Murder On Call (Mycroft Detective Coalition Series 1)
|Collaboration Series|
Murder Case Series #3
A lingering sense of unease fills the air. Was it a misdialed number or a deadly call? As the details of the situation emerge, it becomes chillingly a...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
When it comes to solving heinous crimes, we just have two options and only one answer to that.
Ang isuko ang kriminal sa mga alagad ng batas kasama ang mga ebidensiya na nakalap ng team namin o kaya naman ay ang patayin sila sa paspasang paraan.
And I chose the latter one this time.
Mula sa kinaroroonan ko ngayon ay nakikita ko si Deimos na nakatayo sa labas mismo ng LC Bar.
Nang magpaalam itong sasagutin lang ang tawag ni Kuya Aires ay saka naman ako pumuslit palabas ng walang paalam.
May suot naman itong mask at cap kaya hindi siya makikilala ninuman. Abala ang mga mata nito sa paghahanap ng kanyang sasakyan na kanina pa tinangay ni Agent Tyche papunta sa kung saan.
Itinutok ko ang hawak kong stun gun diretso sa dibdib nito. Ipinikit ko ang aking kanang mata para masiguradong maaasinta ko ang puso nito.
Thank you for the fifteen-minutes-memory you had given to me.
Base sa distansya sa pagitan ng kinaroroonan namin ay kaya kong tamaan ito ng tatlong bala sa loob lang ng tatlongpung segundo.
Three poisonous bullets are enough to kill you, demon. Don't worry, I wouldn't forget how gentlemanly you are. I must admit that your lips taste different too.
Pinakawalan ko na ang unang bala. Habang humagibis iyon papunta sa kinaroroonan ni Deimos ay tumunog naman ang Mission App.
"This is Agent Hypnos. I'm sorry if I am too late to inform you all that Deimos Brionnes has nothing to do with the Dezzah Diaz murder case! Agent Persephone, don't shoot him..."
"What the fuck!" Ang sigaw na iyon ni Agent Nyx ang nagpabalik sa aking diwa.
Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman ang kakaibang kaba habang nasa misyon. Ni hindi ako makagalaw sa aking kinaroroonan at pinanuod lang ang bala na tumama sa katawan ng lalaki.
Dahil bahagyang gumalaw sa kanyang pwesto si Deimos ay lumihis ang bala papunta sa kaliwang dibdib, malayo na rin naman sa puso nito.
"Fucking shit," may diin kong sambit habang kinakalma ang aking nagdidirilyong sistema.
Bumagsak si Deimos sa lupa at iyon ang naging simula nang kaguluhan. Meron pang napahiyaw dahil sa gulat at takot.
"Agent Persephone, you should leave this place. Ako na ang bahala kay Deimos!" deklara ni Agent Tyche at nakita kong huminto ang sasakyan nito sa harap mismo ng kinabagsakan ni Deimos.
Maging ang manager at ibang staff ng LC Bar ay nasa labas na rin. Pare-parehong lito at nagpa-panic.
"Tumawag na ako ng ambulance at paparating na rin ang SH detectives," bigay-alam ni Harmonia sa kalmadong boses.
"Agent Persephone, they're too dangerous. Hindi nila pwedeng malaman na tayo ang may kagagawan nito. This might ruin our relationship with them. You should leave now!" asik ni Nyx na kabaliktaran sa tono ng nauna.