Two

9.5K 288 46
                                    



"And where do you think you're going?" dahan-dahang napalingon ako sa kung saan nanggaling 'yung boses na 'yun.





Paglingon ko, nakita ko ang isang lalaking matangkad, average built ang katawan na nanlilisik ang mata sa'kin. Eh sino nga ba namang hindi manlilisik ang tingin sa isang taong binato ka ng wala man lang pasabi o dahilan?





"Ah... ano... mag-sosorry sa'yo. Oo, mag-sosorry sa'yo." saka ako ngumiti ng alanganin.




"Sino ka ba ha? At anong karapatan mong batuhin ako? May ginawa ba akong mali sa'yo?" this time, lumapit siya sa'kin kaya naman mas nakita ko 'yung facial features niya.





Malamlam na mga mata, buong buong boses, makinis na balat, matangos na ilong, mamula-mulang mga pisngi at astig na buhok. Pero nawala ako sa pag-oobserba ng facial features niya ng itulak niya 'yung braso ko.





"Hoy! Abnormal ka ba? Tinatanong kita diba?!" sagot niya gamit 'yung mataas niyang boses.




"Chill dude. Ano, mag-papaliwanag ako, ok? Ganito kasi 'yun bro."




" 'Wag mo akong tawaging bro. Hindi kita kapatid." pag-iinterupt niya sa'kin.





Aba't. Huminga na lang ako ng malalim at baka hindi pa ako makapagpigil. Manghihiram 'to ng mukha sa aso eh. Mukha pa namang anak mayaman. Paniguradong lampa 'to.





"Ok. Ganito kasi ang nangyari...?" inilahad ko 'yung kamay ko sa harap niya na parang tinatanong kung anong pangalan niya.




"Yves."




"Ok, Yves. Hindi ko naman kasi alam na may tao pala jan. Eh sa tanang buhay ko, ngayon lang ako bumato jan ng may tinamaan. Kaya hindi ko talaga alam na nanjan ka. Kaya pasensya ka na, hindi ko kasi talaga sinasadya. Pre-occupied lang kasi ako ng mga iniisip ko eh." pero hindi pa rin nagbago 'yung matigas na aura niya.

I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon