie. Kasalukuyan kaming nasa office ko rito sa MDC-Manila Headquarters.

After the successful premiere of our movie yesterday, I informed Ate Rej that she should hold off on accepting any offers for the time being because I plan to go on vacation for a week.

Given the immediate declaration of Kill Them All as a blockbuster movie, Ate Rej had no other choice but to agree. She even said it would be alright if I were to be out of the country for six months, although that's not something I intend to do.

Personally, I feel that a week-long break is already quite lengthy, and I would prefer to have my vacation within the country.

I've already decided on a destination. I would like to visit the most renowned tourist spot at the moment, Helley Island. It's just a two-hour journey away. Si Hypnos at si Nyx ang maghahatid at susundo sa akin doon gamit ang private plane ng MDC-Manila.

"Buong akala ko ay mamamatay ka na hindi nakakaranas magbakasyon eh."

"Nagbabakasyon naman ako ha?"

"Nagbabakasyon na may kasamang misyon, baka ganon ang ibig mong sabihin?" sarkastikong bwelta nito. Napairap na talaga ako.

"Hey, Harmonia. Masyado ka na yatang naging close sa akin nitong mga nakaraang araw ha? Sa pagkakatanda ko ay hindi mo naman ako nailigtas sa lason."

Napasimangot naman ito. Natawa na lang ako at kinuha si Yongkie. Sa kanya ko kasi ihahabilin ang pasaway na pusang ito. "Bantayan mo ng maayos si Yongkie. I'll end your life kapag pinabayaan mo ang nilalang na 'to," seryoso kong sabi.

"Oo na po, Ma'am Eunsun Roosevelt a.k.a Agent Persephone."

"Come in!" tugon ko sa kumakatok sa pinto.

"Agent Persephone," bungad na saad ni Nyx. "Aalis na tayo."

Napatingin naman ako kay Harmonia. Saglit kaming nagkatitigan. Tinapik ko na lang ang balikat nito para magpaalam na.

"Enjoy."

Tumango lang ako at sabay-sabay na kaming lumabas ng opisina ko. Dumiretso kami sa SKY-PL at agad na akong sumampa sa private plane na siyang gagamitin namin.

Tahimik lang ako buong biyahe. Ito yata ang kauna-unahang pagkakataon na magbabakasyon ako pagkatapos na pagkatapos ng isang project ko. Kung hindi pa ako kamuntik mamatay dahil sa lason ay hindi ko pa mapapagtanto ang halaga ng buhay.

Dahil sa malalim na pagninilay ay tuluyan din akong nakatulog. Nagising na lang ako na nasa Helley Island port na kami.

"Wow," tanging nasambit namin ni Nyx dahil sa kagandahang tinataglay ng isla. Mula sa kinatatayuan namin ay amin ding natatanaw ang Helley Skyscraper Hotel o HSH na sikat na sikat sa social media. Sa taas ng gusaling ito ay tiyak makikita at makikita kahit saang sulok ka man ng isla pumunta.

Murder On Call (Murder Case Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon