"Hindi. Hindi. Nagsisinungaling ka Carlisle. Sabihin mo! Nagsisinungaling ka!" ngayon ko lang ito naramdaman. Para bang puputok lahat ng litid ko sa katawan.
"Sorry Yves pero totoo lahat ng sinasabi ko!" sabay pahid niya sa mga luhang nag-uunahan sa pagbagsak. "Totoo na 'yung nabundol mo noon ay tatay. Totoo na nakapatay ka ng tao." Napatakip naman ako ng tenga ko at saka umiling-iling ang ulo kasabay ang pamumuo ng mga likido sa aking mata.
"Sinungaling! Hindi 'yan totoo! Ano ba, Layl! Bawiin mo 'yung mga sinabi mo? Galit ka sa'kin? Halika dito, suntukin mo 'ko, sapakin mo 'ko." Lumuluha kong hamon sa kanya.
"Huh... sana nga kayang maibalik ng bawat pagsuntok at pagsapak ko sa'yo 'yung buhay ng tatay ko. Kasi kong oo, matagal na kitang binugbog." Wika niya. "Pero hindi eh. Hindi na! Kahit anong gawin mo, wala na! Patay na 'yung tatay ko. Pinatay niyo 'yung tatay ko! At ang masakit pa, pinaglaruan kami ng mga magulang mo" kita ko 'yung nag-aapoy na galit sa kanyang mata.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito...
"Ano?! Purket mapera kayo? Purket may kaya ako, kaya niyo na kaming paikuting mga kapos sa buhay ha?!" lumapit siya sa'kin at saka ako kinwelyuhan. Nakikinig sa kanyang hinagpis. Nakatitig sa kanyang nagngangalit na mga mata. "Mga demonyo kayo, Yves alam mom o ba 'yun? Demonyo kayo! Ginamit niyo... *sob* ginamit niyo 'yung pera niyo para malinis 'yung pangalan niyo, para hindi mabigyan ng katarungan 'yung pagkamatay ng tatay ko. At alam mo ba kung gaano kasakit sa amin 'yun, ha? Alam niyo ba!" napapikit na lang ako sa kanyang pagsigaw.
"Sa bagay..." saka niya ako binitawan. Ako'y nanatiling nakatulala at nakasandal sa pader. "Ano nga ba namang alam niyo? Magpayaman. Mangdugas. Mangdaya." Kahit masasakit 'yung mga salitang binibitawan niya, wala akong magawa. Tila wala ako sa tamang pag-iisip. Gustong gusto kong ipagtanggol 'yung pamilya ko laban sa mga pang-aakusa at pang-aalipusta niya, pero walang mga salitang lumalabas sa dila ko. Tila ba umurong at nawalan ako ng lakas para magsalita.
"Kaya alam mo? Noong nalaman ko, galing mismo jan sa putang-inang bibig mo na ikaw 'yung nakapatay sa tatay ko, nagplano ako. Sinabi ko sa sarili ko na kung miserable kami, dapat miserable din kayo. Na kung nagdudusa kami, dapat nagdudusa din kayo at kung nahihirapam kami, dapat mas maghirap kayo." Gigil na gigil niyang sabi.
"Ka... kaya ba..." sasabat sana ako kaso bigla siyang nagsalita agad.
"'Yung mga pag-aaway niyo ng pamilya niyo, lintek planado ko 'yun. Ginawa ko lahat para magkasira-sira kayo. 'Yung bugbugan, 'yung pagcucutting... lahat! Lahat planado ko 'yun. At kita mo naman, mukhang mas pinili mo pa ako kesa pamilya mo." Nakaramdam ako ng galit. Galit kanino? Hindi ko alam. Sa sarili ko. Napakatanga ko. Napakatanga ko.
BINABASA MO ANG
I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]
RomanceI hate you, don't leave me. I hate you, please love me. Book cover: @yuukieee