Eight

6.2K 326 36
                                    




*Yves





Nagulat ako ng bigla siyang umimik.





"Kuya, jan na lang po sa tabi."





Tiningnan ko 'yung paligid kung saan huminto si Mang Anjo. Masasabi kong bago sa paningin ko ang lugar na 'to. First time kong makapunta sa lugar na ganito. Lugar kung saan 'yung mga bata ay naglipana sa kalsada't parang mga asong walang sawang tumatakbo. Lugar kung saan malayang lumalakad-lakad sa daan kasama ng mga tao ang mga aso't pusa. Lugar kung saan parating basa ang kalye. Lugar kung saan maraming mga lalaking hubad, maraming mga babae ang nag-bibingo at dikit-dikit ang bahay. Hindi ko naman masabing Squater's area kasi hindi naman siya ganoon kalala, pero malapit na.




Sa hindi ko mawaring dahilan, bigla ko na lamang nakita 'yung sarili ko na bumaba ng sasakyan. Hindi ko pinansin 'yung putik na kakapit sa pinakamamahal kong sapatos.





"Oh? Ba't ka pa bumaba? Baka madumihan ka." nakangiting usal ni Carlisle.




"Ahh ano... ano kasi..." napakamot ako sa batok ko. "Ano, curious ako sa lugar niyo. Curious ako kung ano... saan ka nakatira. Ganun." palusot ko.




"Oh? Talaga? Ang kaisa-isang anak ng presidente ng ABC Records, interesado sa buhay na mayroon kami?" nangloloko niyang tugon.




"O...oo" nag-aalangan kong sagot.





Maging ako din kasi, hindi ko alam kung bakit ako bumaba eh. Bakit nga ba?




Maya-maya pa'y may tumawag sa pangalan ni Carlisle. Isang batang lalaki na sa tantiya mga anim hanggang walong taong gulang na. Mabilis itong tumakbo papunta sa kuya niya at niyakap ito ng mahigpit. Hindi ko alam pero biglang may kumurot sa puso ko sa aking nasaksihan. Hindi ko alam kung ano, hindi ko alam kung bakit, basta naramdaman ko na lang.





I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon