Murder On Call (Mycroft Detective Coalition Series 1)
|Collaboration Series|
Murder Case Series #3
A lingering sense of unease fills the air. Was it a misdialed number or a deadly call? As the details of the situation emerge, it becomes chillingly a...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hinaplos-haplos ko ang aking magkabilaang balikat dahil sa lamig ng dampi ng hangin. Nasa park lang ako ngayon na nasa katabi lang din ng bahay namin. Iniwan ko muna si Harmonia para hindi niya na ako makulit pa.
Yunsun Everest.What a nice name tho.Bukas na ang labas ng libro niya? Good to hear that. Good for him. Hindi na sana kami magkita pa.
Malungkot akong napangiti. Mas maigi na ang ganitong set-up. Alam kong wala pa ring kasiguradohang makakakita ulit ako, sinabi lang naman iyon ni Harmonia para palakasin ang loob ko eh.
"Eunsun."
Napatigil ako sa pag-iisip-isip nang marinig ko iyon. Pinakiramdaman ko kung may tao ba akong kasama ngayon at mas lalong naghumirintado ang dibdib ko nang makumpirmang meron nga. Dalawang dipa mula sa duyan na kinakaupuan ko ay alam kong nakatayo ang taong may-ari ng boses na iyon.
Agad akong napatayo at inihanda ang aking sarili sakaling may masama itong balak sa akin.
"Sino ka?" usisa ko pa. Pinatalas ko pa ang aking pandinig pero wala na akong ingay na naririnig. Napabuntong-hininga na lang ako. Baka minumulto lang ako. Gabing-gabi na rin kasi.
"I-t's me, Deimos Brionnes."
Malinaw pa sa tubig na narinig at nakilala ko ang boses na iyon. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa lakas at bilis ng tibok ng puso ko. Napaatras ako para balansehin ang aking sarili at mapigilan ang nginig sa aking sistema.
Para bang ilang dekada ko na ring hindi narinig ang kanyang boses. Ngayon na sigurado akong nasa harapan ko siya matapos ang gabing bumago sa aking buhay ay hindi ko alam kung ano ang dapat na maging tugon.
"Wala akong kilalang ganon," kaswal kong sabi. "I'm sorry, hindi ako ang taong hinahanap mo," dagdag ko pa kahit alam kong hindi ko ito maloloko pa.
"I missed you, Eunsun Roosevelt."
Pinigilan ko ang aking luhang magsilandas. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa katagang kanyang binitawan. Para bang umaalon sa aking dibdib ang halo-halong emosyon na hindi ko kayang ipaliwanag.
Ayokong makita niya ako sa ganitong kalagayan. Hindi ko maiwasang makaramdam ng galit at pagkadismaya. Wala na itong karapatan pang makita o makausap man lang ako.
Simula noong mawalan ako ng paningin ay tinapos ko na ang buhay ko sa showbiz industry at isa na siya sa mga taong ayaw ko ng makasalamuha pa.
"Umalis ka na," matigas ang tonong saad ko. Ginawa ko ang lahat para hindi niya mahalata ang pangangatal ng aking mga labi.
"Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako napapatawad, Eunsun. Kasalanan ko kung bakit ka nagkaganito. Kung sana lang ay natupad ko ang pangako kong poprotektahan kita laban sa..."
"Enough. Kung anuman ang kalagayan ko ngayon ay kasanalan ko ito. Wala kang dapat ihingi ng sorry. Hindi ka na dapat pang nag-abala para puntahan ako. Ayos na ako sa buhay na meron ako ngayon. Hindi ko kailangan ang awa mo."