"Hon, hindi pala ako magla-lunch dito mamaya ha. I'm having a meeting with the furniture supplier around 1:30 PM eh dun na lang ako magla-lunch." wika ko habang nag-aayos ng sarili sa salamin.
"Is that so?" napatingin naman ako sa kanya ng nakatawa.
"Hermione, is that you?"
At umalingangaw ang tawa sa silid namin. Ganito lang kami. Simple lang. Para ngang hindi kami mag-asawa kasi wala namang pinagbago, well, except sa mga ilang bagay. Katulad ng pangalan niya. At saka 'yung setting ng buhay namin. Dati rati kasi, tuwing matutulog kami sa isang kwarto, ako sa lapag, siya sa kama. Though nag-iinsist siya dahil nakakahiya naman daw dahil palagi na lang akong sa lapag, pero 'yun kasi 'yung dapat noon. Unlike now, mag-asawa na kami so ok na na mag-share kami ng higaan. Kagaya ng sinabi ko, may mga ilang bagay na nagbago sa amin pero mostly, ganun pa rin at masaya naman ako kasi kahit naging asawa ko na siya, hindi ako nawalan ng bestfriend, hindi nawala 'yung taong umalalay sa'kin nung hindi ko pa kayang tumayo.
Matapos kong masigurado na handa na ako sa pagpasok, ay umalis na ko ng bahay. Marami pa rin kasi akong gagawin sa opisina. Nagpapagawa kasi si boss ng written report kung anong nangyari sa branch namin dito since the day na nag-operate ito. Marami pa rin akong rereviewhin na mga contracts and documents para sa mga future transaction namin. Kailangan ko ring i-supervise 'yung mga tauhan namin sa factory. Hindi pa kasi nila ako nakikita. Ang alam lang nila, as for Andeng, eh nandito 'yung representative ng company namin way back from Barcelona.
Habang nagpapahinga sa office...
"Sir, Good Morning." magalang na wika ni Andeng. Nginitian ko lang ito. "Ire-remind ko lang po 'yung meeting niyo with the furniture supplier later at 1pm sa Deliciousa y Sabrosa home of pasta po."
"Yes. oo. Muntik ko ng malimutan. Thank you for reminding me, Andeng. Well, about the meeting, may iintindihin pa ba ako? I mean, kailangan ko pa bang magpa-reserve dun sa meeting place namin kasi as far as I know, fi..."
"Hindi na po Sir. All is well na po."
"Sige, Andeng. You may go. Tawagan na lang kita if ever na may katanungan ako." at ngumiti lang ito at saka lumakad papalabas ng office ko. Pero bago pa siya makalabas, tinawag ko siya ulit. "Ah... Andeng!"
BINABASA MO ANG
I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]
RomanceI hate you, don't leave me. I hate you, please love me. Book cover: @yuukieee